Chapter 42

38.9K 1.1K 96
                                    

Sa library, kunti lang ang mga estudyanteng nasa loob. Karamihan sa kanila ay mga tulog at ang iba ay nagbabasa.

Tahimik na naghahanap ng mga libro sina Jana at Mae sa mga bookshelves na.

"Mauna na ako sa table, Jana." mahinang sabi ni Mae kay Jana nang mahanap na niya ang librong babasahin.

Tumango si Jana sa kanya kaya pumunta na siya sa bakanteng lamesa.

Nagpatuloy sa paghahanap ng libro si Jana. Sa dami ng mga libro ay hindi niya mahanap ang hinahanap niya. Karamihan sa mga nakikita niya ay pamilyar na sa kanya.

Hindi niya kinakalimutan ang mga dinidiscuss ng mga guro sa kanila at palagi siyang nagt-take ng notes kaya hindi na niya kailangang balikan ang mga pinag-aralan nila.

Napatigil siya sa pagbabasa ng mga pamagat nang matuon ang pansin niya sa librong nasa dulo ng book shelf.

"May nahanap ka na?" tanong ni Mae nang umupo siya sa tapat niya.

Pinakita ni Jana ang hawak niyang libro pagkatapos ay binuklat na niya ito.

"The legendary user.." mahinang basa ni Mae sa pamagat ng librong hawak ni Jana.

"Topic natin yan nong wala kayo ni Russell. Buti ay may nakapagsabi sayo."

Tumango lang si Jana kahit na walang nakapagsabi sa kanya tungkol sa librong napili niyang pag-aralan.

Sinimulan ng basahin ni Jana ang libro kaya bumalik na din si Mae sa pagbabasa.

300 years ago, kilalang pinakamalakas na Hari si Gabriel Austin sa buong Jaysies dahil marami siyang hawak na kapangyarihan. Ang lupa, hangin, tubig, at apoy ang mga elementong kaya niyang kontrolin. Dahil sa sobrang lakas niya ay hindi kailan man siya natalo sa kanyang mga laban. Lahat ay takot sa kanya na makabangga siya, lalo na ang mga Slims.

Sa panahon niya ay naging tahimik ang magulong mundo ng mga dragon noon. Natigil ang laban na namamagitan sa dalawang panig ng Dragon's World dahil sa kanya. Ngunit, pansamantala lang ito. Bumalik din ang gulo nang mamatay si Haring Gabriel dahil sa katandaan.

Simula noon ay tinawag siyang the legendary user dahil siya lamang ang nagpahinto sa laban ng dalawang panig nong nabubuhay siya at ang nag-iisang tao na kayang kumontrol ng maraming mahika.

"Mae, after ni Haring Gabriel ay wala na bang sumunod sa kanya na kayang kumontrol ng maraming mahika?" tanong ni Jana.

Tumigil sa pagbabasa si Mae at tiningnan si Jana. "Wala na. Nabanggit saamin ng Guro  na ilang beses ng sinubukan ng ibang mga mages na magkaroon ng maraming kapangyarihan tulad ni Haring Gabriel ngunit walang nagtagumpay sa kanila. Hanggang dalawa lang ang kaya nila, karamihan ay isang misliepet at mage."

Tumango si Jana sa kanya at umupo ng maayos. "Tulad ni Russell.." sabi niya dahilan kung bakit napangisi si Mae.

"Yeah, like Russell."

Kumunot naman ang noo ni Jana. "Bakit ka nakangisi?" tanong niya.

Sinandal ni Mae ang kanang pisngi niya sa kanyang kamao pagkatapos ay tinitigan si Jana. "Wala lang. Napagtanto ko na bagay talaga kayong dalawa." aniya dahilan kung bakit namula na naman ang mga pisngi ni Jana.

"T-tumigil ka Mae. Baka may makarinig sayo.."

Lalong lumawak ang ngisi ni Mae at nilapit niya ang mukha niya kay Jana. "Tell me, may ginawa ba siya?"

Umiwas ng tingin si Jana habang namumula parin. Tinulak niya ang noo ni Mae palayo sa kanya gamit ang hintuturo niya. "E-Ewan ko sayo. Magbasa ka na nga."

Tumawa naman ng mahina si Mae at umupo ng maayos.

"Actually, mas malapit ang kapangyarihan mo kay Haring Gabriel."

Napatingin sa kanya ng diretso si Jana dahil sa sinabi niya.

"Kaya mong gumamit ng iba't ibang mahika sa pamamagitan ng kapangyarihan ng mga kaibigan mong mga bantay." seryosong sabi niya at kinuha ang librong hawak ni Jana.

"Pambihira ang kapangyarihang meron ka, Jana. Wala akong nabasa sa history na may katulad kang may ganitong kapangyarihan. Hindi pa ako nakarinig o nakakita ng tao na katulad mong malapit sa mga hayop, lalo na ang mga bantay. Alam mo naman na iwas ang mga bantay sa mga tao pati sa mga dragon. Hindi sila nakikisali sa mga gulo natin. Wala silang pakialam sa away na namamagitan sa dalawang panig. Tanging ang kalikasan lamang ng mundo natin ang pinagkakaabalaan nila at wala ng iba. Pero ikaw.."

Seryoso siyang tiningnan ng diretso ni Mae na para bang binabasa niya ang pagkatao niya. "Kahit na naiintindihan mo ang mga lenggwahe nila ay hindi parin ito sapat na dahilan para ipahiram nila sayo ang kapangyarihan nila. Dahil hindi lang ikaw ang taong may kakayahang maintindihan sila.."

"May nabasa ako dati na may isang tao na kaya din niyang makipag-usap ng mga hayop kasama ang mga bantay ngunit hindi nabanggit don kung nagagamit ba niya ang kapangyarihan nila kaya iba ang kapangyarihang meron ka, Jana. Maaaring tulad mo nga si Haring Gabriel na may maraming kapangyarihan ngunit mas lamang ka nga lang sa kanya."

Umubo ng dalawang beses si Mae para makuha ang atensyon ni Jana na tulalang nakatingin sa kanya. Makikita sa mga mata niya ang kalituhan, alinlangan at pagtataka dahil sa sinabi ni Mae.

Tinapik siya sa kamay ni Mae kaya natauhan siya. "'Wag mong seryosohin. Theory ko lang naman haha."

Dragon's World : The White Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon