Chapter 28

42.7K 1.2K 38
                                    


Tahimik kaming nakaupo ngayon ni Russell sa malaking bato dito malapit sa bangin habang nakatanaw parin kami sa lugar na kinalakhan ko.

Napakayakap ako sa sarili nang umihip muli ang malamig na hangin. Hindi ko sout ngayon ang blazer ko. Hinubad ko kanina sa room dahil mainit doon.

Natigilan ako nang maramdaman kong pinatong saakin ni Russell ang blazer niya.

"A-ayos lang.." binalik ko sa kanya agad ang blazer niya ngunit hindi niya tinanggap.

"Isusuot mo o ako ang magsusuot niyan sayo?" seryosong tanong niya saakin habang nakatingin sa blazer niya na inabot ko.

Agad ko naman itong sinuot dahil sa kaseryosohan niya. Hindi siya magdadalawang isip na isuot ito saakin kapag pinagpilitan kong ibalik ito sa kanya. Kaya mas mabuting suotin ko na total nilalamig na talaga ako.

"Thanks." mahinang sabi ko.

Pinulupot ko ang mga braso ko sa ibabang tuhod ko pagkatapos ay pinatong ko ang ulo ko sa taas ng mga tuhod ko habang nakatanaw parin sa harapan.

Naamoy ko kaagad ang pabango ni Russell sa suot kong blazer niya. Hindi ito masakit sa ilong kaya nakakaadik na amoyin--Ano 'tong pinagsasabi ko?

Umupo ako ng maayos pagkatapos ay hinila ang buhok ko.

Kung ano-ano na ang iniisip ko. Nababaliw na yata ako.

"What are you doing?"

Napatigil ako sa paghila sa buhok ko nang tanungin ako ni Russell.

Tipid akong ngumiti sa kanya at marahan na umiling. "W-wala haha.."

Iniwas ko na ang tingin sa kanya nang hindi na siya kumibo.

Wala ba siyang sasabihin saakin?

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na hindi parin niya ako kinakausap tungkol sa battle o kakabahan dahil sa hindi pa nga niya ito binabanggit.

"A-ano nga pala ang ginagawa natin dito?" Putol ko sa katahimikan. Mas mabuting unahan ko na siya kaysa sa magpatuloy ang kabang nararamdaman ko dahil sa hindi parin siya kumikibo.

"Nothing," tipid na sagot niya na kinabuntong hininga ko.

Nothing pero meron naman talagang dahilan. Hindi ko alam kung tinatamad ba siyang magsalita o sadyang pinipigilan niya ang sarili niya na sabihin saakin ang gusto niyang sabihin.

"Don't worry, tatanggapin ko ang lahat ng sasabihin mo. Kasalanan ko din naman kung bakit tayo natalo sa battle. Kung hindi ko pinaandar ang katigasan ng ulo ko ay hindi ako mahihimatay at kung tinawag ko sana ng maaga ang dragon mo ay hindi mawawala ang kapangyarihan mo. Natalo tuloy tayo dahil sa akin. Patawad. Hindi na mauulit." mahabang sabi ko sa kanya at pinagdikit ang mga kamay ko habang nakaharap sa kanya.

Nangunot naman ang noo niya at tiningnan niya ako ng diretso.

"Sorry. Hindi na mauulit promise.."

"Bakit ka humihingi ng tawad?" takang tanong niya dahilan kung bakit naibaba ko ang mga kamay kong magkadikit.

Sinabi ko na sa kanya ang dahilan ah?

Nakikinig ba siya saakin?

Malamang, Oo. Sadyang galit parin siya saakin dahil sa kinilos ko sa battle kaya mukhang gusto niyang ipamukha ko ang mga maling ginawa ko.

"Natalo tayo dahil saakin. Kung hindi ako nahimatay ay hindi matitigil ang laban. Kaya sorry talaga.." sabi ko nalang at muling pinagdikit ang mga palad ko.

"Sinong nagsabi sayo niyan?" seryosong tanong niya saakin habang magkasalubong parin ang magkabilang kilay niya.

"Wala. Ako lang. Kasalanan ko naman talaga." mahinang sabi ko at yumuko.

"Tss..Wala kang kasalanan." sabi niya kaya inangat ko ang tingin sa kanya.

"H-Hindi ka galit saakin?" kabang tanong ko na agad niyang inilingan.

"Bakit ako magagalit? Dahil natalo tayo?" tanong niya at napatango ako sa kanya.

Bumuntong hininga siya pagkatapos ay sinuklay niya ang buhok niya gamit ang mga daliri niya. Hindi ko namang maiwasan na panoorin siya. Bakit ang gwapo niya?

Sunod-sunod akong umiling para alisin ang mga pumapasok sa isipan ko. Nagawa ko pang purihin siya ngayong seryoso ang pinag-uusapan namin.

"Hindi ako galit. Walang may kasalanan kung bakit tayo natalo." seryosong bitaw niya habang nakatingin saakin ng diretso.

Pareho naming hindi iniwas ang tingin namin sa isa't isa. Ayaw kong umasa na may nararamdaman din siya saakin ngunit hindi ko mapigilan ang sarili ko na paghinalaan siya dahil sa pinapakita niyang emosyon at sa mga kinilos niya ngayon. Hayss..

Una akong umiwas ng tingin sa kanya. Narinig ko naman siyang tumikhim at nakita ko sa gilid ng mata ko na umayos siya ng pagkakaupo.

"Kumusta na si Reid?" pagkakaiba ko nang maalala ang dragon niya.

"He's fine. Salamat nga pala." mahinang sagot niya at napangiti ako habang hindi binabaling ang tingin sa kanya.

"Russell--" napatigil ako sa sasabihin at napahawak ako sa tyan ko nang bigla itong tumunog.

Shit! Bakit ngayon pa?!

"Bumalik na tayo." nakangising sabi niya at imbes na makaramdam ako ng hiya ay napatitig nalang ako sa kanya.

+++

"Jana! Gising na! Gising!"

Kinuha ko ang unan at tinakip sa tainga ko nang marinig ang malakas na sigaw ni Mae.

"Jana bangon na!"

"Russell! Gisingin mo nga si Jana!"

Napabalikwas naman ako kaagad at lumabas ng kwarto nang marinig ang sigaw ni Angie. Naabutan kong nasa labas ng pintuan ko sina Angie at Mae habang masama ang tingin nila.

"Saan si Russell?" tanong ko sa kanila at nilibot ang tingin ko sa labas para hanapin siya pero walang ibang tao dito maliban lang saaming tatlo.

"Wala si Russell, masyado ka ng halata." naiiling na sabi ni Mae na kinakunot ko ng noo.

"Wala siya? Pero bakit sabi niyo.."

Sabay silang umuling saakin at bakas sa kanilang mga mukha na hindi sila makapaniwala saakin.

"Magpalit ka na. Maglalaba tayo ngayon." seryosong sabi ni Angie saakin at tinulak ako papasok sa kwarto ko.

"Naglalaba pala ang mga maharlika?" asar ko sa kanila, bawi ko sa pangt-trip nila saakin dahilan kung bakit nakatanggap ako ng batok. "Ang sama niyo talaga tss.."

Sinarado ko na ang pintuan ko pagkatapos ay pabagsak akong humiga sa kama ko.

Niyakap ko ang unan ko habang nakaharap sa kisame.

So.. Alam na nila.

Ganon na ba ako kahalata?

"Aishhh!"

Tinaas ko ang mga kamay ko pagkatapos ay shinake ang mga ito sa ere.

Kailangan ko ng pigilan ang nararamdaman ko.

Hindi pwedeng magkagusto ako sa kanya.

Dragon's World : The White Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon