PART 19

100 5 4
                                    

KELVIN POV

" Ano hinahanap mo?" Tanong ko sakanya.

" Dito ko lang nilagay yun e. Bakit nawala?"

" Ang alin ba?" Tanong ko sakanya.

" Yung box na nasa bag ko. Tanda ko dito ko inilagay yun e." Sabi niya kaya nanlaki mata ko.

Itinapon ko yun e. Bakit hinahanap niya dito?

Nababaliw ba tong babaeng to?

Magmemo plus gold ka nga!

" Ano bang box? Ano bang laman nun? Wala naman akong nakikitang box dyan e. " Tanong ko sakanya.

" Di ko pa nga nabubuklat yun! Kaya di ko alam. Basta galing yun kay Spencer ibinigay ni Eric kanina sakin."

" Ahh.. Mahalaga pala sayo si Spencer no?" Sabi ko sakanya tapos naghalukipkip ako ng braso.

" At bakit naman?" Nakataas ang kilay na sabi niya.

" Paano, hinahanap mo yung ibinigay niya sayo."

" Haay naku! Nag umpisa ka naman! Syempre! Na'aappreciate ko lang yung binibigay nung tao. "

Palusot dot com!

" Appreciate daw? Sabihin mo, talagang hinahanap mo! Hoy! Ayaw kong lalapit sayo yung pinsan niya ha! Saka... Wag ka nang tatanggap ulit ng mga bagay galing sakanya, kung hindi makikipag away talaga ko ulit! "

" Aba'y bakit naman?! Ano ba problema mo?!"

" Basta!"

" Siguro kinuha mo no? Asan?!"

" Aba! Ako pa pinagbintanggan mo! Malay ko sa kabaduyan nung lalaking yun! Basta ito, rules ko sayo! Ayaw kong lalapit ka dun. Kahit na sa pinsan niya, Wag kang lalapit! At wag ka ring tatanggap ng kahit na anong galing sa kanya! Understand!"

" Ewan ko sayo."

" Mas ewan ko sayo. " sabi ko sakanya tapos nagpatuloy lang siya sa paghahanap ng lecheng box na yun.

" Dito ko lang kasi talaga nilagay yun e."

Tanga.

Di nga sabi dyan mo naiwan. Tinapon ko. Eng eng.

" Mabuti pa. Wag mo nang hanapin yan. Maloloka ka lang kakahanap. Bukas mo na hanapin."
Sabi ko sakanya.

" Mabuti pa nga. Kasi, kung hahanapin ko yun, sigurado naman akong hindi ko makikita yun e. Diba, Kelvin?"

O diba?!

Sumang ayon siya. Pero.. Bakit ganun?

Parang sarkastiko.

" Oo. Hindi mo na talaga makikita yun. Kaya matulog ka na"

" Saan mo nilagay?"

" Sa basurahan."

O_O

What the ef!

Djsncjj!!!!

Did I say that!

Ef!

" Tingnan mo! Lumabas din sayo! Kanina pa kita hinuhuli e! Bwiset ka talaga!! Napaka salbahe mo! "

" Di ako salbahe. Salbahe bang matatawag yung nag aalala lang naman sayo?"

" O.A. ka naman kasing mag alala. Parang virus yung laman nung box. "

" Gaga! Liligawan ka nung lalaking gagong yun! Yun yung laman nung box! ano?! Gusto mo! Pag nakita ko talaga yung lalaking yun.. Nakikita mo tong kamao ko? Babakat sa pagmumukha niya to."

Kung Ako Nalang Sana ( Sana Hindi Ka Na Nasaktan Pa. ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon