Chapter 7

52.8K 1.7K 66
                                    

Ang Paglipat (2 of 3)

A L J A N A ' S  P O V

"Patawad Inay. Hindi ko sinasadya na ilihim sa inyo ang tungkol sa pagsangla ko noon sa gintong kutsara niyo. 'Wag niyo sana akong pagalitan. Kinuha ko din naman ito kaagad nong makapag-ipon ako. Sadyang nagawa ko lang ito dahil kailangan ko talagang magbayad noon sa paaralan para sa exam. Hindi ako humingi sayo dahil wala kang pera sa oras na yon at hindi din ako aabot kung pagt-trabahuan ko ito kaya yon nalang ang last choice ko. Ang isangla ang gintong kutsara mo." mahabang sabi ko sa kanya habang nakayuko parin.

Maiintindihan naman niya yata ang dahilan ko kung bakit sinangla ko noon ang gintong kutsara niya. Nagkataon lang na kailangan ko ng pera noon at wala na akong ibang paraan para makakuha agad ng pera.

Sana ay wag niya akong pagalitan. Alam kong mali parin ang ginawa ko kahit na katanggap tanggap ang dahilan ko.

"Anong sinangla mo ang gintong kutsara ko?" pagalit na tanong niya at natigilan ako.

"Hindi mo alam?!" gulat na tanong ko sa kanya habang nanlalaki ang mga mata ko.

Wala siyang alam tungkol sa pagsangla ko sa gintong kutsara niya?

"Magtatanong ba ako kung hindi ko alam?!" malakas na boses na sabi niya at sunod-sunod na ang naging paglunok ko.

Wtf?

Napaamin pa ako ng wala sa oras shit!

"Hehe. Biro biro lang 'yon Inay." sabi ko at tumayo pagkatapos ay pabiro ko siyang pinalo sa balikat niya.

Agad naman akong nakatanggap ng masamang tingin galing sa kanya.

Patay na.

"Ano ba kasi yong nililihim ko sayo? Wala naman akong matandaan bukod sa gintong kutsara mo na sinangla ko." mahinang sabi ko at tiningnan siya ng diretso.

Mas mabuting aminin ko na ang ginawa ko kaysa sa i-deny pa ito dahil mas lalo lang siyang magagalit saakin.

Kilala ko si Inay. Sa tagal na pinagsamahan namin ay kabisado ko na ang mga kiliti nito sa katawan. Kaya alam ko kung paano mawala ang galit niya.

Napangiti ako ng lihim nang makitang bumuntong hininga siya at bumalik sa normal ang ekspresyon niya.

"Patatawarin kita kapag sinabi mo ang iba mo pang nililihim," aniya at nanlaki muli ang mga mata ko.

"Sabing wala na akong ibang nililihim sa-" napatigil ako sa pagsasalita nang bigla kong maalala ang tungkol sa kakayahang meron ako.

D-don't tell me..

Napatayo ako habang nanlalaki parin ang mga mata ko.

No.. Imposible..

Hindi niya malalaman ang tungkol dito.

Wala akong pinagsabihan ng kapangyarihang meron ako. Ni-kahit kanino ay wala. Tanging si Lola Doyang lang ang may alam nito at matagal na siyang patay kaya malabong kay Lola niya ito nalaman.

Kaya, sigurado akong hindi niya ito malalaman. Maingat ako sa mga kilos ko kaya malabo talaga.

Pero kung ganon nga ay ano pa ang ibang nililihim ko sa kanya?

Wala akong matandaan shit!

"Sigurado po ba talaga kayong may nililihim ako?" tanong ko sa kanya at iniwas ang tingin ko.

"Oo." matigas na sagot niya.

Napakagat ako sa labi at inalala ang mga bagay na nilihim ko sa kanya pero lahat ng ito ay nasabi ko na. Tanging ang pagsangla ko sa kutsara niya ang natira kaya wala na akong alam na ibang nililihim ko dito maliban lang ang tinatago kong kapangyarihan.

Dragon's World : The White Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon