KELVIN POV
Natapos na yung second subject namin which is T.L.E.
Kaya ngayon ay nandito na kami sa canteen para mag miryenda.
Maluwag lang ngayon dahil kaming third year ang huling nagrerecess.
Yung 1st, 2nd and 4th year kasi, mas nauuna kasabay ng oras ng T.L.E namin.
Kaya nga kawawa kami dahil yung latak na lang ang natitira sa nakakain namin.
Hehe. Joke lang. Maraming pagkain dito.
Di naman kami nauubusan e. Dahil nagluluto talaga sila. At pinagtitira nila kami." Congrats, Be! For being our muse and for becoming the Ms. intramurals 2010!" Sabi ni Beauty kay Yanna.
" He! Ayaw ko nga e. Sana di nalang ako nanalo sa botohan na yan."
Ito namang isang ito. Nakasimalmal nang nakasimalmal.
Ayaw ba niya nun? Muse siya! E di siya ang pinakamaganda diba?
Kung nanalo lang sana ko sa botohan kanina, e di sana ang saya. Tapos kung si Nancy pa sana yung Muse diba?
Hehe.
Pasensya na ha.
Nagagandahan lang talaga ko sakanya. Kakaiba kasi yung dating niya sakin.
She's not the typical type of women that my ex'es have.
Tama ba english ko? Kung mali pasensya na. Nawawala kasi ko talaga sa sarili ko e.
Kakaiba talaga siya.
Yung tipong, mahihirapan ako sakanya. Yung tipong serious. Yung ako yung macha'challenge, at alam kong hindi ako iiwanan.
Yun kasi yung datingan niya e.
Kakaiba." Hoy? Baka naman makalunun ka na ng langaw dyan! Sara mo nga yang bibig mo." sabi sakin ni Analyn tapos ay hinawakan yung bibig ko para masara.
Hindi ko naman napansin na nakanganga na pala ko.
Haha.
Sorry naman.
" Ayiiee... Mga Taguan feelings couple in two years I guess. Haha." Pang aasar ni Denise samin.
Hindi ko naman siya pinapansin o kahit sino sa kanila basta nang asar sila patungkol samin ni Yanna, dedma lang. Kasi hindi naman totoo.
Bakit naman kami mapipikon at magpapaapekto diba?
E di tawanan nalang.
" Sino ba kasi iniisip mo, Pare?" Tanong ni Alfred sakin.
Nangiti naman ako nang maalala kong si Nancy yung nasa isip ko
" E di yung Nancy niya!" Angal ni Yanna kaya napatingin ako sakanya. Pero, inirapan lang niya ko.
Sungit nito.
Kanina pa siya ah.. Lagi siyang ganyan sakin.
Mula nung last week.Gaano ba katagal meron ang isang babae kapag dinadatnan?
Di ko kasi alam kasi lalaki ko.
Tuli lang alam ko.Hehe.
" Hala! Galit siya. Nagje'jeling! Ayyyiiee" pang aasar ni Beauty kay Yanna.
Lakas mang asar neto.
" Anong Jeling! Sapakin ko pa yan e! Iyan ba? Yuck!"
" Maka'yuck ka sakin ha. " angal ko naman pero, pabiro kasi inakbayan ko pa siya.
BINABASA MO ANG
Kung Ako Nalang Sana ( Sana Hindi Ka Na Nasaktan Pa. ) (COMPLETED)
RomancePaano nga ba magsasalita ang isang bibig na hindi man lang alam banggitin ang salitang MAHAL KITA, pero alam banggitin ng PUSO at ISIPAN. BESTFRIEND? Yung salitang gusto mong takasan, pero hindi mo magawa, dahil hanggang doon ka lang. Meet Analyn G...