"Hi!" malakas na bati ng batang babae.Nilingon siya ng batang lalaki na abala sa paglalaro ng mga langgam. Namilog naman ang mga mata ng batang babae at mabilis na pinalo ang kamay ng batang lalaki.
"Bakit mo pinaglalaruan ang mga langgam? Hindi mo ba alam na ginugulo mo ang buhay nila sa ginagawa mo?!" galit na sabi niya at tiningnan ng masama ang batang lalaki.
Napakunot ng noo ang bata habang nakatingin sa batang babae.
"Pakialam mo ba?" pagsusungit niya at nanlaki ang mga mata niya nang biglang lumukot ang mukha ng batang babae pagkatapos ay tumulo ang mga luha niya.
"Ni-aaway mo ako! White! White!" malakas na tawag niya kay White habang napapapadyak.
Nataranta naman ang batang lalaki at sinubukan niya siyang pakalmahin ngunit hindi siya tumigil.
"Alam ko na! Gusto mo bang makita ang kapangyarihan ko?" kabang tanong sa kanya ng batang lalaki.
Dahil sa sinabi niya ay napasinghot naman ang batang babae at tumigil na siya sa pag-iyak. "S-sige. Siguraduhin mong maganda ang kapangyarihan mo."
Tumango sa kanya ang batang lalaki at umupo sila sa malaking bato na nasa gilid nila.
Tinaas niya ang kanang kamay niya pagkatapos ay nagpalabas siya ng apoy sa palad niya.
Nangislap naman ang mga mata ng batang babae at akmang hahawakan ang apoy nang mabilis siyang pinigilan ng batanf lalaki.
"Masusunog ka." seryosong sabi niya.
"Wow! Ang galing naman. Pareho kayo ng mahika ni Lamig.." tuwang sabi naman sa kanya ng batang babae.
"Lamig?"
"Oo, Si Lamig. Malamig kasi ang ulo kaya Lamig." natatawang sagot niya na kinatango ng bata.
"May isa pa akong kapangyarihan kaya hindi kami magkapareho ng Lamig na yan." mayabang na sabi niya at hinanda niya ang kaliwang palad niya.
Muling namangha ang batang babae nang makita ang maliit na bulaklak na lumabas sa kaliwang palad ng batang lalaki.
"Wahhh! Ang galing mo talaga! Bakit ang dami mong kapangyarihan? Mages ba ang mga magulang mo?" nangingislap na mga matang tanong niya.
Tumango sa kanya ang batang lalaki at inalis na niya ang mahikang pinalabas niya pagkatapos ay tumayo siya.
"Gusto ko ding magkaroon ng maraming kapangyarihan.."
Napatingin siya sa batang babae nang marinig ang sinabi niya.
Hindi parin nawawala ang pangingislap ng mga mata niya habang nakatingin sa batang lalaki.
"'Wag mo ng pangarapin na magkaroon ng maraming kapangyarihan." seryosong sabi niya.
Nawala naman ang pangingislap ng mga mata ng bata at tiningnan siya ng masama. "Tss. Porke marami ang kapangyarihan mo!"
"Hindi ganon kadaling magkaroon ng ganitong kapangyarihan.." sabi niya at nagpakawala siya ng buntong hininga.
"Nahihirapan ka ba?" mahinang tanong ng batang babae nang makita ang ekspresyon ng bata.
"Parang ganon na nga.."
Nagising si Jana na tumutulo ng mabilis ang luha niya. Napatakip siya sa kanyang bibig para pigilan na humikbi.
Hindi niya maintindihan kung bakit nakaramdam siya ng kalungkutan.
"Jana? Gising ka na ba-Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" nabigla si Mae nang makita niya ang sitwasyon ni Jana.
Agad siyang lumapit sa kanya at niyakap niya ito. "Nanaginip ka ba?" mahinang tanong niya at hinaplos ang buhok ni Jana.
Patuloy parin na umiiyak si Jana at hindi na niya napigilan na humikbi nang maramdaman niya ang mainit na kamay ni Mae na humahaplos sa kanya.
Sinandal ni Mae ang ulo ni Jana sa kanyang dibdib habang yakap parin siya. "Ayos lang yan. Ilabas mo lang.."
Mas lalong umiyak si Jana sa sinabi niya.
"H-hindi ko alam kung bakit ang l-lungkot ko.." nahihirapang sabi niya at hindi na din napigilan ni Mae na umiyak nang maapektuhan siya ng iyak ni Jana.
"B-bakit kayo umiiyak?" gulat na tanong sa kanila ni Angie na bagong gising lang.
"H-hindi namin alam.." sabay na sagot nina Jana at Mae dahilan kung bakit napanganga si Angie at kinurot niya ang pisngi niya para kumpirmahin kung tulog parin ba siya at panaginip lang ang nakikita niya ngunit nabigla siya nang makaramdam siya ng sakit.
"Ano ba talaga ang nangyari?" alalang tanong niya at nilapitan silang dalawa.
"A-ang lungkot namin.." nakangusong sabi ni Mae na tinanguan ni Jana.
"P-para kayong mga bata.." hindi makapaniwalang puna ni Angie.
"I-ikaw din. B-bakit tumutulo ang mga luha mo?"
Napahawak naman sa pisngi si Angie at tulad ng sabi ni Mae ay tumutulo din ang mga luha niya.
"K-kasalanan niyo. Dinamay niyo ako.."
Mabilis na naglakad palapit si Russell kay Jana nang makita niyang lumabas na siya sa gusali ng kanilang dorm.
Nagulat si Jana nang bigla siyang niyakap ni Russell. "A-Anong nangyari?" takang tanong niya.
"Umiyak ka?" balik na tanong ni Russell sa kanya at kumalas na siya sa yakap.
"P-paano mo nalaman?"
Tiningnan siya ng malalim ni Russell at tinaas niya ang kamay niya para abutin ang pisngi ni Jana.
![](https://img.wattpad.com/cover/70422728-288-k124737.jpg)
BINABASA MO ANG
Dragon's World : The White Princess (COMPLETED)
FantasyBook 1 of Dragon's World. [I do not own the photos I used in the cover. Credits to the rightful owner.] © All Rights Reserved 2016