KELVIN POV
" Pare? Ano? Sigurado kang Okay yan ha! Pag yang location na yan hindi okay para sa date namin ni Yanna. Mapapatay kita."
" Okay na. Ready na lahat. Okay! Don't panic. Walang mangyayaring tornado or something na hahadlang dyan sa 'romantic date niyong yan!' " Si Alfred na may diin pa ang pagkakasabi niya nung last part.
Abnormal.
Hindi kasi alam ni Yanna to. Ang alam lang niya, ako yung pumuslit sa practice. Ang di niya alam. Tatlo kami. Hahaha.
Buti nga at di na sinabi ni Mr. Geronimo kanina yung mga pagpuslit namin e. Kung hindi. Sira ang plano.
Kaya ayun.. Tagumpay syempre! Sila nila Denise yung gumalaw dun kasama sila Pauleen at Nancy. Sabi ko nga wag na silang tumulong kasi nakakahiya. Kaso, ewan ko ba sa mga yun.
Gusto daw nila talaga.
Hindi naman siguro sila kontrabida dito no? Si Spencer lang talaga no?
Haay!
Salamat talaga at may barkada kong katulad nila.
" Oy! Pakausap ako!" Dinig kong sabi ni Beauty.
" Hoy ikaw lalaki ka! Kapag may ganito kang plano! Bakit ako lagi ang dapat sidekick ni Analyn, Ha! Hindi ba pwedeng iba naman yung gagawin ko! Bwiset! Ako tuloy yung playing safe dapat!"" Hephep. Wag ka ng umangal. Bakit? Sanay ka bang magluto? Sanay ka bang gawin lahat ng ginawa nila? Saka.. Sino ba ang close ni Yanna ko sainyo? Diba kayo ni Denise?"
" Oo. Pero, mas... Close ako. " sabi niya.
" Kitams. Aarte ka pa. Sige na! Pagdating namin dyan. Magtago ka."
" Bakit naman ako magtatago, Aber?!"
" Baka matakot mo kami e. "
" Bwiset!"
" Hahahahaha!" Tawa ko tapos narinig kong nagtawanan yung mga kasama niya dun sa venue.
Joke lang naman yun.
Hawig niya kasi si Kiray.
Knowing Kiray naman diba? Bansag'an yun ng mga walang ganda pero, on the other side naman, maganda naman talaga siya e. Pwera sipsip ha! Di ko naman kasi kilala yun in person.
Maganda naman siya e.. Yun nga lang, nasimulan kasi siya sa ganung bansag. Kaya ayun! Naipagpatuloy na. Saka... Mas sumisikat nga siya sa ganung itsura diba?
Pero,... Bakit ba siya ang pinag uusapan?
Haay!
Aalis na talaga ko.
" Saan ang lakad?"
" Oh? Tita." Nakangiti kong sabi.
" Hanggang sa ibaba naaamoy ko yang pabango mo. Hindi naman kaya ma'soffucate yung makakatabi mo? "
" Tita naman. " Nakangiting angal ko
" Biro lang. Haay.. Naku. Nung nakaraan lang, hindi ka pa nakakatayo sa sarili mo. Duwag na duwag ka pa. Pero, ngayon.. Matapang ka na. Kaya mo nang gawin lahat. "
" May bonus pa, Tita."
" Ano?"
" Sobrang gwapo pa. Diba?"
Natawa naman siya saka siya tuluyang pumasok sa kwarto ko.
Did I say na ba na, she's my dad's second wife?
Kaya Tita ang tawag ko sakanya.
Ayaw niyang magpatawag ng Mommy e. Kasi, ayaw daw niyang agawin yung posisyon ng totoo naming Nanay.
BINABASA MO ANG
Kung Ako Nalang Sana ( Sana Hindi Ka Na Nasaktan Pa. ) (COMPLETED)
RomancePaano nga ba magsasalita ang isang bibig na hindi man lang alam banggitin ang salitang MAHAL KITA, pero alam banggitin ng PUSO at ISIPAN. BESTFRIEND? Yung salitang gusto mong takasan, pero hindi mo magawa, dahil hanggang doon ka lang. Meet Analyn G...