Chapter 75

19.2K 561 6
                                    

Third Person's POV

Matapos iwanan nina Jana at Chengke si Russell ay nagpahinga siya sa loob ng silid. Nakaupo siya ngayon sa sofa habang nakapikit ng mga mata.

Agad siyang naalerto nang maramdaman niya ang presensyang pumasok sa silid.

"Who are you?" tanong niya sa taong pumasok na may suot na talukbong.

Hindi niya sinagot si Russell at nilibot niya ang tingin niya sa loob ng silid. Gumalaw ang ilong niya na para bang may inaamoy siya.

"Nasaan siya?" malalim na boses na tanong niya kay Russell.

Nakalabas na ng kapangyarihan si Russell sa kanyang dalawang palad habang hindi iniiwas ang tingin sa lalake.

Ramdam niyang hindi ordinaryo ang lalake dahil sa lakas ng tensyon na dala niya.

"Nasaan siya?" muling tanong ng lalake at nilapitan si Russell.

Mabilis na umiwas si Russell sa kanya nang akmang kukuwelyuhan niya siya.

"Matapang ka.." sabi ng lalake at dahil sa inis na umiwas sa kanya si Russell ay naghanda siyang suntukin siya at bago pa niya matamaan si Russell ay agad siyang lumipat sa likuran ng lalake at sinipa siya ng malakas.

Nag-igting ang panga ng lalake dahil sa ginawa ni Russell. Nakakuyom na ang dalawa niyang kamao at bakat sa kanyang mga kamao ang kanyang mga ugat.

Muli niyang sinubukan na suntukin si Russell at naiwasan niya muli ito.

Hindi maintindihan ni Russell kung bakit hindi gumagamit ng kapangyarihan ang lalake. Ramdam niyang may mahika siya at malakas siya.

"Uggh." ungol ng lalake at napahawak siya sa pisngi niyang sinipa ni Russell.

Lalong nag-igting ang panga ng lalake at sa pagkakataong ito ay nilabas na niya ang tinatago niyang kapangyarihan.

"Mamatay!" galit na sabi ng lalake at pinatamaan niya si Russell.

Hindi naiwasan ni Russell ang pinatama sa kanya ng lalake dahil sa gulat sa nakita. Isang itim na mahika ang pinakawalan ng lalake.

Tumilapon si Russell dahil sa lakas ng mahika na tumama sa kanya. Napahawak siya sa bandang tyan niya at agad na gumawa ng harang nang patamaan siya muli ng lalake.

"Nasaan siya?!" muling tanong ng lalake at hindi niya binigyan ng pagkakataon si Russell na lumaban. Sunod-sunod niyang pinatamaan ng itim na mahika si Russell at dahil sa lakas nito ay nasira ang ginawang harang ni Russell.

Sinubukang lumaban ni Russell ngunit dahil sa dami ng natamo niyang sugat ay nanghina ang katawan niya.

"You.. Die.." seryosong sabi sa kanya ng lalake at bago pa tuluyang tumama kay Russell ang huling patama niya ay agad na dumating si Reid na nakaanyong dragon.
Nasira ang pader dahil don siya dumaan.

"Russell." tawag niya kay Russell at gamit ang malaking kamay niya ay kinuha niya si Russell pagkatapos ay lumipad palayo.

Tuluyang nasira ang silid dahil kay Reid. Wala na itong kisame at dahan-dahang nagc-crack ang semento kaya umalis ang lalake.

Hindi na niya sinundan si Russell at nagpatuloy siya sa paghahanap sa puting prinsesa.

"Anong nangyari Russell?" alalang tanong ni White kay Russell pagdating nila ni Reid sa loob ng gubat.

"S-si Jana..I-ilayo niyo siya.." nahihirapang sabi ni Russell at sinubukan niyang tumayo ngunit bumagsak lang siya dahil sa panghihina.

"Bantayan mo siya Reid." bilin ni White kay Reid pagkatapos ay pumunta siya sa kinaroroonan ni Jana.

Dragon's World : The White Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon