Chapter 63

24.6K 749 16
                                    

"Nasaan ang puting prinsesa?"

Napatingin kaming lahat sa bagong dating na mga Slim. Nakasakay sila sa kanilang mga dragon at kung hindi ako nagkakamali ay isang Hari ang nangunguna sa kanila. Siya din ang nagsalita kanina na hinahanap ang puting prinsesa.

Lahat ng nagpapalitan ng kapangyarihan ay napatigil dahil sa pagdating ng mga ito. Umatras ang mga naunang Slim at lumapit sila sa mga kasama nilang bagong dating. Nagtipon din ang mga knight, guro at ang mga estudyante habang hindi iniiwas ang tingin nila sa mga kalaban.

"Uulitin ko. Nasaan ang puting prinsesa?" seryosong tanong ulit ng nangunguna sa kanila.

Pagkababa niya sa kanyang dragon ay yumukod ang lahat ng mga Slim sa kanya na senyales na isa nga siyang maharlika. Isa sa mga Hari ng lugar ng Slimmers.

Napaatras ako palapit kay White nang maramdaman ko ang malakas niyang aura. Kakaibang tensyon ang dala niya.

Nakakakilabot.

"W-white.."

Hinawakan ko ng mahigpit sa kamay si White at nagtago sa kanyang likuran.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit nakaramdam ako ng ganitong takot. Oo, normal lang na matakot kami sa kanila dahil kalaban sila pero kakaiba ang dala ng Hari nila.

Para akong mahuhugutan ng hininga kapag tinitigan ko siya ng matagal.

"'Wag kang gagalaw. Hindi ka nila pwedeng mapansin." dinig kong sabi ni White saakin at mas lalo niya akong tinago sa kanyang likuran.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at tinuon ang pansin ko sa nararamdaman ko ngayon. Kailangan kong walain 'to dahil ako lang ang mahihirapan sa sitwasyon ko ngayon.

Dahil sa nakatago parin ako sa likuran ni White ay hindi ko makita ang nangyayari sa harapan.

Napapikit ako ng mga mata nang biglang kumidlat ng tatlong beses pagkatapos ay naramdaman ko ang malakas na ihip ng hangin. Dahil dito ay napamulat ako ng mga mata at nabigla ako nang makita ang madilim na kalangitan at ang mga buhawi na nasa ere.

"Anong kailangan niyo sa akin?!"

Dahil sa boses na narinig ko ay umalis ako sa likuran ni White at napatingin sa babaeng naglakad sa harapan ng mga Slim.

"W-white Princess!"

Mabilis siyang hinarangan ng mga Knight namin at pinalayo sa mga Slim. Pinalibutan siya nina Ate Lexie at ng iba habang nakalabas sila ng kanilang mga kapangyarihan at nakatingin ng masama sa Hari ng mga Slim.

"Umalis na tayo, Jana. Masyado ng mapanganib dito." seryosong sabi sa akin ni White at hindi na ako umangal nang hilain niya ako palayo pero napatigil din kami ng harangan kami ng dalawang Slim.

"At saan kayo pupunta? Hindi kayo pwedeng tumakas. Walang makakaalis dito." nakangising sabi sa amin ng isa sa kanila.

Tinago muli ako ni White sa likuran niya at tiningnan namin sila ng masama.

"Ikaw ang puting prinsesa? Nasaan ang puting dragon mo? Bakit wala akong maramdaman na kapangyarihan sayo?! Lapastangan! Hindi ikaw ang puting prinsesa!" umalingawngaw ang malakas na boses ng Hari at nakita ko kung paano siya pinalibutan ng kapangyarihan at bakas sa kanyang mukha ang matinding galit.

"Wala kang maramdaman na kapangyariham sa akin dahil tinago ko ito at kanina pa nandito ang puting dragon. 'Wag mong sabihin na hindi mo siya nararamdaman? Humihina na ba ang kapangyarihan mo, Haring Florence?" matapang na sagot sa kanya ng puting prinsesa.

Nag-igting ang panga ng Hari dahil sa sinabi niya at ang akala ko ay patatamaan niya ang prinsesa pero nagulat kami nang bigla siyang tumawa ng malakas.

Napakapit ako sa damit ni White dahil sa tawa ng Hari. Lalo lang lumaki ang takot na nararamdaman ko dahil sa nakakakilabot niyang tawa.

"Ako humihina? Binibiro mo ba ako? Mababa ba ang tingin mo sa katulad kong Hari? HAHA Hindi niyo ako kayang lokohin. Alam kong hindi ikaw ang puting prinsesa! Kaya ilabas niyo ang totoong puting prinsesa kung ayaw niyong tuluyan kong sirain ang kahariang ito!"

Napapikit ako ng mga mata nang biglang lumakas ang hangin at pagmulat ko ay nakita ko ang mga buhawi na bumaba na sa lupa kaya marami ng mga bagay na nagsisiliparan.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo. Ako ang puting prinsesa at wala ng iba!" malakas na sagot sa kanya ng puting prinsesa at muling nagpatuloy ang laban.

Dahil sa nangyari ay natuon ang pansin sa kanila ng mga nakaharang saamin ng mga Slim kaya kinuha namin itong pagkakataon ni White para tumakas.

"Kailangan mo ng lumayo. Hindi ka niya pwedeng makita. Masyadong malakas ang kapangyarihan niya kaya malalaman niya agad." seryosong sabi niya na nagpakunot saakin ng noo.

"Anong ibig mong sabihin na hindi niya ako pwedeng makita? Ang Hari? Bakit?" naguguluhang tanong ko sa kanya habang patuloy parin kaming naglalakad ng mabilis.

Hindi niya ako sinagot kaya mas lalo akong nagtaka. "May tinatago ka ba saakin White? "

Nakita ko pag-alinlangan sa kanyang mukha kaya binitawan ko siya at tumigil sa paglalakad.

"Jana, anong ginagawa mo?!" malakas na tanong niya saakin na hindi ko pinansin.

"W-white.."

Nabaling ang tingin niya sa harapan namin nang maramdaman din niya ang presensyang ito.

"HAHA. Huli ka!" nakangising sabi ng Hari habang nakatingin siya sa akin ng diretso.

Dragon's World : The White Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon