Ang Lihim (5 of 5)
T H I R D P E R S O N P O V
Tahimik na pinaglalaruan ng bata ang mga kahoy habang kumakanta siya.
"May kaibigan..may kaibigan akong kahoy! Teka- kalapati 'yon diba?" napapaisip na tanong niya habang inaalala ang lyrics ng kanta na tinuro sa kanila sa paaralan.
"Ah basta papel yata 'yon.." sabi niya at bumalik sa paglalaro at pagkanta. "May kaibigan akong palaka! Sobrang panget niya~ Kamukha ni Lola Doyang~ May kulangot sa ilong~ Napakaitim ni-AHHHHH!" napatigil siya sa pagkanta nang biglang bumangad sa kanya ang mukha ng isang matanda.
"LOLA DOYANG! MULTO!" Sigaw niya at naghanda para tumakbo pero agad siyang nahila ng matanda kaya nagpatuloy siya sa pagsigaw.
"KULANGOT!"
"Tumahimik ka bata!" galit na saway ni Doyang at agad namang napatigil si Jana sa pagsisigaw.
"Anong kulangot na tinutukoy mo?" kunot-noong tanong ni Doyang at pinasok ang hintuturo niya sa kanyang ilong dahilan kung bakit napangiwi si Jana.
"H-hindi ko alam ang sinasabi niyo Lola Doyang.." mahinang sagot ni Jana at napalunok ng laway.
Napapikit siya ng mga mata nang pandilatan siya ni Doyang.
Nagsimulang manginig ang mga kamay ng bata dahil sa takot na nararamdaman kay Doyang.
Kilalang kinakatakutan ng mga bata si Doyang sa lugar nila dahil sa laki ng mga mata niya at palaging masama ang tingin. Masungit at ang usap-usapan ay namamalo din siya ng mga batang pasaway kaya hindi mapigilan ni Jana na kabahan sa kanya dahil sa narinig nito ang kinakanta niya kanina.
"Kantahin mo nga ang kinakanta mo kanina," seryosong utos ni Doyang pagkatapos ay mas lalo niyang pinalaki ang mga mata niya.
Sunod-sunod ang naging pag-iling ni Jana at pilit na binabawi ang pagkakahawak nito sa kanyang mga kamay. "H-Hindi na po m-mauulit.." takot na sabi niya habang nakapikit parin ng mga mata.
"Sige. Pero may gusto akong sabihin sayo." mahinang sabi ni Doyang at dahil dito ay napamulat ng mga mata si Jana.
"A-ano po yon?" namumutlang tanong ni Jana habang nilalabanan ang takot niya.
Hindi niya alam kung paano siya tatakas kay Doyang kung sakali mang parusahan siya nito sa kanyang ginawang pagkanta habang nilalait siya.
"Naiintindihan mo ang mga hayop, hindi ba?" ngising tanong ni Doyang at natigilan naman ang bata.
"P-paano niyo po nalaman ang tungkol dito?" gulat na tanong ni Jana pagkatapos ay muli siyang napalunok ng sarili niyang laway.
Wala ni isang nakakaalam tungkol sa kakayahan niyang maintindihan ang mga hayop. Mapati ang kanyang Ina ay hindi niya ito binanggit sa kanya dahil natatakot siya na baka ay pagtawanan lang siya nito dahil wala silang kadugong may tinataglay na kapangyarihan para magkaroon siya ng ganitong kakayahan.
Kaya walang maniniwala sa kanya.
Lalong bumilis ang pintig ng puso niya dahil sa kabang nararamdaman habang nakangisi sa kanya si Doyang.
"Alam ko ang lahat bata. Wala akong hindi nalalaman." seryosong sabi niya at muling napalunok ng laway si Jana.
"A-ano pong gagawin niyo saakin? Kukunin niyo ang kakayahan ko?" kabang mga tanong niya nang maalala na kilala ding mangkukulam si Doyang kaya maaaring magkaroon siya ng interesado sa kapangyarihan ni Jana.
"Hindi. Wala akong gagawin sayo pero gusto lang kitang balaan," sagot niya at binitawan ang pagkakahawak sa mga kamay ni Jana.
"'Wag na 'wag mong ipaalam sa iba ang tungkol sa kapangyarihan na meron ka. 'Wag mong balakin na pumasok sa paaralan ng mga hindi ordinaryong tao o tumapak sa taas ng sentro dahil manganganib ang iyong buhay." makahulugang sabi niya at sunod-sunod naman ang naging pagtango ni Jana sa babala niya habang namumutla parin siya.
"Tandaan mo bata. Manganganib ka HAHAHAHA!"
