Ang Paglipat (1 of 3)
A L J A N A ' S P O V
Napabangon ako kaagad nang maramdaman kong gumagalaw ang kama ko. "LUMI-"
Napatigil ako sa pagsigaw nang makita ko si Inay na nakangisi saakin habang hawak ang gilid ng kama.
"What are you doing Inay?" kunot-noong tanong ko nang mapagtanto na siya ang may kagagawan ng paggalaw ng kama ko.
Akala ko ay may lindol na. Niyugyog lang pala ang kama ko.
Tumayo ako at pumunta sa banyo dito sa kwarto ko para maghilamos. Pagkatapos ko ay hinarap ko si Inay na ngayon ay nakangiti ng pilit saakin.
"Ano pong naisipan niyo at niyugyog niyo ang kama ko? Kung gigisingin niyo naman ako ay maaari niyo itong gawin sa normal na paraan." mahinahon kong sabi habang pinipigilan ang inis ko.
Ina ko siya kaya hindi ko pwedeng lakasan ang boses ko sa kanya kahit na nakakainis ang ginawa niya.
"Sorry nak. Sinubukan ko lang na takutin ka.." nakangusong sabi niya dahilan kung bakit nagpakawala ako ng malalim na hininga.
"Hindi ko alam kung ano ang naisipan mo para takutin ako pero sige kakalimutan ko nalang ang ginawa mo, kung ito ang ikakasaya ng Ina ko," nakangiting sabi ko at napangiti naman siya pabalik saakin.
"Kaya anak kita, e!" masayang sabi niya at inakbayan niya ako. "Kain na tayo ng almusal?" tumango ako sa kanya at bumaba na kami papunta sa kusina.
Madali lang mawala ang inis na nararamdaman ko sa kanya. Hindi lang dahil sa ina ko siya kundi para ko na din siyang kaibigan kaya na normal lang saamin ang mga ginagawa namin sa isa't isa. We always tease each other, paluan, tripan at maraming pang iba na normal na ginagawa ng magkaibigan. Kaya minsan ay hindi naniniwala saamin ang ibang nga tao na mag-ina kami dahil para kaming magkapatid. Bukod sa looks ni Inay na sobrang bata pa para magkaroon ng 17 years old na anak ay ugaling dalaga din siya.
Ugaling dalaga man ay hindi parin niya kinakalimutan na umastang bilang Ina ko.
She's my mother, sister, friend and my father too.
Wala akong ama. Ang sabi ni Inay ay tumakas siya nong malaman niyang pinagbubuntis ako ni Inay. Masyado pa silang bata noon kaya hindi niya pinagutan si Inay.
Tinanggi niyang hindi niya anak ang pinagbubuntis ni Inay which is ako at tumakas siya.
Tinanggap naman ito ni Inay kahit na masyado siyang nasaktan sa ginawa ng lalaking 'yon. Nag move-on at pinukos niya saakin ang oras niya.
Kaya sobrang thankful ko kay Inay. Minahal niya ako at inalagaan ng mabuti kahit na mag-isa lang siya. Wala na siyang mga magulang dahil maaga silang nawala para tulungan nila siya pero ganon pa man ay marami paring tumulong sa kanya para alagaan ako.
"Dalaga kana talaga Anak.." nakasimangot na sabi ni Inay habang nilalagyan niya ng pagkain ang plato ko.
Binaba ko ang hawak kong pitsel sa lamesa at inayos ang mga baso. "Naku Inay. Ilang beses mo na yang sinabi saakin. Hindi parin kayo makapaniwala na dalaga na ako." naiiling na sabi ko habang may ngiti sa mukha.
"Syempre naman. Magugulat nalang ako kapag nagkaroon ka na ng asawa-what the heck?!"
Agad kong pinunasan ang labi ko nang mabuga ko ang iniinom kong tubig dahil sa binitawan ni Inay. "Inay naman!"
Ngumuso lang saakin si Inay at pinunasan din ang mukha niyang natalsikan ko. "Hindi naman malabong mangyari 'yon tss.." mahinang sabi niya habang may inis sa tuno.
Kahit kailan talaga.
Napailing nalang ako sa kanya at nagsimula ng kumain. Ganon din ang ginawa niya at hindi na kami kumibo hanggang sa natapos kaming kumain.
Ako na ang naghugas sa pinagkainan namin habang siya ay nilinis ang lamesa.
"Mag-usap tayo nak," seryosong sabi niya saakin nang matapos ako sa paghuhugas.
Pinunasan ko ang mga basang kamay ko at umupo sa tapat niya. "Kung tungkol po sa sinabi niyo kanina ay 'wag kayong mag-alala. Wala akong balak na mag-asawa sa edad kong ito. Magtatapos ako ng pag-aaral at kukuha ng magandang trabaho bago ko iisipin ang tungkol dyan." sabi ko sa kanya at sumandal sa pagkakaupo.
Nagpakawala siya ng malalim na hininga dahilan kung bakit napataas ako ng kilay. Don't tell me hindi siya naniniwala saakin?
May nakain ba siya kaya nagkakaganito siya ngayon?
Naiintindihan ko ang tungkol sa ginawa niya saakin kanina pero yung kadramahan niya ngayon ay hindi ko maintindihan.
"Inay. Nagsasabi ako ng totoo. Maniwala ka, wala akong balak na mag-asawa. Napakabata ko pa Inay para isipin mo yan," napapailing na sabi ko at umalis sa pagkakasandal.
Nakatingin parin siya saakin ng seryoso habang nakikinig lang.
Talaga bang dinamdam niya ang iniisip niya tungkol sa pag-aasawa?
Kung ganon nga ay may nakain nga siyang iba bago kami kumain ng almusal.
"Ipapa hospital ko na ba kayo Inay?" alalang tanong ko at tumayo para lapitan siya pero napatigil ako nang pigilan niya ako.
"Umupo ka," seryosong sabi niya kaya umupo ako pabalik.
Napalunok ako ng laway habang hindi inaalis ang tingin sa kanya.
Normal na saakin na makita siyang seryoso pero hindi yung ganitong kaseryoso. Para bang may sasabihin siya na ano.. Basta.
"Aljana," seryosong tawag niya sa pangalan ko at napalunok ako ng laway.
Minsan lang niya akong tawagin sa unang pangalan ko at nangyayari lang ito sa tuwing may nagawa akong kasalanan o 'di kaya'y kapag ginalit ko siya.
"May gusto ka bang sabihin saakin?"
Sunod-sunod ang naging paglunok ko dahil sa tanong niya.
Hindi ko alam na darating ang araw na ito na malalaman niya ang matagal ko ng nililihim sa kanya.
"I-Inay, h-hindi ko sinasadyang ilihim sayo 'to.." nakayukong sabi ko at pinagtiklop ko ang dalawang kamay ko.
Sobrang bilis ng pintig ng puso ko ngayon dahil sa kabang nararamdaman.
BINABASA MO ANG
Dragon's World : The White Princess (COMPLETED)
FantasyBook 1 of Dragon's World. [I do not own the photos I used in the cover. Credits to the rightful owner.] © All Rights Reserved 2016