"Mag-iingat ka.." nag-aalalang sabi saakin ni Mae habang nakayakap siya saakin.
"Hmm.." nabaling ang tingin ko kay Angie na nasa likuran ni Mae. Ngumiti siya saakin at tumango.
"Ilang araw kayong mawawala?" baling ni Angie kay Russell na abala sa dalawang kabayong gagamitin namin papunta sa isa sa mga gubat ng kaharian ng Bordeous. Ang kaharian ni Russell.
"Lima." tipid na sagot ni Russell pagkatapos ay sumakay na siya sa kabayo niya.
"Aalis na kami." mahinang sabi ko kay Mae at bumitaw na siya sa yakap.
"Mag-iingat kayo.."
Tumango ako sa kanila pagkatapos ay sumakay na din sa kabayong pinahiram saakin ng paaralan. Wala akong kabayo kaya hiniraman nila ako at lahat ng mga nakakausap kong mga kabayo ay may nagmamay-ari na sa kanila kaya hindi ko sila pwedeng tawagin.
Kumaway saamin sina Angie at Mae. Wala ang iba dahil tulog pa sila. Nagpaalam na ako sa kanila kagabi kaya hindi na nila kailangang sumama kina Angie at Mae ngayon.
Kumaway ako sa kanila pabalik pagkatapos ay pinatakbo ko na ang sakay kong kabayo nang patakbuhin na din ni Russell ang kanya.
Mabilis ang pagpapatakbo namin dahil masyadong malayo ang lokasyon namin. Aabutan kami ng dalawang araw sa byahe.
Buti nalang ay marunong akong magpatakbo ng kabayo kaya hindi na ako nahirapan pa. Hindi kami pwedeng gumamit ng portal o teleportation papunta sa ibang kaharian dahil manghihina ang nakaprotektang mahika sa Jaysies. Ginagamit lang ang portal at teleportation sa loob lang ng isang kaharian. Hindi pwedeng gamitin ito sa ibang kaharian.
Habang nasa byahe kami ay sinasadya kong bagalan ang pagpapatakbo ko sa tuwing nasasabayan ko si Russell. Hindi ko siya kayang sabayan. Nahihiya ako sa kanya.
Umabot ng tatlong oras kaming nasa byahe at nagpapasalamat ako nang maisipan niyang magpahinga kami.
Tinali namin ang mga kabayo sa punong hinintuan namin pagkatapos ay sabay kaming uminom ng baon naming tubig.
Sumikat na ang araw kaya mainit na sa daan. Pinagpapawisan na din ako kaya napapunas ako subalit napatigil ako sa ginagawa nang mahuli siyang nakatingin saakin.
Agad akong tumalikod sa kanya at naramdaman ko ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko. Bakit ba ang hilig niyang tumitig?
Nakakahiya..
Lumapit nalang ako sa mga kabayo at pinainom sila.
"Salamat, Dyosa.." sabi saakin ng kabayo ni Russell.
Ngumiti ako sa kanya at hinimas siya sa ulo. Nagustuhan naman niya ito kaya hindi ko inalis ang kamay ko sa kanya.
"Magpatuloy na tayo.." napaatras ako palayo sa kabayo nang lumapit saamin si Russell.
"S-sige.." nakayukong sabi ko at inayos ang mga dala ko bago ako sumakay sa kabayo ko.
"Use this.." muntik na akong mahulog nang sumulpot siya sa harapan ko sabay inabot saakin ang isang scarf.
"A-ah..a-ayos lang.." tanggi ko habang nakaiwas ng tingin sa kanya pero nabigla ako nang hulihin niya ang kamay ko pagkatapos ay pinahawak niya saakin ang scarf na inabot niya.
Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya at binaling sa kanya ang tingin ko.
Dug-dug..dug-dug..
Seryoso lang siyang nakatingin saakin habang nakatayo ng maayos sa harapan ko. "Ikaw na ang bahala kung gagamitin mo."
Napalunok naman ako ng laway dahil sa kaseryosohan niya. Tumango nalang ako sa kanya at mabilis na sinuot sa ulo ko ang scarf. Napahinga ako ng maluwag nang umalis na siya sa harapan ko at sumakay sa kanyang kabayo.
Tulad kanina ay hinintay ko muna siyang umuna bago ko pinatakbo ang kabayo ko.
Napabuntong hininga ako nang umayos na ang nararamdaman ko. Lalo lang lumala ang kaba ko sa kanya ngayong magkasama kami.
Hindi ko inaasahan na mangyayari 'to saamin. Hindi ko alam kung paano ko siya pakikisamahan ngayong hindi kami nagpapansinan.
Siguro ay ito na ang parusa ko sa pag-iwas ko sa kanya. Napakahirap naman.
Limang araw ko siyang makakasama at hindi ko alam ang mangyayari kapag pinagpatuloy namin ang ganitong trato namin sa isa't isa. Mali pala. Ako lang ang naiilang saamin habang siya ay normal parin ang trato niya saakin kahit alam niyang iniiwasan ko siya.
Napabuntong hininga muli ako at pinagmasdan ang likuran niya. Patuloy parin kami sa paglalakbay habang mas lalong umiinit ang sikat ng araw kaya nagpapasalamat ako sa binigay niyang scarf saakin. Nakatulong ito saakin para takpan ang ulo ko sa araw. Ang lakas ko pang tumanggi kanina. Nakakahiya ka talaga, Jana!
Tuwing lumilipas ang isang oras ay tumitigil kami ng ilang minuto para uminom, hanggang sa sumapit ang tanghalian ay kinailangan naming tumigil ng isang oras para kumain. Pagkatapos ay nagpatuloy muli kami sa byahe at dahan-dahan ng nawawala ang sikat ng araw.
Nang tuluyang lumubog ang araw ay napagdesisyonan naming humanap ng lugar na pwede naming tigilan ngayong gabi. Laking pasasalamat ko nang may madaanan kaming bayan kaya hindi na kami nahirapang maghanap ng matutuluyan.
Malapit na din kami sa kaharian ng Bordeous kaya puro bayan na ang madadaanan namin bukas.
"Po? Wala na pong ibang bakanteng kwarto?" gulat na tanong ko sa may ari ng bahay-panuluyan na nahanap namin ni Russell.
"Oo, pasensya na. Maraming manlalakbay ang dumating ngayong gabi kaya isa lang ang natirang silid."
Napatingin ako kay Russell na seryosong nakatingin sa susing nilabas ni Manong. Mukhang nagdadalawang isip din siyang kunin ang natirang silid.
Sino ba naman ang hindi magdadalawang isip? Lalaki siya at babae ako kaya hindi kami pwedeng magsama sa isang silid. Higit don ay hindi ko alam ang gagawin ko kapag nagsama kami ngayong gabi. Alam ko namang wala siyang gagawing masama saakin dahil alam kong matino siya at napaka asumera ko naman para isipan siya ng ganito.
Hindi ko lang kakayanin na makasama siya. Naiilang na nga ako sa kanya sa byahe namin, paano pa kaya kapag nagsama kami sa isang silid?
"Kayo na ang bahala kung kukunin niyo. Maraming naghahanap ngayon ng matutuluyan. Halos puno na din ang ibang mga bahay-panuluyan dito." sabi ni Manong at pinaglaruan niya ang susing hawak niya dahilan kung bakit ako napalunok ng laway.
"Magandang gabi. May bakante pa bang silid dito?"
Sabay na nabaling ang tingin namin sa nagtanong na bagong dating.
"Isa--" bago pa matapos sa sasabihin si Manong ay agad kong kinuha ang susi sa kanya. Nabigla naman siya sa kinilos ko kaya ngumiti ako sa kanya at yumuko ng kunti.
"Kukunin po namin."
BINABASA MO ANG
Dragon's World : The White Princess (COMPLETED)
FantasíaBook 1 of Dragon's World. [I do not own the photos I used in the cover. Credits to the rightful owner.] © All Rights Reserved 2016