Chapter 52

33.9K 998 49
                                    

"Siya si Lamig. Ang tinutukoy kong pareho kayo ng kapangyarihan." pakilala ng batang babae sa kasama niya.

"Sabing hindi kami magpkapareho ng kapangyarihan!" malakas na pagtatama sa kanya ng batang lalaki.

"Edi hindi! Bakit ka nagagalit? Ang bait bait mo kahapon tas ngayon bigla kang sumama!"

Napaiwas ng tingin ang batang lalaki at napakamot siya sa kanyang buhok. "Ikaw kasi.."

Nanatili lang na nakatingin sa kanila ang tinawag ng batang babae na Lamig habang nakacross ang mga kamay niya.

"Bakit ako? Bakit mo ako sinisisi? Gusto mo ng away?"

"Ahh! Ewan ko sayo!" napapadyak na sabi ng batang lalaki at tiningnan si Lamig. "Magsalita ka." seryosong utos niya.

"Ah.." kibo niya na kinakunot ng noo ng batang lalaki.

"Hindi ka ba marunong magsalita?" tanong niya at nilapitan ang bata.

Agad namang humarang sa gitna nila ang batang babae habang nakataas ang kilay niya. "May balak ka bang agawin saakin si Lamig?"

Tiningnan lang siya ng batang lalaki at pinitik ang noo niya. "Aray! Ano ba!"

"Kakausapin ko lang siya. 'Wag kang mag-alala hindi ko siya aagawin sayo."

"Narinig ko na apoy din ang kapangyarihan mo." baling niya kay Lamig na nakatingin sa kanya.

Tumango siya at napakamot siya sa kanyang kamay nang kagatin siya ng lamok.

"May problema ba siya sa pananalita?" tanong niya sa batang babae na nakatingin parin sa kanya habang nanlilinsik ang mga mata niya.

"Wala. Mukhang naninibago lang siya sayo. Bakit mo ba siya gustong kausapin?"

"Bakit ba napakasungit mo?" balik na tanong niya na kinairap ng batang babae.

"Ikaw nauna. Pinainit mo ulo ko!"

"Ang tagal namang mawala. Sige sorry na. Hindi na mauulit. Ayaw ko lang marinig na may kapareho ako ng kapangyarihan. Hindi madaling magkaroon ng ganitong kapangyarihan." mahinang sabi niya kaya lumambot ang mukha ng batang babae.

"S-Sige. Sorry din.."

"Magkaayos na din kayo." walang ganang sabi sa kanila ni Lamig.

Nanlaki ang mga mata ng batang lalaki at tinuro si Lamig. "N-nagsasalita ka?"

"Yeah.."

"Sabi sayo, e. Nagsasalita siya. Ano nga pala ang pangalan mo? Nakalimutan kong itanong kahapon."

"Ako si..."

Napamulat ng mga mata si Jana nang maramdaman niya ang kamay na humahaplos sa kanyang buhok.

"R-Russell.."

Umalis siya sa pagkakasandal kay Russell at umupo ng maayos.

"Ilang oras na akong natulog?" mahinang tanong niya.

"Isa." tipid na sagot ni Russell at ginalaw niya ang kaliwang braso niya kung saang banda nakasandal si Jana kanina.

Nakaramdam naman ng pagsisisi si Jana at hinamas niya ang braso nito. "Sorry."

Ngumiti si Russell sa kanya at gamit ang kanang kamay niya ay pinat niya sa ulo si Jana kaya napasimangot siya. "Hindi ako aso."

"Ahem!"

Sabay na nabaling ang tingin nila sa tumikhim at nakitang si Mae ito. "Sumunod lang kayo saamin sa canteen. Kung may balak pa kayong kumain okay?"

Nahihiya namang tumango si Jana sa kanya habang nakaiwas ng tingin. "S-sige. Susunod lang kami."

Umalis na si Mae kasama ang iba kaya sila nalang ang naiwan sa room.

Inayos muna ni Jana ang bag niya bago sila lumabas ni Russell.

Pagdating nila sa canteen ay bumungad sa kanila ang ingay ng mga estudyante habang nagkakagulo sila sa mga pagkain.

Hinanap nila ang mga kasama nila at nung makita na nila sila ay pumunta sila agad sa banda nila. May mga pagkain na sa lamesa kaya hindi na sila bumili.

"Ikaw Russell ah. 'Wag mong masyadong solohin si Jana. Hindi na namin siya nakakasama dahil sayo." nanlalaking matang sabi ni Lexie kay Russell.

Napayuko si Jana sinabi niya at nginuya ang kinagat niyang mansanas. Tamad namang tiningnan ni Russell si Lexie.

"Ganyan talaga kapag tinamaan ng pag-ibig, kinakalimutan na ang mga kaibigan." puna naman ni Joy.

"Don't worry Joy, hindi ko kakalimutan ang mga kaibigan natin kapag tayo na. Sisiguraduhin kong pantay ang oras ko sa inyo." pagyayabang naman ni Ben.

Tiningnan nilang lahat si Ben na nakangiti ng malawak habang tinataas niya ang magkabilang kilay niya.

Kumuha ng hiwang repolyo si Lexie pagkatapos ay binuksan niya ang bibig ni Ben at sinubo sa kanya ito. "Kumain ka nalang. 'Wag kang magsalita."

Parang aso namang yumuko si Ben at sumimangot habang nginunguya ang sinubo sa kanya ni Lexie.

"Kyahhh. Ang gwapo talaga niya!"

"Kaya nga! Ang bait pa niya at napaka friendly!"

Nabaling ang tingin nilang lahat sa katabi nilang table nang marinig ang bulungan ng mga estudyante habang nakatingin sila kay Ken na masayang nakikipag-usap sa ibang mga estudyante.

"Siya ba ang new student?" tanong ni Angie at tinakpan ni Eross ang mga mata niya nang titigan nito si Ken.

"Yeah."

"Bago palang siya pero pinagkakaguluhan na. Sabagay, hindi biro ang kagwapuhan niya." mahinang sabi ni Mae habang nangingislap ang mga mata niyang nakatingin kay Ken.

Tiningnan naman siya ng kakaiba ni Drek. "Siya? Gwapo? Malabo na ba ang paningin mo?" tanong niya kay Mae na sinang-ayunan nina Eross at Russell.

"Problema mo? Gwapo naman talaga siya. Tss."

"Yung totoo. Hindi ba kayo naghihinala sa kanya?" biglang tanong ni Eross kaya natuon ang pansin nila sa kanya.

"Speak." tipid na sabi ni Zen.

"Oh, nandito ka pa pala Zen." sarcastic na sabi sa kanya ni Lexie na hindi niya pinansin.

"Galing siya sa Koysawa 'diba? Alam natin na walang paaralan sa ibang mga kingdoms maliban lang sa Austin kaya bakit ngayon lamang siya pumasok?" tanong ni Eross na tinutukoy si Ken.

"Baka tinuruan siya ng mga magulang niya? Pwede naman yon saatin. Makakahanap parin siya ng trabaho kahit na hindi siya pumasok sa Magical Academy."

"Naisip ko din yan. Pero kung tinuruan nga siya ay bakit pumasok parin siya? Panigurado ay sinanay na din siya sa trabaho kung sakali mang may nagturo sa kanya kaya hindi na niya kailangang pumasok pa."

Napaisip naman silang lahat sa sinabi ni Eross.

"At kung may balak na siyang pumasok ng paaralan ay bakit ngayon pang malapit ng magtapos ang unang sem?" tuloy pa niya.

"Alam niyo naman ang sitwasyon natin ngayon. Alam ng kabilang panig na buhay ang puting prinsesa. Kaya posibleng may ipadala silang tao dito."

"Kailangan natin siyang bantayan. Hindi malabong may makalusot na Slim dito."

Dragon's World : The White Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon