Chapter 67

22.3K 699 18
                                    

~Past~

Cathy's POV

Tahimik kong pinapanood si White sa bintana. Dinidiligan niya ang mga bulaklak na nasa bakuran.

Bigla kong naalala si Mama na mahilig din sa mga bulaklak. Tulad ng ginagawa ni White ay araw-araw din niyang dinidiligan ang mga bulaklak namin sa palasyo.

Napabuntong hininga ako.

Namimiss ko na sila.

Dalawang taon na ang nakalipas simula nung kinuha ako ni White pero hindi ko ramdam ang tagal nito dahil walang oras dito sa mundong ito.

Ang mundong ito ay maliit lang. Dito nakatira ang mga dragon na naghihintay sa kanilang mga Misliepet. Parte parin ito ng mundo namin ngunit hindi visible sa mga tao. Nakatago ang mundo nila at walang ibang nakakapunta dito na mga tao kaya tinawag nila itong Tagong mundo. Nakapasok lang ako dito dahil sa tulong ni White at dahil na din sa kapangyarihan ko.

Tungkol sa mga dragon na nakatira dito ay sila ang mga dragon na naghihintay na isilang ang kanilang bagong Misliepet.

Immortal ang mga dragon. Kapag namatay ang Misliepet nila ay bumabalik sila sa mundong ito at aalis lang sila kapag sinilang na ang bago nilang Misliepet. Pero depende kung kaya na silang tawagin ng kanilang mga Misliepet.

Si White, ang dragon ko ay dumating siya nung nasa panganib kami ng kapatid ko. Ang akala ko ay hindi na siya dadating dahil hindi ko pa siya kayang tawagin noon kaya nabuhayan ako nung dumating siya.

Sariwa parin sa aking isipan ang nangyari noon ngunit pilit ko itong kinakalimutan dahil ayaw kong maging weakness ko ito pagdating ng panahon.

Kayang bumalik ni White sa mundong ito kahit na kaya ko na siyang tawagin. Tanging ang malalakas lamang na mga dragon ang pwedeng gumawa nito at isa na dito si White.

Tungkol naman sa oras ay hindi gumagalaw ang oras dito kaya kahit dalawang taon na ang nakalipas ay walang nagbago saakin. Hindi nagbago ang katawan ko, ang edad ko. Ganon parin ako nung umalis ako sa palasyo kaya mas bata na ako ngayon kay Lexie. Matanda siya ng isang taon sa akin habang si Ben naman ay pareho na kami ng edad. Ganon pa man ay binibilang ko parin ang edad ko at aalis din kami ni White sa mundong ito dahil kapag nanatili pa kami dito ay hindi na ako magkakaedad. Forever five years old na ako nyan.

"Jana.."

"ALJANA!"

Nagulat ako nang marinig ang malakas na boses ni White habang tinatawag si Jan—ako.

"Hindi ka parin sanay sa pangalan na binigay ko. Kailangan mo ng masanay sa bagong pangalan mo dahil ito ang gagamitin mo kapag umalis na tayo dito." seryosong sabi niya na kinatango ko.

Aljana Quijada Erestain.

Pangalan na binigay niya sa akin. Hindi ko pwedeng gamitin ang totoong pangalan ko dahil posibleng malaman nila na buhay ako kapag tumira na kami ni White sa Jaysies kaya binigyan niya ako ng bagong pangalan.

"Jana.."

"Hmm?"

Hinarap ko si White at umupo ng maayos sa silya. Napakunot ako ng noo nang mapansin na may nakatago sa likuran ni White kaya tumayo ako at lumapit sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang batang lalake.

"Sino siya White?" gulat na tanong ko kay White at pinagmasdan ang bata.

Matangkad siya sa akin at mukhang matanda siya ng ilang taon. Hinuli ko ang mga mata niya na nakatingin sa ibang direksyon at natigilan ako nang makita ang emosyon ng kanyang mga mata.

Napakalamig.

Napayakap ako sa sarili dahil sa lamig na naramdaman.

"Siya si Tyrone Russell, Jana. Mananatili mo na siya dito." sabi ni White.

"Bakit?"

"Kilala mo naman si Reid hindi ba?" tanong niya at tumango ako.

Si Reid ay isang dragon na nakatira din dito sa mundong ito. Katulad ng ibang mga dragon ay hinihintay din niya ang Misliepet niya.

