Chapter 72

21.9K 642 10
                                    

Aljana's POV

Nagising ako dahil sa ingay na nanggaling sa labas.

Nilibot ko ang tingin ko sa loob ng kwarto at napansin ko na walang nagbago dito. Kung ano ang hitsura nito nung umalis ako ay ganon parin.

Sumama ako kina Papa sa palasyo kaya nandito ako ngayon sa kwarto ko dito sa palasyo.

Kahit na bumalik na ang memorya ko ay hindi ko parin mapigilan na manibago. Lahat ay parang bago sa akin kahit na naranasan ko na ito dati nung bata ako tulad nalang ng mga katulong na nakatayo ngayon sa gilid ng pintuan ko.

Mukhang kanina pa nila ako hinihintay na magising.

"Your highness."

Lumapit sila sa akin pagkatapos ay yumukod sila.

Nailang ako sa ginawa nila pero hindi ko sila pinigilan dahil alam kong kokontrahin lang nika ako. Para sa kanila ay ito ang proper na pagtrato nila sa katulad naming mga maharlika at kapag hindi nila ito ma-maintain ay isang kabastuhan sa kanila ito.

"Nakahanda na po ang paliliguan niyo." sabi sa akin ng nangunguna sa kanila. Apat silang lahat at mukhang siya ang head maid dahil sa iba ang kulay ng uniform niya.

"S-sige. Ako na ang bahala sa sarili ko."

Nakita ko ang pag-alinlangan sa kanilang mga mata kaya agad kong kinaway ang mga kamay ko. "I-I mean. Ako na ang bahala sa sarili ko na maligo. Asikasuhin niyo lang ako kapag natapos na ako." ngiwing sabi ko at nakahinga ako ng maluwag nang pumayag sila.

Normal sa mga maharlika na pinapaliguan ng mga katulong. Bata man o hindi ay inaasikaso parin nila.

Sa pananaw ng iba ay napakadali ng buhay ng isang maharlika pero para saakin ay hindi. Oo, madali nga ang buhay ng maharlika dahil hindi na nito kailangang maranasan na asikasuhin ang sarili niya. Kain, tulog, aral lang pero hindi ito mabuting gawain dahil tinuturuan nilang maging tamad ang tao.

Paano nalang kapag wala na siyang kasama?

Paano na nito aasikasuhin ang sarili niya?

Mahirap. Sobrang mahirap kapag hindi sanay sa gawaing bahay. Kaya hindi ganon kadali yon.

Ganon pa man ay alam kong marami paring maharlika na sinasanay nila ang sarili nila na kumilos ng hindi kailangan ng tulong ng iba. Tulad nalang ng mga kaibigan ko na sina Mae at Angie. Sila ang naglalaba sa kanilang mga damit at sanay sila sa gawaing bahay.

Pagkatapos kong maligo ay hinayaan ko na ang mga katulong na bihisan ako. Kahit na ayaw kong asikasuhin nila ako ay hindi ko sila pinigilan dahil alam kong inutusan sila ng mga magulang ko. Mapapagalitan sila kapag nalaman ng mga magulang ko na hindi nila ako inasikaso. Hindi ko din sila pwedeng utusan na magsinungaling dahil tapat sila sa Hari at Reyna. Kaya para iwas gulo, hayaan ko nalang sila. Hindi din naman ako magtatagal dito.

Tiningnan ko ang repleksyon ko sa malaking salamin nang matapos nila akong bihisan. Nakabraid ang buhok ko na bumagay sa damit ko. Simpleng dress ang suot ko tulad nung sinuot ko sa palasyo nina Russell.

Ito din ang isa sa pinakaayaw ko. Kailangang nakaformal attire ang mga maharlika kapag nasa loob ng palasyo.

Napatingin ako sa inabot saakin ng isa sa mga katulong na pares na sandal. Mababa lang ito kaya hindi masakit sa paa.

"Salamat. Maaari na kayong magpahinga." sabi ko sa kanila habang nakangiti.

Yumukod sila ulit sa akin bago sila lumabas ng kwarto.

Pagkalabas nila ay nagpakawala agad ako ng buntong hininga. Bigla akong nakaramdam ng pagod kahit wala naman akong ibang ginawa kundi ang magbihis.

Binalik ko ang tingin ko sa salamin at nagulat ako nang makita sa repleksyon na napapalibutan ako ng itim na mahika.

Agad akong napatingin sa sarili ko pero wala naman akong nakitang mahika sa akin.

Namalikmata ba ako?

Binalik ko ulit ang tingin sa salamin at normal naman ako. Walang nakapalibot na itim na mahika sa akin.

Weird.

Siguro ay namalikmata lang ako.

Lumabas na ako ng kwarto at bumaba.
Pagdating ko sa baba ay naabutan ko si Lexie na mukhang kakalabas lang din niya sa kanyang kwarto.

"Ate!" tawag niya sa akin at kumapit sa braso ko.

Ngumiti ako sa kanya. "Good Morning.."

"Good Morning din, Ate."

"Nasaan sina Mama at Papa?" tanong ko.

"Kausap nila ang mga council. Mukhang pinag-uusapan nila ang tungkol sa magaganap na selebrasyon." sagot niya at
Nagpakawala ako ng malalim na hininga.

Sinabi nila akin saakin kagabi na balak nilang ipagdiwang ang pagdating ko na siyang puting prinsesa nila at mukhang mangyayari na nga ito. Small party lang din naman. Mga kakilala lang namin ang pupunta kaya hindi na ako umangal.

"Janaaaa!"

Napangiti ako nang marinig ang malakas na boses ni Mae.

Sabay namin siyang nilingon ni Lexie at pareho kaming nagulat nang makita ang buong grupo.

"Ah! Jana miss na agad kita." sabi sa akin ni Mae na ngayon ay nakayakap na sa akin.

"Kakakita niyo lang sa akin kagabi."

"Alam ko. Namiss parin kita.."

Tumawa nalang ako sa kanya at binaling ang tingin ko sa iba na nakatingin sa akin habang nakangiti sila.

"Ayos ka lang? Wala bang masakit sayo?" alalang tanong sa akin ni Angie.

"Ayos lang ako. Walang masakit sa akin." sagot ko at hindi ko napigilan na tumawa dahil kagabi pa nila ako tinatanong kung ayos lang ba ako.

Naiintindihan ko naman sila kung bakit ganito sila mag-aalala sa akin. Dalawang araw din akong walang malay kaya normal lang na mag-alala sila sa akin.

"Salamat sa pagkain. Hindi kami nakapag almusal dahil dumiretso agad kami dito." sabi ni Angie na abalang kumakain ng nilagang karne.

Mahilig siya sa karne kaya puno-puno na ng karne ang plato niya dahil na din sa tulong ni Eross. Kanina pa niya nilalagyan ng laman ang plato ni Angie sa tuwing nauubos niya ang pagkain niya.

Hindi ko alam kung saan napupunta ang mga kinakain niya. Ang lakas niyang kumain pero hindi siya tumataba. Kahit kumain pa siya ng ilang plato ay walang nagbabago sa katawan niya.

Napatingin ako sa kaliwang kamay ko nang maramdaman na may humawak nito.

Si Russell.

Pinagtiklop niya ang mga daliri namin at pinatong niya sa hita niya.

Ngumiti ako sa kanya at sumandal sa balikat niya.

"Bakit hindi mo sinama si Ken?" tanong ko sa kanya nang maalala ang lalaking yon.

Bumalik si White sa Dragon Palace habang si Inay naman ay nanatili sa dorm namin. Si Black naman ay hindi ko alam.

"Tulog pa siya.." mahinang sagot niya.

Pareho kaming nagulat ni Russell dahil sa biglang inalis ni Ben ang pagkakasandal ko sa balikat ni Russell pagkatapos ay sa balikat niya ako pinasandal.

"Boto ako sa inyo dati pero ngayong nalaman kung kapatid ko si Jana ay hindi na. Kaya mag-ingat ka sa mga galaw mo Russell." seryosong sabi ni Ben kay Russell na kinalaki ng mga mata ko.

Umalis ako sa pagkakasandal sa kanya at kunot-noo ko siyang tiningnan.

"Ang O.A mo Ben! Inggit ka lang dahil hindi ka pag sinasagot ni Joy!" sabat ni Lexie sa kanya dahilan kung bakit kami napatawa.

Sumimangot naman si Ben at napakamot siya sa ulo. "Seryoso ako dito! Hindi ako papayag na may pumormang lalake sa inyong dalawa. At ikaw naman Zen, akala mo hindi ko alam na palihim mong pinopormahan si Lexie?" baling niya kay Zen na tahimik na nakatingin sa kanya.

Nakita kong namula si Lexie sa sinabi ni Ben. Dahil sa hiya ay kinuha niya ang carrot na buo at pagkatapos ay sinubo niya kay Ben na nasa tapat niya.

"K-kumain ka nalang! Mukhang gutom ka pa.."

"Sfgka sh*t!"

Dragon's World : The White Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon