ANALYN POV
3PM na kami nakalabas kanina ng detention room ni Kelvin.
Nakauwi na rin ako sa bahay hinatid niya ako.
Konting kulitan muna kami tapos ay nagpaalam na rin siya.
Nga pala,
Si Alfred ang tinanghal na MVP.
Dahil gaya ng mga unang laro nila, halos parang si Kelvin lang din siya. Three points lagi ang shoot. Ganun din daw kanina kwento ni Beauty samin.At ang good news pa.
Over all champion ang Juniors!
Pangalawa lang ang Seniors Tapos nasa dulo ang Freshmen.Kaya masaya na rin ako kasi, kahit na may mga games na natalo kami. Ay nag champion parin kami!
Hehe.
Pero sa basketball kanina??
Panalo rin!!!
Isa nga lang daw ang lamang e. 88 & 87
Buti nga nanalo e, kahit wala si Kelvin.
Habang tinitingnan ko si Kelvin kanina ay alam kong masaya siya. Kasi kaibigan niya yun at alam kong ganun siyang makitungo talaga. Yung tipong okay lang na malungkot siya, basta masaya ang kaibigan niya o yung taong nakapaligid sakanya.
Pero alam ko ring gusto niya rin talaga yung trophy na yun.
Hayaan mo!
Next year alam kong makukuha mo yan. Magkakaroon ka niyan.
" Nga pala, Ana. Wala namang pasok bukas aalis muna ko. Dun muna ko matutulog kela Ate Glenda mo. "
" Okay lang Kuya. Kaya naman namin dito e. Kung gusto mo, samahan mo muna siya dun. "
" Okay lang sayo?"
" Oo naman. Kayang kaya ko Kuya ang gawaing bahay, pero syempre... Yung allowance sayo." Sabi ko saka parehas kaming natawa.
" Sabi ko nga sakanya na dito nalang siya tumira kasama natin, kaso ayaw niya dahil gusto daw niyang kasama ang mga kapatid niya saka ayaw daw niyang umalis sa bahay nila dahil nandun daw ang memories ng Mommy at Daddy niya.. E.. Pagbibigyan ko nalang tutal ako naman yung lalaki. Ako nalang mgpapakumbaba. Kesa mag away pa kami,diba?"
" Tama yan, Kuya! Yan talaga yung sikreto ng mga relasyon. Pagpapakumbaba, pagpapasensya at pagbibigay halaga. Kaya walang tumatagal na relasyon ngayon, kasi wala sila niyan. Buti kayo meron no?"
" Dami mong alam. Porket inlababo ka!! "
" Inlababo? Saan mo naman napulot yan."
" Dyan lang sa kapatid mong baliw." Tatawa tawang sabi niya.
" Kelan mo sinagot ang Mr. Intrams mo? Gaganda ng kuha ko sainyo nung pageant e. May sparks talaga e."" Loko."
Nakita ko na yung pictures na kinuha niya nung pageant. Ganun din si Kelvin, kanina lang niya nakita.
Actually, may blood talaga si Kuya ni Daddy. Parehas silang magaling sa photography. Actually... Pati si Mommy ganun e.
Ako lang talaga ang hindi. Ewan ko lang si Aldrin.
Speaking of Aldrin. Eto siya. Panay pindot sa cellphone niya.
Sino naman kaya ang katext ng loko at nangingiti pa.
Dapat di pa to nag'cecellphone e.
Kunsintidor kasi si Kuya e!" Kuya?"
" Oh?"
Nginuso ko naman sakanya si Aldrin at kibit balikat lang siyang nakangiti habang iiling iling.
" Hayaan mo na. Binata na ang kapatid mo."
BINABASA MO ANG
Kung Ako Nalang Sana ( Sana Hindi Ka Na Nasaktan Pa. ) (COMPLETED)
Lãng mạnPaano nga ba magsasalita ang isang bibig na hindi man lang alam banggitin ang salitang MAHAL KITA, pero alam banggitin ng PUSO at ISIPAN. BESTFRIEND? Yung salitang gusto mong takasan, pero hindi mo magawa, dahil hanggang doon ka lang. Meet Analyn G...