Chapter 61

26.4K 775 13
                                    


"White?!" gulat na tawag ko kay White at mabilis akong lumapit sa kanya pagkatapos ay tumalon ako payakap sa kanya tulad ng ginagawa ko nung bata ako.

Nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata dahil sa ginawa ko. Alam kong hindi niya inasahan na tatalon ako payakap sa kanya ngayong malaki na ako. Hindi ko din kasi mapigilan ang sarili ko ngayong nakita ko siya. Ang tagal na nung huli ko siyang nakasama. Kaya sobra ang sayang nararamdaman ko ngayon.

"Anong ginagawa mo dito White?" nakangiting tanong ko habang nakayakap parin ako sa kanya.

Gumuhit ang ngiti sa labi niya at naramdaman kong hinaplos niya ang buhok ko. Tulad ng ginagawa niya sa akin noon.

"What do you think?"

Napanguso ako sa tanong niya at kumalas na sa yakap. Binigyan ko siya ng tingin na nagtatampo na madalas kong ipakita sa kanya noon sa tuwing hindi niya sinasagot ng maayos ang mga tanong ko.

Tumawa naman siya ng mahina at mas lalo akong napanguso nang guluhin niya ang buhok ko. "White naman! Ngayon na nga lang tayo nagkita ulit tapos ginaganito mo ako? Nakakainis ka ah!" inis na sabi ko sa kanya kahit na sa totoo ay nagbibiro lang ako.

Para na akong bata sa inaasta ko ngayon.

"Hindi ka parin nagbago." naiiling na sabi niya saakin at muli niyang ginulo ang buhok ko kaya umatras ako palayo sa kanya.

"Anong hindi nagbago? Ang laki na kaya ng pinagbago ko!"

"Tulad ng?" tanong niya at hinawakan niya ang baba niya na para bang inoobserbahan niya ako.

Napaisip naman ako.

"Nakokontrol ko na ng maayos ang kapangyarihan ko."

"Noon palang ay kontrolado mo na ang kapangyarihan mo.." seryosong sabi niya.

"Mas malakas ako ngayon."

"Malakas ka na noon."

"Mas matalino na ako ngayon."

"Matalino ka na noon."

"Mas nga, e! Mas maganda na ako ngayon!"

Hindi siya agad nakapagsalita sa binitawan ko. Tiningnan niya ako ng mabuti habang nakakunot ang noo niya. Ngumiti naman ako ng malawak at tinaas ko ang kilay ko pero nawala din agad ang ngiti ko nang marinig ang sunod niyang sinabi.

"Binibiro mo ba ako? Mas lalo ka lang pumangit."

"Ahh! Kahit kailan talaga! Nakakainis ka White!" malakas na sabi ko sa kanya at pinalo siya ng ilang beses sa braso niya.

Tinawanan naman niya ako at iniwasan niya ang mga kamay kong pumapalo sa kanya. "Haha sorry na. Binabawi ko na. Maganda ka na."

"Ewan ko sayo!" tampong sabi ko pero sinabayan ko din siya sa pagtawa.

"Ano nga pala ang ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya at binaling ang tingin ko sa kasama niya.

Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakasuot siya ng talukbong at nakayuko siya pero alam kong babae siya dahil sa suot niya.

Napaiwas ng tingin sa akin si White. Kinamot niya ang batok niya at napansin kong napalunok siya ng laway dahil gumalaw ang lalamunan niya.

Nagtaka naman ako sa biglang pag-iiba niya. Para siyang naiilang na hindi ko maintindihan. "May sakit ka ba White? Bakit namumutla ka?"

Inabot ko ang noo niya para alamin kong may init ba siya pero napatigil ako dahil bigla siyang lumayo sa akin.

"A-ayos lang ako, don't worry.." sagot niya.

"So..ano nga ang—" napatigil ako sa pagsasalita nang marinig ko ang malakas na sigawan ng mga tao.

Nagkatinginan muna kami ni White bago kami naglakad papunta sa loob ng paaralan. Nakita kong sumunod din saamin ang kasama niya.

Pagdating namin sa paaralan ay nagulat kami nang makita ang mga nakaitim na mga tao habang nakasakay sila sa mga dragon.

"Slims.."

"Jana!"

Nabaling ang tingin ko kay Mae at nakitang may mga kasama na din silang dragon habang nakaharang sila sa mga Slims.

"White—" bago pa ako makapagpaalam kay White na lalapit sa kanila ay hinila niya ako at sumabay sa ibang mga estudyanteng tumatakbo palayo sa mga kalaban.

"Anong ginagawa mo?! Bumalik tayo. Kailangan ko silang tulungan!" hinila ko ang kamay kong hawak niya at huminto pero dahil sa higpit ng pagkakahawak niya saakin ay nasaktan lang ako sa ginawa ko.

"'Wag mo ng subukin na lapitan sila, Jana. Hindi kita bibitawan." seryosong sabi niya sa akin at binigyan niya ako ng kakaibang tingin na nagpabilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba.

Napakagat ako sa ibabanglabi ko at nilabanan ang kaba ko na hindi ko maintindihan kung bakit naramdaman ko sa kanya 'to. Ngayon ko lamang nakita ang ganitong tingin niya.

Nilingon ko ang mga kaibigan ko at nandon parin sila sa pwesto nila habang nakaharap sa mga Slims na mukhang sinusubukan nilang paalisin sila.

"I'm sorry, White.."

Sinipa ko ng malakas ang kamay ni White na nakahawak saakin kaya nabitawan niya ako. Dahil dito ay agad akong lumayo sa kanya at tumakbo palapit kina Mae.

"Jana!" dinig kong tawag saakin ni White na hindi ko nilingon.

Pumikit ako ng mga mata at tinawag sina Leon at Wofy pero agad din akong napamulat nang maramdaman ang isang presensya sa likuran ko.

"JANA!"

Dragon's World : The White Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon