PART 51

65 3 0
                                    

ANALYN POV

Last one Minute nalang!

Malalaman na kung sino ang makakalaban ng Senior sa Biyernes para sa finals.

Laglag na ang Freshmen. At battle between Sophomore and Junior nalang ang naghaharap ngayon.

Lamang ang Junior ng Pitong puntos.
Kaya panatag ang loob kong mananalo sila Kelvin ngayon at sila ang haharap sa finals.

Pwede ring maging MVP si Kelvin this Intramurals kasi sobrang galing niya. Lahat ng pasok niya ay puro 3 points.

Siya ang nagpapanalo talaga saka si Alfred minsan si Ian, Si Eirc. Pwede na rin si Vince.

Wala kasi sila James. Nagbabayad ng kasalanan sa ginawa nila kay Spencer kaya yung ibang sumasalang sa Junior para kahalinlinan nila ay yung ibang section.

Pero si Kelvin at Alfred lang ang matibay e. Di nagpapapalit.

Pasensya na kung hindi ko kinuwento sa inyo yung naganap kaninang mga labanan.

Tinuon ko kasi yung sarili ko sa game e. Hehe.

Ayaw kong magpaistorbo e.

" Pagna'kalaban nila ang Senior sa friday para sa finals, matinding labanan yun. Kita mo kanina, sinupalpalan yung mga kalaban. Ke lalaki kasing tao e." Sabi ni Denise.

Hindi namin kasama si Beauty. Galit siya samin dahil sa nangyari kahapon.

" Oo nga. Tama ka." Pagsang ayon ni Nancy.

" Kaya nila yan. Naniniwala ako. May gustong patunayan si Kelvin sakin diba? So... Hindi siya magpapatalo."

Pero sa totoo lang... Kinakabahan na rin ako para sa mangyayari.

Tiyak kasing hindi na makakahabol ang Sophomore e.

67 and 60 ang score e.

Ppprrrrriiiiiittttt

Sa kabila ang bola kaya todo bantay at harang sila Kelvin.

Yung pinaka magaling sa sophomore ang binabantayan niya.

Tapos si Vince naman yung nag aabang dun sa malapit sa court nung kalaban.

40 seconds nalang.

Pinasa ni Dela Cruz yung bola kay number 3 San Diego.

Isu'shoot niya yung bola ng biglang natapik iyon ni Alfred at napunta yun kay Vince.

Mabilis na itinakbo ni Vince yung bola papunta dun sa court nila.

Akala ko isu'shoot niya pero nagulat ako ng bigla niyang ipinasa kay Eric yun, tapos si Eric naman ipinasa kay Kelvin at yun!!

3 points!!!

" Aaahhhh!!! Junior! Junior!" Sigaw namin at ng iba pa.

Sila Bianca naman ay nagsasayaw sa gilid nung court, sila kasi ang cheerdancer ng junior syempre.

28 seconds nalang ang natitira at sampu na ang lamang.

" Wala na. Talo na yan! Yeah!" Yung babaeng nagsalita sa likod.

Pagtingin ko ay si Beauty pala.

Nakangiti sakin kaya nginitian ko nalang din.

" Manuod ka. Di mo makikita yung Suitor mo. Tingnan mo oh. Tindi ng bantay kay Dela Cruz e alam naman niyang panalo e." Tatawa tawang sabi niya kaya pinanuod ko at tama nga siya.

Na kay Dela Cruz ang bola at ayaw talagang palawalan ni Kelvin ito.

Grabe.

Haha.

Kung Ako Nalang Sana ( Sana Hindi Ka Na Nasaktan Pa. ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon