KELVIN POV
Linggo na ngayon.
Parang kailan lang ay bakasyon pa, tapos bukas ay June 8 na.
Back to abnormal days, terror teachers, and serious life.
Pero, siguro naman... It's not the thing to worry about, cause.. Nandyan naman si Yanna.
Saka.. Kaya ko naman siguro ang life ng third year high.
Bahala na si Batman!
Basta ako...
Kinakabahan na ewan ko ba.. Nandoon din kasi yung excitement.. Pero mas malakas pa rin yung kaba ko at yung katamaran.
Ang dahilan ko kasi ay...
Una.. Ayaw kong gumising ng umaga.
Pangalawa.. Ayaw kong mag flag ceremony.
Pangatlo.. Ayaw ko ng maraming rules and regulations.
At pang apat... Ayaw ko ng maraming ginagawang school works.Nakakatamad!
Pero, si Yanna gustong gusto yun.
Ewan ko ba dun!
Napakasipag mag aral.
Samantalang ako, napakatamad ko.
Nagpapasalamat na nga lang ako dahil, kahit lagi kaming magkasama ay hindi siya nahahawa sa katamaran ko.
At isa pa kasi... Naikwento niya sakin nung first year kami..
Gusto niyang maging valedictorian. Which is hindi niya nakuha nung Grade school kasi salutatorian lang siya.Kaya ayun, sising sisi siya.
At ngayon daw, kahit gaanong kahirap.. Kakayanin niya, maiuwi lang daw niya ang title ng valedictorian.Grade 1 ko lang nakilala si Yanna, iyakin kasi ako nun.. Tapos siya yung lumapit sakin at nakipag kaibigan.
Binigyan niya pa nga ako ng baon niya, tapos ako inubos ko.
Doon nag umpisa yung pagiging mag bestfriend namin. Lagi rin naming classmate si Alfred at kaming tatlo ang laging magkakasama.
At saming tatlo.. Si Yanna ang kopyahan namin sa assignment at sa mga quizzes and exams.
Hahaha.
Grade school pa lang talaga ko ay tamad na ko.
At ang dahilan ko nun, ay dahilan ko rin ngayon.Ayaw kong gumigising ng maaga at maraming ginagawang walang wentang bagay.
So, ngayon? Alam niyo na kung saan nag'start ang pagiging mag bestfriend naming dalawa?
Hehe...
" Kelvin!"
Tawag ni Ate habang kumakatok sa pintuan ko.Ano na naman problema netong babaeng to?
" Lumabas ka nga dyan! May bisita ka!"
Bisita?
" Sino?!" Sigaw ko sakanya dahil hanggang ngayon ay di ako tunatayo sa pagkakahiga ko sa kama ko.
Naglalaro ako e.. Matatalo ko na yung freak kong kalaban e!
Istorbo!
" Basta! Kindly get out to your room, now!"
Lakas makabasag trip netong ate kong suplada, labentadora, usesera, laitera, tangera!
Tangera??
Sa inuman yun ha??
Hindi kasama yun! Di naman lasengga yan e.
" Oo na! Eto na! Bwiset."
Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko siya naka'halukipkip ang dalawang braso saka nakatingin sakin, habang yung isang kilay niya nakataas.
BINABASA MO ANG
Kung Ako Nalang Sana ( Sana Hindi Ka Na Nasaktan Pa. ) (COMPLETED)
RomansaPaano nga ba magsasalita ang isang bibig na hindi man lang alam banggitin ang salitang MAHAL KITA, pero alam banggitin ng PUSO at ISIPAN. BESTFRIEND? Yung salitang gusto mong takasan, pero hindi mo magawa, dahil hanggang doon ka lang. Meet Analyn G...