KELVIN POV
" Tulungan na kita." sabi niya sakin.
Naglalaba kasi ko.
One week na rin akong dito nakatira.
Bilis ng araw no?
Ang nilalabhan ko lang ay yung gamit ko saka yung gamit ni Aldrin.
Ayaw kasing magpalaba ni Yanna e. Nahihiya siya.
Binigyan niya ko ng task e.. Ayaw naman niyang ipagawa sakin. Kaya ko naman.
Nahihiya pa.
" Wag na. Ako na. Nakakahiya kaya. " panggagaya ko sakanya kanina kaya binatukan niya ko.
Tumawa lang ako sakanya tapos ay naupo na rin siya saka nagkuskos ng damit ko.
Habang nagkukuskos siya ay tinitingnan ko lang siya.
E dahil sa makalokohan ako.. At gusto ko siyang harutin ngayon..
Nilakasan ko yung kuskos ko sa damit ko kaya nabasa siya at maging ako.
Nagbulwakan kasi yung tubig sa batsaNagulat siya kaya napatayo siya. Pero ako tawa lang ng tawa.
" Ahhh... Gusto mo ng harutan ha!" Sabi niya tapos ay nambasa rin siya sakin.
Gumanti naman ako sakanya kaya parehas na kaming basa.
Nagulat nalang ako sakanya ng bigla niya kong hampasin nung damit ko kaya ginantihan ko siya.
Tawanan lang kami ng tawanan habang naghahampasan ng mga basang damit.
Hanggang sa nakita ko yung hose kaya kinuha ko yun at itinapat ko sakanya.
" Aaahhh!! Tama na tatampalin kita!" Sigaw niya sakin habang tawa ng tawa, pero di ko siya tinigilan. Binabasa ko parin siya.
Pinipilit niyang agawin yung hose sakin pero di ko ibinibigay.Hanggang sa niyakap ko siya at itinutok ko saming parehas yung hose kaya parehas kaming basang basa ngayon.
Napakasaya ko talaga this past few days.
Nakalimutan ko lahat ng problema ko dahil sa kasiyahan ko. Kasi... Kasama ko siya.
Sana hindi nalang nauso ang problema.
Kamusta na kaya si Mommy? Hindi pa siya tumatawag e..
Sana okay lang siya. Sana.... Magkasama kami ulit.
Another day," Mr. Garcia!!" Nagulat kaming parehas ni Yanna ng tawagin ako ni Mr. Wilson.
Magkahawak kamay kasi kami tapos ay nagkekwentuhan kami pero nakikinig kami parehas. Mahina lang ang bulungan namin at nakatingin kami sa harap para makinig, pero more on sweetness kami kanina pang umaga.
" Answer the problem on the board." Sabi niya sakin kaya tumayo ako.
Hah??
Di ko ata alam...
Di ko kaya.
" Add mo. Pag na'add mo. I'divide mo yung sagot mo sa 3. Tapos kunin no yung square root. Yun na yung sagot." sabi sakin ni Yanna.
Ahh..
I know the answer. Okay
" Sir. Sisiw lang yan." Sabi ko saka ako nagpunta sa board.
BINABASA MO ANG
Kung Ako Nalang Sana ( Sana Hindi Ka Na Nasaktan Pa. ) (COMPLETED)
RomancePaano nga ba magsasalita ang isang bibig na hindi man lang alam banggitin ang salitang MAHAL KITA, pero alam banggitin ng PUSO at ISIPAN. BESTFRIEND? Yung salitang gusto mong takasan, pero hindi mo magawa, dahil hanggang doon ka lang. Meet Analyn G...