"Si Tyrone ang Misliepet ni Reid. Kaya siya nandito dahil hindi niya makontrol sa labas si Reid. Alam mo naman kung gaano kalakas si Reid kaya napagdesisyonan nila na dito tuturuan ni Reid ang Misliepet niya na gamitin ang kapangyarihan niya para makaiwas sila ng pinsala sa labas." paliwanag ni White.

Sa labas, ang ibig niyang sabihin ay sa labas ng mundong ito. Sa mundong pinanggalingan ko.

Tumango ako sa kanya at ngumiti kay Tyrone na nakatingin parin sa ibang direksyon.

"Hi!" bati ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin.

Tatlong araw ng nandito si Lamig (Tyrone)  pero hindi parin niya ako pinapansin. Si White lang ang kinakausap niya at ang dragon niyang si Reid. Hindi ko alam kung may problema ba siya sa akin o naninibago lang siya sa akin kaya hindi niya ako kinikibo.

Sa tuwing sinusubukan ko siyang kausapin ay iniiwasan niya ako at palagi niya akong tinitingnan ng masama. Napakalamig niya kaya tinawag ko siyang Lamig.

Pumunta ako sa likuran ng bahay. Habang naglalakad ako ay sumisipol ako.

Pagdating ko ay napatigil ako nang makita si Lamig na kinokontrol niya ang mga halaman. Nasabi sa akin ni White na kaya niyang kontrolin ang mga halaman dahil mage ang Ina niya kaya isa siyang half mage at Misliepet pero nagulat ako nang bigla niyang sinunog ang kaninang kinokontrol niyang halaman gamit ang mahika.

May iba pa siyang kapangyarihan?!

"Lamiggggg! Ang galing mo. Ang dami mong kapangyarihan!!"

Tumakbo ako palapit sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang balikat pagkatapos ay inalog siya.

"Ang galing mo! Saan mo natutunan ang ganyang kapangyarihan?" natutuwang tanong ko sa kanya at tinigilan na ang pag-alog sa kanya.

Medyo nabigla pa ako nang makita ang gulat sa kanyang mga mata. Ngayon ko lamang nakitang nag-iba ang emosyon niya.

"M-my mom.." mahinang sagot niya at tuluyan akong napanganga.

Tama ako ng dinig?

Nagsalita siya?

Kinibo niya ako?!

Simula noon ay pinansin na niya ako. Palagi naming pinag-uusapan ang kapangyarihan niya. Sa una ay hindi ako makapaniwala na kinikibo na niya ako pero nasanay din ako. Nalaman ko na dalawa ang mahika ng kanyang ina kaya sa kanya niya namana ang dalawang mahika niya at ang pagiging Misliepet naman niya ay sa ama niya.

Normal lang na magkaroon ng dalawang mahika ang isang tao at pwede din na half Misliepet at half mage pero isang mahika lang ang meron siya. Ngayon lamang ako nakakita ng isang Misliepet na may kakayahan din na dalawang mahika kaya hindi ko mapigilan na humanga sa kanya. Ang dami niyang kapangyarihan.

"White! Normal lang ba sa tao na magkaroon ng maraming kapangyarihan tulad ni Lamig?" takang tanong ko kay White.

Kumandong ako sa kanya at pinaglaruan ang mahaba niya buhok. Mas mahaba pa ang buhok niya kaysa sa akin. Hindi ko alam kung bakit ayaw niyang putulin ang buhok niya. Para na siyang babae—No, matandang babae haha. Kulay puti kasi ang buhok niya kaya isa siyang Lola.

"Hindi normal ang magkaroon ng higit sa dalawang mahika ang isang tao. Tungkol naman kay Tyrone ay dalawa ang mahika ng kanyang Ina at isang Misliepet ang kanyang Ama kaya normal lang na makuha niya ang lahat ng ito sa kanyang mga magulang. Ang pangatlong kakayahan niya kasi ay hindi mahika kundi nakokontrol niya ang dragon kaya normal lang ang kapangyarihan niya."

"Ahh. Bakit hindi naman normal na magkaroon ng higit sa dalawang mahika ang isang tao?"

Natigilan siya sa tanong ko at hindi siya agad nakasagot.

"Hindi normal dahil isa ng itim na mahika ang ganitong klasing kapangyarihan.."

Dragon's World : The White Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon