Battle (1 of 4)
Aljana's POV
Kagat-kagat ko ang kuko ko habang nakatingin sa battlefield. Lalong bumilis ang pintig ng puso ko nang dumating ang mga heads ng paaralan namin.
Sila ang magbibigay saamin ng rate sa laban na magaganap ngayon para sa permanent section namin ngayong school year.
"Jana, kalma ka lang." alalang sabi saakin ni Angie nang mapansin niya na kanina pa ako hindi mapakali.
Walang tigil sa paggalaw ang mga paa ko habang nakaupo kami sa isa sa mga bench na nandito sa field.
Nilibot ko ang tingin sa paligid at nakita kong marami ng mga estudyante ang nandito.
Malapit ng magsimula ang battle. Kaya ganito na ako kabahan.
Paano kung hindi ko magamit ng maayos ang kapangyarihan ko? Pagtatawanan nila ako panigurado.Muli kong nilibot ang tingin ko sa mga kasama ko at nakitang nandito na din silang lahat.
Napatigil ako sa pagkagat sa kuko ko nang makita ang mga kamay ni Russell na natatakpan ng puting tela.
Nagpakawala ako ng buntong hininga habang hindi iniiwas ang tingin sa kanya.
Mukhang nagsanay na naman siya kagabi.Ang tigas talaga ng ulo niya.
Ilang beses ko ng sinabi sa kanya na wag niyang masyadong gamitin ang kapangyarihan niya dahil masasaktan siya. Kailangan din niyang magpahinga lalo na ang mga kamay niya dahil maaaring manghina ang mga ito at baka ay umabot sa punto na hindi niya magamit ang kapangyarihan niya.
Maaaring mangyari ito lalo na kapag sinusubukan na higitan ang limitasyon ng kapangyarihan ang meron sa tao.
Minsan ng nangyari saakin 'to dati. Pinilit kong lampasan ang limitasyon ng kapangyarihan ko. Nagawa ko naman ito pero simula din non ay hindi ko na nagamit ang kapangyarihan ko. Bumalik lang ito makalipas ang isang taon dahil na din sa tulong ng taong yon.
Napaiwas ako ng tingin sa kanya nang ibaling niya ang tingin saakin.
"Sis. Gusto mo ba ng inumin?" alok saakin ni Ate Lexie. Umiling ako sa kanya at ngumiti. "Ayos lang ako."
"Excited na tuloy akong makita ang kapangyarihan mo, Jana." sabi saakin ni Ben na nakaupo sa likuran ni Ate Lexie.
Binaling ko ang tingin sa kanya at nginitian siya.
"Ang sabi ni Mae ay kaya mong gamitin ang kapangyarihan ng mga hayop at sabi pa niya ay magkasing lakas lang kayo ni Russell." tuloy niya habang nakathumbs up ang dalawang kamay niya.
"Hindi naman. Mas malakas parin si Russell," ilang na sagot ko at muling tumango sa kanya bago binalik ang tingin ko sa harapan.
Hindi na siya muling nagtanong dahilan kung bakit napahinga ako ng maluwag.
Hindi parin ako sanay na makipag-usap sa kanilang mga lalaki. Palagi akong naiilang sa kanila. Siguro ay dahil sa wala pa akong naging kaibigan na lalaki noon.
Kay Russell lang yata ako hindi naiilang ngayon dahil sa nakasama ko siya ng ilang araw sa training at hindi ko naman siya palaging nakakausap. Sobrang tahimik niya at bihira lang siya magsalita kaya medyo komportable na ako sa kanya.
"Magsisimula na!"
Napatakip ako sa tainga nang marinig ang hiyawan ng mga estudyante nang lumabas ang isang lalaki sa stage na nasa gilid ng battlefield.
"Magandang umaga mga bata!"
Third Person POV
"Hindi kami mga bata!"
"Oo nga!"
Malakas na hiyawan ng mga estudyante nang marinig ang tinawag sa kanila ng MC ng magaganap na battle ngayon sa Magical Academy.
"Edi mga MATATANDA!" Malakas na sabi ng MC at muli siyang nakatanggap ng reklamo sa mga estudyante.
"Bakit siya na naman ang piniling emcee? Wala na bang matinong tao dyan na pwedeng pumalit sa puwesto niya?" tanong ng isa sa mga estudyante.
"Oo nga! Ang ingay ng lalaking yan!" sabi pa ng isa na hindi pinansin ng MC.
"Dumating na naman ang araw na pagpipilian ng mga minamahal nating mga guro sa paaralan ito ang mga estudyanteng..."
"Boww! Ang daldal mo talaga!"
"Ano ba? Magdadaldal ka nalang?!"
Habang nagsasalita ang MC ay patuloy siyang nirereklamo ng mga estudyante.
Kilala siyang emcee ng mga events na nangyayari sa paaralan nila. Kahit anong klasing event ay palagi siyang iniimbitahan bilang emcee.
Nakilala siyang madaldal na emcee dahil palagi siyang nagsasalita ng kung ano-ano, pati ang buhay niya ay kinukwento din niya kaya malaki ang inis sa kanya ng mga estudyante. Pero kahit kailan ay hindi niya pinatulan ang mga estudyante dahil sinasadya niyang inisin sila sa kadahilan na nasasayahan siyang makita ang mga naiinis nilang mga mukha.
"Ang unang maglalaban sa araw na ito ay walang iba kundi ang Team nina Zen at Ben!"
"Ben, Lexie Liona, and Jaz V.S Zen, Drek, Kristy and Corren!"
Tumahimik ang lahat ng mga estudyante nang tawagin na niya ang maglalaban na dalawang grupo sa battle na ito.
Sabay namang lumabas sa likuran ng stage ang grupo nina Ben at Zen.
"Let the battle begin!"
Agad na pumwesto sa harapan ang dalawang team.
Napapikit ng mga mata ang mga estudyante nang sumampal ang malakas na hangin sa battlefield.
"GO TEAM BEN!"
"TEAM ZEN! TEAM ZEN! TEAM ZEN!"
"Grrr.."
Muling naghiyawan ang mga estudyante nang makita ang apat na dragon na pagmamay-ari nina Ben, Lexie, Zen at si Drek.
"Ang tagal ko ng gustong makalaban ka Drek," ngising sabi ni Ben kay Drek na kambal ni Zen.
Ngumisi din sa kanya si Drek pagkatapos ay inutusan niyang lumipad sa ere ang dragon niya. "Ako din."
"WOAHHHH!"
"IBA TALAGA PAG MGA MISLIEPET ANG NAGLALABAN!"
Nagsimulang maglaban ang magkalabang grupo habang patuloy na naghihiyawan ang mga estudyante.
"Ang galing!"
Tuwang-tuwang pinapanood ni Jana ang laban habang namimilog ang mga mata niya.
"Ngayon lamang ako nakakita ng mga dragon na naglalaban," masayang sabi niya pagkatapos ay binaling ang tingin niya sa gilid at natigilan siya nang mahuli niyang nakatingin sa kanya si Russell habang may kakaibang emosyon ang meron sa mga mata nito.
Agad siyang napakapa sa kanyang bandang dibdib nang biglang bumilis ang pintig ng puso niya.
"Anong nangyari?" bulong na tanong niya at nagsalubong ang magkabilang kilay niya.
"Weird.."
BINABASA MO ANG
Dragon's World : The White Princess (COMPLETED)
خيال (فانتازيا)Book 1 of Dragon's World. [I do not own the photos I used in the cover. Credits to the rightful owner.] © All Rights Reserved 2016