Battle (3 of 4)
"Dyosaaa..shhh.. Dyosaa"
Napaatras ako nang bigla akong yakapin ni Tiara habang tinatawag niya ako ng paulit-ulit.
"Anong nangyari?" tanong ko at binaling ang tingin kay Wofy na nasa likuran niya.
Napakunot ako ng noo nang biglang iniwas ni Wofy ang tingin niya pagkatapos ay gumalaw ang bibig niya na parang may binubulong.
"Dyosaa, Ssshhh I miss you.." malambing na sabi saakin ni Tiara dahilan kung bakit mas lalo akong nagtaka sa kinikilos nila.
"Dyosa?" tanong ni Angie na nasa tabi ko.
Tumikhim ako ng dalawang ulit at inalis ang pagkakayakap saakin ni Tiara.
Muntik ko ng makalimutan na gamit nina Tiara ang lenggwahe namin sa tuwing anyong tao sila.
Hindi lahat ng mga hayop ay kayang mag anyong tao. Tanging ang mga bantay lamang at sila lang din ang may mga kapangyarihan.
"Ah! Tawag nila saakin," nakangiwing sabi ko sagot sabay napakamot sa leeg.
"Sino sila?" tanong naman ni Ben.
"Si Tiara and..." binigyan ko ng tingin si Wofy na nanatiling nakatingin sa ibang direksyon.
"Wofy."
Nabaling ang tingin saakin ni Wofy nang banggitin ko ang pangalan niya. Tiningnan ko siya ng diretso habang nagtatanong ang mga mata ko. Tuluyan akong nagtaka ng mabilis niyang iniwas ang tingin niya.
"Tiara? Wofy?" nagtatakang tawag ni Mae sa kanila habang nakakunot ang mga noo niya na parang bang may naalala.
"Sila ang mga kaibigan mong hayop hindi ba?" gulat na tanong niya saakin na kinatango ko.
"Yes! Sshhsshh.." malakas na sagot ni Tiara sakanya pagkatapos ay kumaway siya sa kanila.
Mabilis ko naman siyang hinila ng akmang lalapitan niya sina Ben.
Balak na naman niyang manlandi kaya pinandilatan ko siya ng mga mata na kinanguso niya.
"Oh, my.. So totoo ngang kayang mag anyo tao ang mga bantay sa kalikasan?" nanlalaking mga mata niyang tanong na muli kong kinatango.
Alam ng karamihan na kayang mag anyong tao ng mga bantay sa kalikasan namin ngunit wala pang nakakasilay nito dahil bihira lang magpakilala ang mga bantay sa tulad naming mga tao. Maswerte lang ako dahil naiintindihan ko ang mga lenggwahe nila kaya hindi sila nagdadalawang isip na ipakita saakin ang kaya nilang mga gawin.
"Bantay sa kalikasan?" dinig kong tanong ni Ben.
Binaling ko ang tingin ko sa kanila at medyo nabigla pa ako nang makitang nakatingin silang lahat saakin.
"Yeah. Bantay sila ng mga kalikasan natin dito sa Jaysies." ngiting sagot ko at hindi ko alam kung matatawa ba ako sa mga reaksyon nila.
Napatikip sa bibig ang ilan sa kanila habang ang iba ay nanlaki ang mga mata nila at gulat na nakatingin kina Tiara at Wofy.
"Y-you m-mean..p-paano?" nauutal na tanong ni Angie saakin na kinakunot ko ng noo. Ano daw??
"P-paanong nandito sila? B-bakit ka nila kilala?"
"Ah..kaibigan ko sila at kaya sila nandito dahil hihiramin ko ang kapangyarihan nila. Yon kasi ang kakayahan ko.." sagot ko at ngumiti ng tipid.
"Gagamitin mo ang kapangyarihan nila? Paanong nangyari yon? Hindi nga sila nagpapaamo sa kahit sino pati maharlika ay hindi nila tinutulungan. Kaya paanong napapayag mo sila?" mga tanong ni Ben.
BINABASA MO ANG
Dragon's World : The White Princess (COMPLETED)
FantastikBook 1 of Dragon's World. [I do not own the photos I used in the cover. Credits to the rightful owner.] © All Rights Reserved 2016