Chapter 36

40.5K 1.2K 99
                                    

Namimilog ang mga mata kong nakatingin sa loob ng silid. Hindi ko alam na sobrang liit pala nito. Tamang tama lang ang dalawang tao kung sa baba ng kama matutulog ang isa.

Ayos na sana kung malawak ang espasyo ngunit kunti lang ito. Hindi ko alam kung paano ako makakatulog ngayong gabi. Hindi ko kayang makasama si Russell dito!

"Ahem."

Nabaling ang tingin ko kay Russell nang umubo siya sa gilid ko at ngayon ko lang napagtanto na nakaharang pala ako sa pintuan kaya hindi siya makapasok.

"S-sorry.." mahinang sabi ko at umatras para makapasok siya.

Binaba niya sa kama ang dala niyang mga kumot pati ang bag niya. Pumasok na din ako at binaba ang hawak kong dalawang unan.

"Sabihin mo lang kung hindi ka komportable, hahanap ako ng ibang matutuluyan ko." sabi niya habang inaayos niya ang mga gamit niya.

Natigilan naman ako at napatingin sa bintana. Malalim na ang gabi kaya masyadong mapanganib kung lalabas pa siya. Higit don ay hindi ako sigurado kung makakahanap siya ng bakante sa mga bahay-panuluyan dito dahil sabi nga ni Manong ay maraming manlalakbay ang dumating ngayon sa bayang ito kaya halos puno na ang mga bahay-panuluyan.

"'W-wag na. A-ayos lang.." mahinang sabi ko sa kanya at kinuha ang isang kumot at banig.

"Ako na ang matutulog sa baba." nakayukong sabi ko at inayos ang banig.

"No. Ako na." seryosong sabi niya at inagaw saakin ang banig kaya naiwan akong nakatayo.

"P-pero.."

"No buts." mabilis na putol niya saakin pagkatapos ay kinuha niya ang kumot na naiwan sa kama at ang isa sa mga unan.

Pinanood ko lang ang kilos niya hanggang sa humiga siya patalikod saakin at sa sandaling iyon ay pabagsak akong napaupo sa kama.

Habang abala siya kanina sa ginagawa ay hindi namin naiwasan na magbanggan ang mga braso namin dahil sa liit ng silid kaya halos magwala na naman ang pintig ng puso ko.

Kahit kailan talaga ay napakatraydor ng puso ko. Pinipilit ko na ngang umaktong normal sa kanya pero dahil sa bilis ng tibok nito ay hindi ko mapigilan na gumawa ng kakaibang kilos sa harapan niya. Palagi akong nauutal sa tuwing sinasagot siya, kung saan-saan na ako bumabaling sa tuwing nakatingin siya saakin, higit don ay palagi akong natutulala sa tuwing may ginagawa siyang hindi ko inaasahan.

"Matulog kana. Maaga pa tayo bukas." nagulatan ako nang bigla siyang kumibo habang nakatalikod parin saakin.

Agad ko naman kinuha ang unan na natira at muntik ko na siyang matapakan dahil nasa bandang tabi niya nakalagay ang unan kaya kinailanganan kong dumaan sa gilid niya.

Humiga na ako sa kama habang nakaharap sa ibang direksyon. Kinapa ko ang bandang dibdib ko pagkatapos ay kinalma ko ang sarili ko.

Sobrang bilis parin ng tibok ng puso ko at hindi ko alam kung kailan ito mawawala.

Iisipin ko palang na kasama ko ngayon si Russell sa isang silid ay nagwawala na ang pintig nito.

Bakit ba ang lakas ng epekto niya saakin?

Masyado na ba akong nahulog sa kanya?

Pumikit na ako ng mga mata at inalis ang mga pumapasok sa isipan ko. Maaga pa kami bukas kaya matutulog na ako.

Hindi ko alam kung dahil ba sa pagod kaya bumigay kaagad ang katawan ko.

"White! White!" malakas na tawag ko kay White habang nasa tapat ako ng bahay niya. "Ano yon?"

Lumabas na siya sa kanyang bahay at inabot niya kina Leon at Wofy ang dalawang maliit na mga palayok na walang laman.

"May nakita akong bata sa gubat!" malakas na sumbong ko sa kanya at agad na umupo sa kandungan niya.

Naramdaman ko namang hinimas niya ang  ulo ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Nakita mo na pala siya." nakangiting sabi niya na kinakunot ko ng noo.

"Sino? Yung bata?" tumango siya saakin pagkatapos ay binuhat niya ako bago siya tumayo.

Naglakad siya sa direksyon na kaninang dinaanan ko habang buhat niya ako. Ilang hakbang lang ang nilakad ni White ay narating namin ang kinalalagyan ng batang nakita ko kanina.

Napapikit ako ng mga mata nang tumama saakin ang sinag ng araw.

"Halika.." dinig kong sabi ni White kaya napamulat na ako ng mga mata.

Nanlaki ang mga mata ko nang lumapit saamin ang bata dahil kay White. Samantalang kanina ay ilang beses ko na siyang sinubukan na kausapin pero dinidedma lang niya ako.

"Kilala mo siya White?" tanong ko kay White habang pinaglalaruan ko ang mahaba niyang buhok tulad ng nakasanayan ko.

Tumango siya saakin at ngumiti.

Binaba na niya ako sa pagkakabuhat kaya napaharap ako sa bata.

Nagtaka ako nang mapansin na hindi ko maklaro ang mukha niya. May kung anong liwanag ang nakatakip sa ulo niya.

"Sino ka?" tanong ko at lumapit lalo sa kanya para klaruhin ang mukha niya ngunit malabo parin siya.

Hindi naman malabo ang paningin ko kaya bakit hindi ko siya maklaro?

Binaling ko ang tingin ko kay White at tuluyan akong natigilan nang makitang hindi ko din maklaro ang mukha niya. Napakusot ako ng mga mata pagkatapos ay tiningnan muli si White at mas lalo lang lumabo ang paningin ko.

"W..." napahawak ako sa bandang leeg ko nang walang lumabas na boses galing saakin.

Tuluyang nanginig ang katawan ko nang biglang mandilim ang paligid ko hanggang sa nahirapan akong huminga.

"Jana!"

Agad akong umupo at hinabol ang hininga ko.

Nabaling ang tingin ko kay Russell nang abutan niya ako ng baso pagkatapos ay umupo siya sa gilid ng kama.

Ininom ko naman ang tubig at nagpakawala ng malalim na hininga nang umayos na ang paghinga ko.

A nightmare..

"U-umaga na ba?" tanong ko kay Russell na nakatingin saakin ng diretso habang nakaupo parin sa kama kaya sobrang lapit niya saakin.

"Hindi pa." tipid na sagot niya at binaling ang tingin niya sa bintana kaya napasunod naman ako ng tingin.

Madilim parin ang kalangitan.

Binalik ko ang tingin ko sa kanya nang maramdaman na umalis siya sa pagkakaupo sa kama.  

"A-ano.." hindi ko alam kung ano nagtulak saakin na hawakan siya sa kamay para pigilan siya sa pag-alis.

Siguro ay dala ng napanaginipan ko kaya ko siya pinigilan.

"C-can you stay?" Oo, dahil nga sa panaginip ko kaya nagkakaganito ako ngayon.

Napalunok ako ng laway nang tingnan niya ako diretso. 

"Sleep.." mahinang sabi niya at bumalik siya sa pagkakaupo sa gilid ng kama.
Bigla namang gumaan ang pakiramdam ko sa ginawa niya.

Tumango ako sa kanya at humiga na habang hawak ko parin ang kamay niya.

Kahit ngayon lang..

Dragon's World : The White Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon