PART 34

88 3 1
                                    

ANALYN POV

Hindi ko alam kung sino yung kausap ni Kelvin sa telepono.
Basta nagulat nalang ako sakanya nung sumigaw siya at nagmadaling umalis.

Syempre sumama ko, tapos si Marie ibinilin ko muna kay Aldrin. Wala rin kasi si Kuya. E day off kaya niya. Saan kaya yun nagpunta??

Wag lang sanang mag away tong dalawang makulit na to.

Haay!!

Pagkadating namin sa ospital ay hinanap namin yung kwartong ibinigay nung nurse samin.

Hindi kaya ako kinakausap nung mokong na to. Napakatahimik. Parang hangin lang ako.

Nung makarating kami sa room 243 ay nagulat pa ko sa nakita ko.

" Kuya?!"
" Kuya Lance?!"

Sabay na sabi namin ni Kelvin tapos nagkatinginan kami.

Hindi pa nga pala niya alam.

" What is the meaning of this Ate?"

Ayan! Patay na!

Bistuhan na to.

" Kelvin. Hayaan mo muna silang magpaliwanag." Sabi ko pero di ako pinansin.

Walang effect yung beauty ko ganun?

" Hindi! Ano ibig sabihin nito? Bakit magkasama ang Kuya ko? At ang Ate mo?"

" Ha?"

Parang nagkabaliktad ata, tsong!

Nang aangkin ka ng kapatid!
                                                           
                                                          
( Ooopppsss....
Babasahin niya ulit  haha. )
                                                          
                                                          
" Baka Kuya ko. Tapos Ate mo."

Nag isip naman siya tapos kumamot sa ulo niya.

Daig pa nito matandang nag uulyanin.

Kabata bata e.

Tsk!
Tsk!

" O e ano nga, Ate! "

" Let us explain this. Pero, wag muna ngayon." Si Kuya.

" Anong?--" naputol ang sasabihin niya ng biglang may pumasok na doctor.

Babae. Tapos isang nurse na lalaki. Gwapo. Kinindatan ako kaya ang ginawa ko ay sinabit ko yung kamay ko sa braso ni Kelvin.

Para he knows his place na.
I'm faithful noh!
Kahit na hindi pa kami.

" Wala kayong dapat ipagalala. Normal thing lang ang nangyari sayo, Mrs.----"

" Anong Mrs?! Miss pa ang Ate ko! Wala pang asa----"

Natahimik siya mismo sa kung ano yung sasabihin niya, may narealize ata.

" anyway, Healthy ang baby niyo. Maselan lang talaga ang pagbubuntis mo, iha. Kaya dapat, rest ka lang at wag gaawa ng mga mabibigat na gawaing bahay. Bawal din ang masyadong stree." Pagtutuloy ng doktor.

Ako naman nakatingin lang kay Kelvin.
Para siyang timang.

O_O si Kelvin. Yan ang itsura niya. Tapos yung buhok niya gulo gulo pa dahil sa kanina pa siya sabunot ng sabunot dun sa sarili niyang buhok.

Ako kasi, alam ko na e.. Si Kelvin di pa talaga ata niya alam kaya ganyan kung makareact.

" Kayo?? Weehh?? Buntis??? Di nga??" Si Kelvin ulit.

Kung Ako Nalang Sana ( Sana Hindi Ka Na Nasaktan Pa. ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon