PART 30

77 4 0
                                    

KELVIN POV

" Ano ba talaga? Natatakot akong kausapin si Analyn e. Kanina pa yun hindi namamansin e." Sabi ni Alfred.

Nandito kasi kami sa may court.
Kakatapos lang kasi ng try out. Si Mr. Geronimo ang coach namin. Kasali kaming tatlong magkakabarkada.
Kaya kahit papaano masaya.

Pero yung puso ko?

Hindi.

Dose kasi yung kinuha saming third year. Pero syempre lima lang yung maglalaro sa Intrams, kung sino yung pinakamahusay.

Kalaban namin yung Freshmens, Sophomores and Seniors.

Si Luigi, gustong sumali kaso kulang sa height. Saka hikain din kasi yun.

Ang mga napili sa section namin ay sina
Vince
James
Rolly
Dexter
Eric
Saka yung Spencer na yun.
Tapos kaming tatlo.
Saka namili pa sa ibang sections.

Banas nga e!

Sumali pa tong Rice Despencer na to.

Susupalpalan ko talaga siya sa game. Di baleng matalo kaming Jr's, gago siya!

Kami talaga ang maglalaban.

Siya ang kalaban ko. Ipapahiya ko siya.

Yabang niya!

Akala naman ke gwapo!

" Ang sama naman ng tingin mo kay Spencer? Babanatan mo na naman ba?" Tatawa tawang tanong ni Ian.

Di pa kasi nila alam yung bagay na sinabi ni Yanna sakin.

Ayaw kong ipaalam kasi, baka hindi naman totoo.

At nananalig parin ako.

" Hoy! May sampalan daw doon! Third year! Bilis manuod tayo!"

" Anong section daw!"

" A!"

" Ay!! Tara! Exciting yun!"

Mabilis akong tumakbo nung marinig ko yun.

Ewan ko ba!
Pero nung sinabi nilang babae yung nag aaway mabilis pumasok sa isip ko si Analyn.

Alam kong hindi nakikipag away yun, pero mainit ang ulo niya. Baka hindi makapagpigil yun lalo na't galit talaga siya.

" Vin! Saan ka pupunta!" Rinig kong tawag nung dalawa pero di ko na sila pinansin.

Nakita ko si Nancy pero di ko siya pinansin. Nagderederetso lang ako doon sa nakikita kong kumpulan.

Pagkadating ko doon ay nakita kong tumakbo papunta sa gulo si Spencer and I heard tinawag niya si Analyn.

Kinabahan ako agad.

Kaya nung makalapit ako ng konti ay tinawag ko siya.

" Yanna?!"

Tumingin lang siya sakin ng blanko then hinila niya si Spencer palayo.

Hindi niya ba ko nakita?

O hindi niya lang talaga trip makita ko?

Mukha namang mga ewan yung mga Sossy Girls dahil puro sila dumi sa uniform nila.

Haay!

Bwisitin niyo na ang lasing at bagong gising.
Wag lang si Yanna na galit parin sakin.

" Kelvin."
Si Nancy.

(-_-)

Di kita kailangan.

" Wag mo na pala muna kong ihatid. May gagawin kasi kami ni Pauleen."

Kung Ako Nalang Sana ( Sana Hindi Ka Na Nasaktan Pa. ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon