Mga Kaibigan (5 of 7)
T H I R D P E R S O N P O V
"Jana, ano ang paborito mong kulay?" tanong ni Lexie kay Jana habang nakakapit siya sa braso nito.
"W-white.." naiilang na sagot ni Jana sabay sinamahan niya ng mahinang tawa.
"White? Yon lang? White talaga?" takang mga tanong ni Lexie at tumango sa kanya si Jana.
Lexie Xandra Gunn Austin. Ang prinsesa ng kaharian ng Austin. Isang Misliepet.
Matapos magpakilala ni Joy kay Jana kanina sa canteen ay sumunod naman si Lexie at ang kapatid nitong si Ben na kasalukuyan niyang kinukulit si Joy ngayon.
"Ang sungit sungit mo parin, babae" nakangusong sabi ni Ben kay Joy habang nakapatong ang baba niya sa kanyang palad.
Name Ben Gunn Austin. Nakakabatang kapatid ni Lexie. One year ang gap ng edad nila at tulad ng Ate niya ay isa din siyang Misliepet.
"Ang ganda ng pisngi mo, Jana." mahinang sabi ni Lexie sabay sundot sa pisngi ni Jana dahilan kung bakit mas lalo siyang nailang kay Lexie.
"Pwede ba kita maging kapatid? Sakit kasi sa ulo si Ben." sabi pa niya habang pinanggigilan si Jana.
Ngumiti lang ng tipid si Jana sa kanya pagkatapos ay binaling ang tingin niya kina Angie at Mae na tahimik na nanonood sa kanila.
"Sorry. Ganyan talaga siya," natatawang sabi ni Mae sabay napakamot sa kanyang leeg.
Walang nagawa si Jana kundi ang pakisamahan si Lexie na tinadtad siya nito ng mga tanong.
Nagpatuloy sila sa pag-uusap hanggang sa dumating ang balita na hindi makakapasok ang natitira nilang mga guro sa gabing ito kaya isa-isang nagsilabasan ang mga estudyante.
"Uuwi na kayo agad?" tampong tanong ni Lexie kina Angie nang magpaalam sila.
"Oo, inaantok na kasi si Jana," dahilan ni Angie at binigyan ng tingin si Jana na namumula na ang mga mata niya.
Ngumiti si Jana sa kanila. "Sorry," mahinang sabi niya habang nilalaban ang antok niya.
"Ayos lang 'yon. Basta bukas labas tayo hah? Dadaan ako sa dorm niyo." nakangiting sabi ni Lexie at hinagod niya ang buhok ni Jana na parang nakakabatang kapatid niya ito.
Napakagat naman sa labi si Jana nang maramdaman niyang bumilis ng saglit ang pintig ng puso niya.
Napatingin siya ng diretso kay Lexie at hindi niya alam kung bakit parang may ibang siyang naramdaman dito.
"May problema ba Sis?" tanong ni Lexie sa kanya nang mapansin na hindi inalis ni Jana ang tingin niya dito.
Napakapa sa dibdib si Jana nang marinig ang tinawag sa kanya ni Lexie.
'Sis..'
"Mukhang kailangan na talaga naming bumalik. Inaantok na siya," natatawang sabi ni Angie.
"Sige. Ingat kayo."
+++
Tanghaling nagising si Jana at nadatnan niyang nasa dorm na nila si Lexie habang kasama nito si Joy.
"Good Morning!" bati ni Lexie sa kanya at hindi alam ni Jana kung bakit nakaramdam siya ng saya ngayong nandito si Lexie.
"Good Morning" mahinang bati niya at nakita niyang tumango sa kanya si Joy.
"Maligo kana Jana. Lalabas tayo mamaya," sabi ni Angie sa kanya kaya dali-daling pumasok sa banyo si Jana para maligo.
A L J A N A ' S P O V
"Tulong.."
Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang boses na humihingi ng tulong.
A rabbit!
Agad akong pumunta sa direksyon ng pinanggagalingan ng boses ng kuneho habang patuloy siyang humihingi ng tulong.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita itong nasa sanga ng puno.
"Anong ginagawa mo dyan?" tanong ko sa kanya at naghanda ako para umakyat sa puno.
Nakasuot naman ako ng pants kaya ayos lang na umakyat ako at wala ding ibang tao sa lugar na 'to.
Dahil sa sanay na akong umakyat ng puno ay hindi na ako nahirapang umakyat.
"Lapit ka.." sabi ko sa kuneho.
"N-Natatakot ako. Hindi ako makagalaw." sabi niya.
Ngumiti ako sa kanya at hinawakan ang sanga. "Pumikit ka ng mga mata. Wag kang mag-aalala tutulungan kita" ani ko.
"P-pumikit ng mga mata?"
"Oo," tipid kong sagot habang nakangiti parin.
"Naiintindihan mo ako?" takang tanong niya saakin na kinatango ko. "Oo, naiintindihan kita kaya sundin mo ang sasabihin ko. Pumikit ka ng mga mata."
Agad akong lumipat sa sangang kinalalagyan niya nang pumikit siya ng mga mata.
"Halika na.."
Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ako sa tabi niya pero agad din naman siyang nakabawi at lumapit siya saakin. "Very good."
"Tatalon ako. Wag kang umalis saakin okay?"
"O-Oo."
"1...2....3..yah!"
Agad akong tumalon sa baba habang hawak siya ng mahigpit. "Done!" natatawang sabi ko nang maayos ang pagkakatalon ko.
"Wendy?"
Nabaling ang tingin ko sa gilid nang marinig ang nagsalita.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang taong ito. "P-Prince Russell!" yumuko ako sa kanya habang hindi parin binibitawan ang kuneho.
Anong ginagawa niya dito?
"Jana?"
Napaangat ako ng tingin nang marinig ang pamilyar na boses. "P-Prince Ben.."
Wth?!
Bakit puro maharlika nalang ang nakikita ko?
"Oh si Wendy! Nahanap mo siya!" natutuwang sabi ni Prince Ben at nabigla ako nang lumapit siya saakin.
"A-anong kailangan mo?" gulat kong tanong sa kanya at umatras palayo.
Napakamot naman siya sa kanyang batok at naramdaman kong uminit ang magkabilang pisngi ko nang ituro niya ang hawak kong kuneho.
"Kuneho yan ng kapatid ni Russell. Kanina pa namin siya hinahanap," sabi niya kaya mas lalong namula ang pisngi ko.
Nakakahiya.
"Ah..nakita ko siya sa puno.." mahinang sabi ko at binitawan ang Kuneho. Mabilis naman itong pumunta sa direksyon ni Russell.
"Sa puno? Umakyat ka sa puno?!" gulat na tanong saakin ni Prince Ben na kinangiti ko ng tipid. "Y-yeah"
"Thanks."
Nabaling ang tingin ko kay Prince Russell nang magsalita siya. "No problem"
"JANAAAA! NANDITO KA LANG PALA!"
"Princess Lexie.."
"Akala ko ano na nangyari sayo. Bigla ka nalang nawala sa tabi namin.." alalang sabi niya saakin pagkatapos ay niyakap niya ako.
Napapikit ako ng mga mata nang maramdaman ko na naman ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko.
Bakit ko 'to nararamdaman sa kanya?
"At ilang beses na naming sinabi sayo na tumigil ka sa kaka-Prinsesa saamin! Sige ka, tuluyan akong magtatampo sayo." malakas na sabi niya at bumitaw sa pagkakayakap.
"Promise me na hindi muna ako tatawaging Prinsesa. Call me Ate." seryosong sabi niya.
"Hah? A-Ate?" gulat na tanong ko sa kanya.
"Oo, Ate" nakangiting sabi niya at hindi ko alam kung bakit parang gustong tumulo ng mga luha ko.
Bakit parang kilala ko na siya dati?
BINABASA MO ANG
Dragon's World : The White Princess (COMPLETED)
ФэнтезиBook 1 of Dragon's World. [I do not own the photos I used in the cover. Credits to the rightful owner.] © All Rights Reserved 2016