KELVIN POV
Napakasama kong tao!!
Sobra.
Twing nakikita ko si Yanna na mag isa at umiiyak, gusto ko siyang yakapin. Gusto ko siyang kausapin at wag iwasan.
Pero di ko magawa dahil wala na kami.Nakokonsensya ko sa mga desisyon kong mali.
Pero sa totoo lang?
Ayaw ko talagang makipaghiwalay sakanya e..Mahal na mahal ko siya.
At lahat ng mga sinabi ko sakanyang masasakit? Pagpapanggap lang lahat yun wag ko lang siyang makitang nahihirapan.
Wala na kasi kong ibang nakikitang paraan kung hindi iyon e..
Gusto ko lang magalit siya sakin dahil ayaw kong nadamay siya sa kung ano ang nangyayari sakin.
Di ko parin kasi alam kung paano ko kakalimutan si Mommy.
Ayaw kong mag alala siya sa kilos ko.. Ayaw kong alalahanin niya ko ng husto dahil sa twing nakikita ko siyang concerned at nahihirapan dahil sakin, mas lalo akong nasasaktan.
Oo. Alam kong nasasaktan siya.. Pero gusto ko munang umiwas. Parehas lang kaming nasasaktan. At kahit isa samin... Hindi kayang ipaliwanag kung gaano nasasaktan ang mga damdamin namin sa nangyayari.
Oo. Kasalanan ko to. Gusto ko to.
Patawarin niyo na ko.Sana... Mapatawad niya ko.
" Hanggang kelan ka dito? Baka madulas ako sa mga kaibigan natin na dito ka nakikituloy e. Lagot ako niyan. Sakin walang problema kahit forever ka dito.. Kaso.. Malalaman at malalaman din nila tong pagtulong ko sayo." Si Ian.
Dito kasi ko nakituloy sakaniya.
Alam niya lahat ng mga ginawa ko. Pinagalitan nga niya ko e pero di ko siya pinakinggan.
Alam ko naman kasi ang tama.. Pero mas pinili kong gawin yung mali.
Alam kong mali ako. Sobra. Kasi hanggang ngayon? Nagsisisi ako.
" Di ko alam, Pare. Basta... Iwasan mo nalang magsalita kapag ako yung pinag uusapan ng barkada. Hindi naman ako lalabas ditosa guess room niyo." Pagbibiro ko kaya nangiti siya.
" loko! E bakit ba kasi, hindi ka makipagbalikan? Bakit hindi mo patawarin yung mga kapatid mo? Kasi alam mo? Tama si Analyn..kung hindi mo aalisin ang galit sa puso mo.. Hindi mo talaga makakalimutan yung nangyaring pagkawala ng Mommy mo. Yun kasi yung nagpapabigat ng kalooban mo e. Subukan mong pakawalan yan? Gagaan yan."
" Di ko kaya e. Si Yanna... Kaya ko siyang balikan... Pero ang mga kapatid ko? Di ko kayang kausapin."
" Bakit? Mommy mo nga noon di mo kayang kausapin e... Halos kasuklaman mo pa. Pero nakausap mo siya, diba? Kapatid mo pa kaya, Pare? Wag mong sabihing.. Gagawin mo lang magpatwad ulit kapag nasa alanganing sitwasyon na sila? Kung kelan huli na naman ang lahat?"
Napatingin ako sakanya pero di na ko nagsalita kasi tama siya.
Di ko pa kasi kaya talaga.
Nandito parin yung hinanakit ko sakanila e.
" Alam mo ba? Si Spencer? Matagal ka na niyang gustong kausapin tungkol sa kalagayan ng Mommy mo. Kaso.. Natatakot siya sa magiging reaksyon mo.
Ayaw kasi ng Mommy mo na.. Mag alala ka.
Kwento lang naman niya sakin. "" E bakit hindi niya sinabi sakin?"
" Kasi nga... Nag aalala siya sayo at sa Mommy mo.
Paano naman kasi.. Kapag nalaman mong kritikal na ang Mommy mo syempre susugod ka dun. Ang mommy mo naman.. Ayaw kang pag alalahanin para sakanya.
Nakakatawa nga e. Magkaugali kayo. Parehas kayong pasaway"
BINABASA MO ANG
Kung Ako Nalang Sana ( Sana Hindi Ka Na Nasaktan Pa. ) (COMPLETED)
Roman d'amourPaano nga ba magsasalita ang isang bibig na hindi man lang alam banggitin ang salitang MAHAL KITA, pero alam banggitin ng PUSO at ISIPAN. BESTFRIEND? Yung salitang gusto mong takasan, pero hindi mo magawa, dahil hanggang doon ka lang. Meet Analyn G...