No Title
Nangingislap ang mga mata ng bata habang nililibot niya ang tingin niya sa paligid.
"Ang ganda dito!" tuwang sabi niya at tinaas niya ang dalawang mga kamay niya pagkatapos ay pumikit siya ng mga mata.
Lalong lumawak ang ngiti niya nang maramdaman ang malamig na ihip ng hangin.
Nagpatuloy siya sa paglalalakad hanggang sa natanaw niya sa hindi kalayuan ang isang maliit na bahay na napapalibutan ng mga bulaklak. "Bahay!"
Tumakbo siya palapit sa bahay at bago pa siya makatapak sa bakuran ay agad siyang umatras palayo nang harangan siya ng maliliit na leon at lobo.
"Grrrr!" sabay na ungol ng leon at lobo habang nakatingin ng masama sa bata.
Walang kurap namang nakatingin sa kanila ang bata. Namutla siya at nanatili siya sa kinatatayuan niya dahil sa takot na baka ay may gawin sa kanya ang mababangis ng mga hayop na ito kapag gumawa siya ng kilos.
"Anong ginagawa ng batang 'yan dito?" tanong ng leon sa lobo.
"Aba, malay ko?" sagot sa kanya ng lobo sabay dinilaan ang kamay niya.
Binaling ng leon ang tingin niya sa lobo at akmang aatakehin niya ito nang mabilis siyang umatras palayo dahil sa lumabas na lalaki galing sa loob ng bahay.
"Anong kaguluhan na naman ito Leon at Wofy?" tanong sa kanila ng lalaki.
Nakakrus ang mga kamay niya habang nakatingin ng masama sa kanilang dalawa.
Sabay na yumuko ang leon at lobo sa lalaki pagkatapos ay umatras sila palayo sa kanya.
Nabaling ang tingin ng lalaki sa bata na ngayon ay parang naging bato na siya sa pwesto niya. Hindi parin siya umalis sa kinatatayuan niya habang nilalaban niya ang sarili niya na hindi gumawa ng ingay.
"Halika," tawag sa kanya ng lalaki habang may ngiti sa mukha.
Nabigla naman ang bata nang makita siya nito.
Agad na lumukot ang mukha niya at tuluyang nagtuluan ang kanina pa niyang pinipigilan na mga luha.
"LOLA!!" Malakas na tawag niya sa lalaki at mabilis siyang tumakbo palapit sa kanya.
Lalong lumawak ang ngiti ng lalaki nang tumalon ang bata sa kanya pagkatapos ay inabot siya nito. "Buhat po.." naiiyak na sabi niya na agad namang ginawa ng lalaki.
"Anong ginagawa mo dito? Inaway ka ba ng mga pasaway na yan?" tanong niya sa bata sabay tinuro ang leon at lobo na ngayon ay parehong nakadapa.
"Oo Lola uwahhhh!"
Nagpatuloy sa pag-iyak ang bata habang inaalo siya ng lalaki.
Palihim niyang inutusan ang leon at lobo na lumayo sa kanila."Sshh..wala na sila."
Dahil sa sinabi niya ay agad na binaling ng bata ang tingin niya sa harapan para tingnan ang dalawang mabangis na hayop at napatigil siya sa pag-iyak nang makitang wala na nga sila.
"Anong pangalan mo?" nakangiting tanong sa kanya ng lalaki pagkatapos ay umupo siya sa labas ng bahay habang nakakandong sa kanya ang bata.
"Jana po, Lola." sagot ng bata pagkatapos ay hinila niya ang mahabang buhok ng lalaki.
"Hindi ako babae Jana," natatawang sabi ng lalaki at inayos niya ang magulong buhok ni Jana.
Napatingin naman sa kanya ng diretso si Jana at tinitigan ang mukha ng lalaki.
Agad na namula ang mga pisngi niya nang mapagmasdan niya ang hitsura nito.Napakaganda at napakabata ng mukha niya. May malarosas siyang labi. Matangos na ilong. Napakaitim ng kanyang mga mata at nangingibabaw ang kulay puti niyang mga pilikmata at kilay pati ang mahaba niyang buhok na kulay puti din.
