ANALYN POV
" Nakita na ba kung nasaan si Kelvin?" Tanong ni Beauty.
Nandito kami ngayon sa canteen. Nag la'lunch.
Bawal kasing lumabas ng school kapag lunch, uwian lang talaga pwede.
Kaya lahat ubligadong magbaon, o di kaya ay bumili ng pagkain sa canteen.Tutal, highschool lang naman ang mga nandito. Kaya di masyadong hussle.
" Nakita na. Kaso, naglayas ulit." Sagot naman ni Ian.
" O? e bakit daw? Pasaway talaga masyado yang kaibigan natin." Si Denise.
" Paano, nag abot sila ng Ate niya. Nagkalabasan ng sama ng loob. Kaya ayun... Instead of grounded lang siya for a week?? Or for a month?"
" Wik lang, bru!" Sagot ni Luigi.
" Ayun, Wik daw. Haha. Kaya ayun, nilayasan niya yung bahay. At least nga naman, hindi siya grounded. Malaya siya." Dagdag ni Alfred tapos tatawa tawa siya nung huli.
" E saan siya ngayon?" Tanong ni Denise.
" E baket de kaya naten tanongen ang bistfrend."
Nang sabihin yun ni Luigi ay nagtinginan sila sakin.
Napakamot lang ako ng ulo dahil hindi naman ako nagkekwento sakanila.Pero, alam kong may alam sila.
Gusto lang ng mga to, magkwento ko. Kanina pa kasi ko tahimik at panay review lang. Nagbabasa ng notes, ganun lang.
Pero, kung itatanong niyo kung paano din nila nahalata?
Simple lang.E dinaldal na ata sa buong campus nung mga demonyita yung nangyari kahapon sa Mall.
Nakakapikon nga e! Dami tuloy nang aasar!
Pag nalaman pa to ni Kelvin, lalong magkakaroon ng away. Hula ko lang.
Sana makalimutan na nila yun, gaya ng hindi ko pagpansin sa mga pang aasar nila.
Shemay sila!
" Ahh... Ako? Oo. Nasa amin siya--"
" Ayun naman pala! E bakit hindi ka nagkekwento?! Aber!"
Biglang singit ni Denise." Nagtatanong ba kayo?" Tanong ko sakanila tapos binatukan lang ako ni Beauty ng mahina.
" Aray!"" E ano yung balibalita? Yung nag kiss daw kayo? We want proofs coming from you, kung totoo nga ba?"
Magsisinungaling ba ko?
Haay!
" Hindi yun, sady---"
" Aaahhh!! Oh my God!!" Sigaw nina Beauty at Denise tapos nag appear lang sila Ian.
" Nice!"
" Anong nice?! Accident lang yun!" Bulyaw ko kay Alfred.
" Wag ka nang magpaliwanag! Okay na kami sa sinabi mo. Hahaha."
" Mga bwiset! It's not what-----."
" Alam mo. Deny ka pa. Halata naman sayo na matagal ka ng may gusto sakanya. Right?" Sabi ni Ian.
" Oo nga. Kahit di mo sabihin, alam namin. Si Kelvin lang naman ang tanga e. Saka ikaw si Ms. Akila " sabi ni Beauty.
Teka....
Anong sabi niya??
O_O
Alam nila?
They feel it.My God.
Hindi pwede!!
" Niloloko ko na nga siya na liligawan kita e, kaso.. Wala effect sakanya, sasapakin daw niya ko pag ginawa ko yun, pero.. Parang meron na ata ngayong effect yun. hahaha!" Sabi ni Alfred ulit
BINABASA MO ANG
Kung Ako Nalang Sana ( Sana Hindi Ka Na Nasaktan Pa. ) (COMPLETED)
Roman d'amourPaano nga ba magsasalita ang isang bibig na hindi man lang alam banggitin ang salitang MAHAL KITA, pero alam banggitin ng PUSO at ISIPAN. BESTFRIEND? Yung salitang gusto mong takasan, pero hindi mo magawa, dahil hanggang doon ka lang. Meet Analyn G...