Chapter 8

51.7K 1.6K 51
                                    

Ang Paglipat (3 of 3)

A L J A N A ' S   P O V

Tulala akong nakatingin ngayon sa kisame.

Oh..may butiki. Kulay itim. May malalaking mata. Mahabang buntot. Hmm..

"ALJANA QUIJADA ERESTAIN!"

Napatayo ako sa gulat nang tawagin ako ng malakas ni Inay.

Taranta kong dinala ang malaking bag ko na nasa kama. "Po? Dumating na sila? Agad agad?"

Napatigil ako sa paglibot sa kwarto nang hindi sumagot saakin si Inay at nakita ko siyang nagkrus ng mga braso habang nakatingin saakin ng diretso.

"Wala ka ba sa sarili?" seryosong tanong niya saakin.

Napakamot ako sa ulo at ngumiwi. "Sinong hindi mawawala sarili Inay? Matapos nating pag-usapan ang tungkol sa kapangyarihan ko ay biglang ganito na. Ililipat na niyo ako sa paaralang 'yon nang hindi man lang nakapaghanda at nakapagpaalam sa iba." amin ko sa kanya.

Bumuntong hininga siya pagkatapos ay senenyasan niya akong lumapit sa kanya. "Halika.."

"Alam kong masyado kitang binigla ngayong araw. Gustuhin ko mang ipagbukas ito, ngunit hindi pwede dahil sinabi ko na ngayon ka nila susunduin," aniya pagkatapos ay inayos niya ang buhok ko.

"Naiintindihan ko Inay pero hindi ko talaga mapigilan ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ako makapaniwala na lilipat na talaga ako sa paaaralang yon. Parang nasa loob ako ngayon ng panaginip dahil hindi ko kailan man inisip na makakatapak ako sa taas ng sentro," mahinang sabi ko habang patuloy parin niyang inaayos ang buhok ko.

"Alam ko. Kaya ngayong lilipat ka na sa taas ng sentro ay 'wag mong kalimutan ang mga tinuro ko sayo okay? Be a good girl, anak. Wala na ako sa tabi mo para bantayan ka," nakangiting sabi niya at napangiti naman ako pabalik.

Niyakap ko siya ng mahigpit habang pinipigilan ang mga luha ko.

"Dadalaw din ako dito, Inay.." mahinang sabi ko.

Hindi ko alam kung kailan ako makakabalik dito saamin.

Kapag dumating na ako sa lugar ng mga hindi ordinaryong mga tao ay hindi na ako makakaalis doon. Hindi nila pinapayagan na lumabas ang mga estudyante doon dahil natatakot sila na baka ay may mangyari sa kanilang masama.

Tanging ang mga nakapagtapos lamang at ang mga maharlika ang pinapayagan nila dahil kabisado na nila kung paano gamitin ang kapangyarihan nila kung sakali mang may mangyaring masama sa kanila. At dahil na din sa mga Slims na target nila ang mga tao dito sa Jaysies.

Sila ang mga taong nakatira sa kabilang mundo. Kilala silang may masasamang mga ugali at walang ibang iniisip kundi ang gumawa ng gulo at masyado silang sakim sa kapangyarihan.

Kaya hindi nila hinahayaan na palabasin sa paaralan ang mga estudyante dahil maaaring may gawin silang masama sa kanila.

"Tao po?"

Humiwalay ako sa pagkakayakap kay Inay nang marinig ang boses na yon.

"Mukhang nandito na ang maghahatid sayo," nakangiting sabi ni Inay at tinulungan ako sa mga dala ko.

Dalawang malalaking bag ang dala ko habang may isa pang kahon na pinaglalagyan ng mga gamit ko.

Bumaba na kami ni Inay at siya na ang nagbukas sa pintuan.

Bumungad saamin ang isang lalaki at nabigla ako nang makita ang suot niyang uniporme.

Wtf? Anong ginagawa ng isang Knight dito?

Dragon's World : The White Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon