Sa silid-aralan ng Special Section.
Nakaupo na lahat ang mga estudyante sa kanilang mga silya habang may kanya-kanyang ginagawa. Ang iba sa kanila ay nag-aaral at ang ilan naman ay nag-uusap."Next week na ang exam. Panigurado wala na naman tayong gagawin sa susunod na mga araw." kausap ni Ben kina Mae at Lexie.
"Malamang. Gabi tayo nag-aaral, Ben." naiiling na sabi sa kanya ni Lexie na kinasimangot ni Ben.
"Hindi naman yan ang ibig kong sabihin. Wala tayo gagawin ngayong malapit ng dumating ang exam natin. Bibigyan tayo ng oras ng mga guro para mag-aral."
Tinaasan siya ng kilay ni Mae pagkatapos ay pinagkrus niya ang mga braso niya. "Alam na namin yan. 'Wag mo ng ipaalala."
Napangiwi si Ben sabay napakamot sa ulo. "Hindi niyo ba talaga makuha ang pinapahiwatig ko?"
"Hindi." sabay na sagot nina Mae at Lexie.
"Sabihin mo na kasi ang gusto mong sabihin."
"Yung malinaw" saad ni Mae.
Lalong ngumiwi si Ben. "Ang slow niyo talaga. Pero sige, lilinawin ko. Ngayong wala tayong gagawin ay lumabas tayo!" nangingislap na mga matang sabi niya.
Parehong sumimangot sina Lexie at Mae pagkatapos ay tinapik sa balikat si Ben. "Sige, subukan mo. Kung gusto mong mapagalitan. 'Wag mo na kaming idamay. Malapit na ang exam natin kaya kailangan nating mag-aral, lalo ka na."
Napanguso naman si Ben sa sinabi ni Lexie at lumayo sa kanila. Pumunta siya sa banda ng mga lalaki na tahimik na nakaupo sa kanilang mga silya habang nakatingin sa harapan.
"Guys wala tayong gagawin, gusto--" bago pa niya tuluyang matapos ang sasabihin niya ay agad nila siyang inilingan.
"No thanks." mahinang sabi ni Drek at pinatong niya ang mga paa niya sa silyang nasa harapan niya.
Lalong ngumuso si Ben at binaling ang tingin kay Jana na tahimik na nagbabasa ng libro. Akmang lalapitan niya ito nang mapatigil siya dahil sa pagdating ni Russell at umupo siya sa tabi ni Jana.
"Ayoko na!" napapapadyak na sabi niya at umupo sa dulo habang masama ang tingin niya sa mga kaibigan niya.
Tumigil sa pagbabasa si Jana nang maramdaman niyang may umupo sa tabi niya.
"Hey.." kibo ni Russell at pinatong ang kamay niya sa likuran ni Jana.
Hindi na nabigla si Jana sa ginawa niya dahil nasanay na siya sa kanya. Ilang araw na ding silang magkasama kaya naging komportable na siya kay Russell tulad ng dati. Ngunit, hindi parin niya mapigilan na makaramdam ng hiya sa tuwing biglang may ginagawa si Russell na nagpapabilis ng pintig ng puso niya.
"Busy?" tanong ni Russell at tiningnan ang binabasa ni Jana.
Natigilan siya nang mabasa ang pamagat ng libro. Napapunas siya sa labi gamit ang dila niya habang hindi iniiwas ang tingin sa librong binabasa ni Jana.
Napalingon naman sa kanya si Jana nang maramdaman niyang biglang umiba ang aura ni Russell.
Napakunot siya ng noo nang mapansin niyang may malalim na iniisip si Russell.
"May problema ba?" tanong niya.
"N-nothing.."
Umupo ng maayos si Russell pagkatapos ay hinaplos niya ang buhok ni Jana. "Magbasa ka na.."
Tinitigan muna siya ng ilang segundo ni Jana at nang mapansin niyang bumalik na siya sa normal ay nagpatuloy na siya sa pagbabasa.
"Russell.."
"Hmm?"
Binaba ni Jana ang libro at hinarap si Russell na nakatingin sa kanya. "May gusto sana akong malaman pero hindi ko alam kung ayos lang ba na banggitin ko ang tungkol dito."
Ngumiti si Russell sa kanya at hinawakan niya ang magkabilang pisngi ni Jana. "Ano yon? Tell me."
Pumikit ng mga mata si Jana at nagpakawala ng malalim na hininga.
"Ano ba talaga ang nanyari sa—"
"Austin, Bordeous, Koysawa, Wardil, Morcoso, Verdal, Arwill and Erestain. Pinapatawag kayo sa opisina ng punong guro." malakas na anunsyo ng isang estudyante.
Nagkatinginan naman silang lahat at napaturo sa sarili sina Ben, Lexie at Drek.
"Magkapatid na Austin at magkambal na Wardil." mahinang sabi ng estudyante kaya napatango ang tatlo sa kanya.
"Bakit kami pinatawag?" tanong ni Mae sa kanya.
"Hindi ko alam."
"Sige. Salamat."
Lumabas na sila at naglakad papunta sa opisina ng punong guro.
"Baka bibigyan tayo ng misyon." hula ni Mae.
Bigla namang nangislap ang mga mata ni Ben na kanina ay walang buhay dahil binalewala nila siya kanina.
"Walang exam!" tuwang sabi niya.
Napailing lang sila sa kanya at hindi siya pinansin.
Pagdating nila sa loob ng opisina ay pinaupo sila kaagad ng punong guro.
Nagkatinginan silang lahat nang makitang hindi lang ang punong guro ang nasa loob ng opisina kundi may kasama din siyang dalawang heads.
"Bakit niyo kami pinatawag? May nangyari po ba?" seryosong tanong ni Lexie sa kanila.
Sila naman ang nagkatinginan pagkatapos ay bumuntong hininga sila.
"Buhay ang puting Prinsesa."
BINABASA MO ANG
Dragon's World : The White Princess (COMPLETED)
FantasiBook 1 of Dragon's World. [I do not own the photos I used in the cover. Credits to the rightful owner.] © All Rights Reserved 2016