PART 44

64 3 1
                                    

ANALYN POV

Nandito kami ngayon sa loob ng classroom namin.

Talent na kasi yung susunod kaya nagpe'prepare kami.

Kakatapos lang ng pagrampa at pagpapakilala.

Kinilig pa nga ako kanina, kahit di ko ipakita at sabihin alam na alam ko sa sarili kong kinilig talaga ko.

Langya kasi ni Kelvin e!

Haha.

" Guys, Galingan niyo ha." si Denise na aligagang aligaga sa pag aayos ng costume ko.

Yung suot ko yung pang ballroom talaga. Ganun ang suot namin ni Kelvin.

Ready na kong sumayaw. Haha.

Pero,
Napakaswerte ko nga e, kasi buti nalang at nanunuod si Kelvin ng practice namin ni Spencer nun, kung hindi... Kawawa ako. Wala akong kapartner sa sayaw.

Pero, di talaga ako makapaniwala na magkapatid sila, which is... Kinonfirm na sakin ni Kelvin kanina at ni Spencer ngayon.

Pero, still... Parang di naman e... Di sila magkamukha... Pero parehas silang hambog at mayabang.

Anyway.. Bahala na si Batman.
Sana manalo kami. Sana malagpasan namin yung lahat ng to.

" Goodluck sa inyong dalawa. Sa talent niyo at sa lovelife niyo."

" Salamat, Kuya. " si Kelvin naman.

" Baduy niyong dalawa. " anggal ko naman.

Parehas silang natawa kaya tinawanan ko rin sila ng sarkastiko.

Nakakaawa talaga yung nangyari kay Spencer. Sana talaga maparusahan sila James.

Masyado kasing mga mayayabang e. Feeling nila mga hari sila.

Hari ng Third year, dahil hindi mga makatuntong ng fourth year.

" Ayos ka na? I mean... Yung lagay mo? Dapat kasi namahinga ka muna para di ka mapagod " Tanong ko sakanya at suhestiyon ko.

" I feel alright, 'coz i have a complete family. So, don't worry. I can handle this. Hehe "

Loko!

Handle handle! Baliw!

" Kuya. Alam mo ikaw? Masyado kang madrama sa buhay mo. Naku, Rizza. Minsan nga ay turuan mo tong matakot dalhin mo sa horror house. Haha" 

" Naku. Isama mo na yan kahit saan, wag lang sa horror house. I remembered nung nasa States pa kami.. Sinama namin siya sa isang horror house sa mall together with our tropa's.. Hahaha para siyang bakla kung makakapit sakin at kung makatili. Dinaig pa niya ko sa pagsigaw. Hahaha."

Hahaha!!

" Grabe ka. E yun kasi ang weakness ko. Ang matakot. Kaya nga natatakot akong mawala ka e. Baka mabaliw ako"

Chumicheesy!

" E kung ganun pala, bakit nambababae ka pa?" Sabi nito saka binatukan si Spencer.

" Aray!" Angal niya.

" Oo nga." Sang ayon ko kaya natawa sila.

" Paano, he wants something new daw." Natatawang sabi ni Eric na ngayon ay katabi si Pauleen at parehas pang may earphone sa tenga. Yung tigisa ba. Parehas nakikinig.

Sweet.... <3

" Loko ka, Insan. Nilalaglag mo ko e. Porket may bebot ka dyan e. Laglagan tayo? Haha.."

Tumawa lang sakanya si Eric tapos ay nagkabiruan na kaming mga nasa loob nitong room.

" Okay lang naman na magka'lovelife kayo, walang masama dun. Basta ito lang ang payo namin sa inyo. At lagi niyong tatandaan. Wag matigas ang ulo. Susunod parin kayo sa mga nakakatanda sainyo, para di kayo mapahamak at maligaw ng landas, okay? " si Kuya Lance na kanina pa picture ng picture samin.

Kung Ako Nalang Sana ( Sana Hindi Ka Na Nasaktan Pa. ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon