KELVIN POV
" Ma. Susunod ako ha. Magpagaling ka."
" Oo anak. Pangako yan. Mag ingat kayo palagi dito." Nakangiti at mangiyak ngiyak na sabi niya samin ni Kuya at ni Ate Glenda.
" Ma. Stop crying na. Ako bahala sa mga kapatid ko. Kami ang bahala ni Kelvin bilang kami yung mga lalaki sa pamilya. Pangako, hindi kami magiging pasaway dito, diba Kelvin? "
Tumango naman ako sakanya tapos ay mangiyak ngiyak din akong ngumiti.
" Mag pagaling ka, Ma. Kailangan mo pang makita yung mga magiging apo mo samin, saka... Tingnan mo oh.. Magkaka'apo ka na kay Ate Glenda." Si Kuya tapos niyakap kami ni Mommy.Nandito na kami sa airport at malapit na silang umalis. Hinihintay nalang nila si Ate Gladys na nag'C.R lang saglit tapos ay sasakay na sila sa eroplano.
Kaming apat lang ang magkakausap ngayon, yung mga kaibigan ko kasi ay kausap ni Tito at ni Ate Rica.
Kasama naman ni Yanna yung kapatid kong si Marie na iyak ng iyak at inaamo nilang tatlo nila Kuya Lance at ni Aldrin.Nalaman niya kasi yung kalagayan ni Mommy at gusto niya ring sumama.
Actually, lahat kaming anak niya gusto siyang samahan kaso ay kailangan talaga naming maiwan dito kaya wala kaming magagawa kung hindi sumunod sa gusto niya." Ma. Gusto ko sanang samahan ka, kaso... Di ako pwedeng bumyahe e. saka.. Ayaw mo naman kasi e. " mangiyak ngiyak at pag uulit niya ulit sa sinabi niya kanina.
" Anak, okay lang ako. wag niyo kong alalahanin. Magpapagaling ako at lalaban ako hanggang sa dulo. Mahal na mahal ko kayo mga anak, kaya lalaban ako okay?"
" Mommy!" Sigaw ni Marie tapos ay niyakap niya si Mommy.
" Magpapagaling ka, Mommy ha. Babalik ka dito. Ayaw kong mawala ka samin ulit."
" Oo anak. "
Lalo tuloy umiyak si Mommy haban yakap niya ang bunso niya.
Napatalikod nalang ako dahil naiiyak na rin ako.Nakita ko si Yanna na nakatingin sakin at ngumiti siya ng pilit sakin.
Gusto ko siyang lapitan at yakapin, hingan ng tulong or something else na hinihiling kong gawin niya mawala lang yung bigat at sakit na nararamdaman ko.
Pamaya maya ay dumating na si Ate Gladys.
Oras na para umalis sila.
Naluha ako at agad kong pinunasan yun, pero di ko na napigilan ang sarili ko ng biglang nagtuloy tuloy yung patak nun.
Nilapitan ako ni Yanna at pinunasan niya yung luha ko at niyakap ko nalang siya.
Sobrang sakit kasi.
Di ko alam kung anong mangyayari kay Mommy doon.
Pwede siyang gumaling, pwede ring hindi.At ang inaalala ko pa. Baka mamaya maging biglaan ang lahat, sobrang sakit nun para sakin kasi... Hindi ko manlang siya nakasama ng matagal at kahit sa huling sandali niya kung sakaling mawala siya.
Ayaw kong mag isip ng masama, pero di malabong ganun yung mangyari.
Nag'search kasi ko, at ang malignant ay isang uri ng cancer na hindi na kayang pagalingin kahit na anong gawing paggagamot.
Oo. Nag'search ako dahil hindi ko alam yung meaning nun. Ayaw ko namang magtanong dahil nahihiya ako. Baka sabihin nila, malignant lang di ko pa alam.
" Stop Crying, Kelvin. Gagaling si Tita. Wag kang magpakita ng kahinaan. Sainyo lang siya huhugot ng lakas, kaya wag mong ipakita na mahina ka okay?"
Tama.
Hindi dapat maging mahina ang tulad ko.
Wag na kong mag isip ng masamang bagay.Positive lang dapat.
BINABASA MO ANG
Kung Ako Nalang Sana ( Sana Hindi Ka Na Nasaktan Pa. ) (COMPLETED)
RomantizmPaano nga ba magsasalita ang isang bibig na hindi man lang alam banggitin ang salitang MAHAL KITA, pero alam banggitin ng PUSO at ISIPAN. BESTFRIEND? Yung salitang gusto mong takasan, pero hindi mo magawa, dahil hanggang doon ka lang. Meet Analyn G...