A L J A N A ' S P O V
"Isa akong dyosa.." seryosong sabi ko kay Chengke sabay nanalangin na sana ay maniwala siya.
Hindi dapat niya malaman ang tungkol sa kapangyarihan ko dahil panigurado ay isusumbong niya ako sa mga Council kung saan ay sila ang kumukontrol saaming mga tao. At kapag nangyari nga yon ay tuluyan na nila akong palilipatin sa taas ng sentro kung saan ay nandon ang paaralan ng mga hindi ordinaryong mga tao. Mga taong may tinataglay na mga kapangyarihan.
"Dyosa?" kunot-noong tanong niya habang nakatingin saakin ng diretso.
Pilit akong ngumiti sa kanya at tumango. "Oo, dyosa. Isa akong dyosa.."
Hindi parin nawawala ang kakunotan ng noo ng bata kaya mas lalo akong kinabahan.
Oh please..maniwala ka sana..
"Ano po yung Dyosa?" takang tanong niya.
Tumikhim ako at umupo para pantayan siya. "Sila ang mga nangangalaga sa gubat na ito at isa na ako doon." ngiting sagot ko sabay inayos ang buhok ko sa gilid ng tainga ko.
Napahinga ako ng maluwag nang mawala ang kakunotan ng noo niya at napalitan ito ng saya. "Kung ganon ay hindi ka tao, Ate Dyosa? WAHHH totoong may mga dyosa dito sa mundo natin Meyoposa!" masayang baling niya sa dragon niya na ngayon ay nakasimangot saakin.
Napaniwala ko nga ang bata pero hindi ang dragon. Mukhang mahihirapan akong kumbinsihin siya lalo na alam kong marunong silang makabasa ng taong nagsisinungaling.
Walang dyosa sa mundong ito. Gawa-gawa lamang sila ng mga manunulat at tanging ang mga bata lang ang naniniwala sa mga ito. Kaya nakaramdam din ako ng pagsisisi na ginamit ko ang Dyosa kay Chengke.
Pinaniwalaan niya talaga ang kasinungalingan ko na may mga dyosa dito sa mundo namin at isa na ako don.Wala akong ibang maisip na magandang idahilan sa kanya para maniwala siyang hindi nila ako katulad.
Tanging ito lamang ang pumasok sa isipan ko kaya hindi na ako nagdalawang isip na gamitin ito.
"Oo. Kaya naiintindihan ko ang dragon mo kahit na hindi ako isang Misliepet." nakangiting sabi ko.
"Kung ganon ay maswerte ako dahil nakakita ako ng Dyosa!" masayang sabi niya sabay tumalon.
Napawi ng sandali ang ngiti ko nang makita ang malawak niyang ngiti dahil sa kasinungalingan ko.
"Oo, kaya sana ay 'wag mo itong sabihin sa iba. Sekreto lang natin ito kasama ang dragon mo," kumbinsi ko pa at sunod-sunod ang naging pagtango niya saakin.
"Makakaasa kayo Ate Dyosa."
"Salama--" hindi ako natapos sa sasabihin nang marinig namin ang isang boses sa hindi kalayuan habang tinatawag si Chengke.
"Chengke? Nasaan ka?"
Nagkatinginan kami ni Chengke habang nanlalaki ang mga mata niya pagkatapos ay napatakip siya sa kanyang hibig. "S-Si K-Kuya!" tarantang sabi niya.
Bumalik ang kabang nararamdaman ko kaya agad akong napatayo.
"K-Kailangan ko ng umalis.." kabang paalam ko.
Hindi ako pwedeng abutan ng kuya niya dito dahil mas lalong lalaki ang gulong sinapit ko at sigurado akong isusumbong ako ng dragon ni Chengke.
"S-Sige Ate Dyosa. Ingat ka po.." mahinang sabi ni Chengke saakin.
Tumango ako sa kanya habang nakangiti pagkatapos ay pinat ko siya sa ulo.
Bago ako tuluyang umalis ay binigyan ko ng tingin ang dragon ni Chengke na si Meyeposa.
'Umaasa parin ako na 'wag mong banggitin sa iba ang tungkol sa kapangyarihang meron ako. Hindi ito pwedeng malaman ng kahit sino..'
Tuluyan akong umalis nang masabi ko sa kanya ito gamit ang isipan ko.
'Wag sana niyang sabihin.
Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nalaman na ng iba ang tungkol sa tinataglay kong kapangyarihan.
Hindi ako pwedeng mag-aral sa paaralang iyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/70422728-288-k124737.jpg)
BINABASA MO ANG
Dragon's World : The White Princess (COMPLETED)
FantasyBook 1 of Dragon's World. [I do not own the photos I used in the cover. Credits to the rightful owner.] © All Rights Reserved 2016