"Ang gwapo niyo po.." wala sa sariling sabi ni Jana na tinawanan ng lalaki. "Ano po pangalan niyo? Bakit puti ang kulay ng buhok niyo? Para po kayong lolo," tanong at sabi pa niya na mas lalong kinatawa ng lalaki.
"Tawagin mo akong White. Ganito talaga ang kulay ng buhok ko." sagot niya at kinurot ang ilong ni Jana.
Napahawak naman ni Jana sa ilong niya habang hindi parin iniiwas ang tingin niya kay White. "Sayo po ba ang bahay na 'to?"
Marahan na tumango sa kanya si White at muli siyang tumawa nang hilain na naman ni Jana ang mahaba niyang buhok.
"Ngayon ka lang ba nakakita ng lalaking may mahabang buhok?" nakangiting tanong niya na kinatango ni Jana.
Hinayaan naman ni White na paglaruan ni Jana ang buhok niya habang nakaupo parin siya sa kandungan niya.
Hindi alam ni Jana kung bakit hindi siya nakakaramdam ng takot sa lalaki kahit na mahigpit na bilin sa kanya ng ina niya na hindi siya makikipag-usap sa mga taong hindi niya kilala dahil maaaring may masama itong balak sa kanya. Ngunit parang nakalimutan niya ang tungkol dito. Napaka komportable ng nararamdaman niya kay White na para bang matagal na silang magkakilala kaya hindi niya magawang umiwas sa kanya.
"Pwede po ba akong bumalik dito?" tanong niya kay White nang maisipan na niyang umuwi sa kanila.
Tumango si White sa kanya pagkatapos ay inalalayan niya siyang bumaba. "Sige po, Lolo. Bye--" napatigil sa sasabihin si Jana nang maalala niya na hindi niya alam ang daan pabalik sa kanyang bahay.
Lumukot ang mukha niya at muling nagtuluan ang mga luha niya. "N-naliligaw ako Lolo! Hindi ko alam kung nasaan ang bahay namin!" malakas na sumbong niya kay White dahilan kung bakit hindi na naman niya napigilan na tumawa.
"Haha tara na. Samahan na kita sa inyo. Sa susunod 'wag ka ng gumalang mag-isa, okay?"
Sunod-sunod namang tumango sa kanya si Jana sabay suminghot. "Opo. Lolo,"
Aljana's POV
Napamulat ako ng mga mata nang tumama saakin ang sinag ng araw.
"A-aray.." mahina akong napadaing nang maramdaman ang pananakit ng likod ko.
Umupo ako ng maayos pagkatapos ay nilibot ko ang tingin ko sa paligid.
Nasa loob ako ng kwarto ko.
Napahilot ako sa ulo nang maalala ang nangyari sa battle. Pagkatapos dumating ng dragon ni Russell ay nawalan agad ako ng malay kaya hindi ko na nakita ang sunod na nangyari.
"JANAAAAAA!"
Namuo ang ngiti ko nang pumasok sina Angie at Mae sa kwarto ko pagkatapos ay sabay nila akong niyakap.
"Gising ka na din.." naiiyak na sabi ni Mae at inalog niya ako kaya nakatanggap siya ng batok saakin.
"Wag mo siyang alugin Mae. Kagigising palang niya," saway naman sa kanya ni Angie pagkatapos ay hinila niya saakin palayo si Mae.
Nag-inat naman ako ng mga braso at napangiwi ako nang maramdaman kong sumakit ang kanang braso ko.
"Ayos ka lang?" sabay na tanong nila saakin habang nag-aalala ang mga boses nila.
Tumango ako sa kanila at pilit na ngumiti.
Hindi naman gaanong nananakit ang braso ko. Gagamutin ko din ito mamaya kapag bumalik na ang lakas ko."Siya nga pala, anong nangyari sa laban?" tanong ko sa kanila at nagtaka ako nang magkatinginan silang dalawa pagkatapos ay sabay silang bumuntong hininga.
"Natalo kayo."
BINABASA MO ANG
Dragon's World : The White Princess (COMPLETED)
FantasíaBook 1 of Dragon's World. [I do not own the photos I used in the cover. Credits to the rightful owner.] © All Rights Reserved 2016