Chapter 27

40.8K 1.3K 16
                                    


"Kain tayo?" yaya ni Ben saamin.

"Sige! Nagugutom na din ako."

Maglalakad na sana kami palabas nang mapatigil kami nang biglang dumating si Russell.

"Saan ka pumunta Pre?" tanong sa kanya ni Drek.

Sinundan lang namin siya ng tingin hanggang sa huminto siya sa harapan ko pagkatapos ay tiningnan niya ako ng diretso dahilan kung bakit nagwala na naman ang puso ko.

Napalunok ako ng laway pagkatapos ay pinaglaruan ko ang mga ko sa likuran ko.

"Sumama ka saakin." seryosong sabi niya habang nakatingin parin saakin ng diretso.

Binaling ko ang tingin ko kina Ate at natigilan ako nang makitang nakatingin silang lahat saakin.

Napakamot ako sa leeg dahil sa pagkakailang. "S-saan tayo p-pupunta?" utal na tanong ko kay Russell at iniwasan kong magtama ang mga mata namin.

"Sumama kana sa kanya Jana. Hindi pa kayo nakakapag-usap." bulong saakin ni Mae na nakalapit na saamin.

Dahil sa sinabi niya ay mas lalo akong nagdalawang isip na sumama sa kanya. Hindi pa ako handang kausapin siya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Halatang gusto niyang pag-usapan ang nangyari sa battle.

Natigilan ako nang ilahad niya saakin ang kamay niya.

"Go na!"

Tinulak ako ni Mae palapit kay Russell kaya wala akong nagawa kundi ang hawakan ang nakalahad niyang kamay.

"Let's go." mahinang sabi niya at hindi ko alam kung namamalikmata ba ako na nakita ko siyang ngumiti.

Siguro ay namamalikmata lang ako. Hindi naman kasi siya ngumingiti kaya walang dahilan para ngumiti siya.

"Saan tayo pupunta Russell?" tanong ko sa kanya habang nakasunod sa kanya.

Marami ng estudyante ang nakakalat sa labas dahil walang pasok. Hindi ko din maintindihan ang mga guro. Palagi nalang late ang anunsyo nila sa tuwing wala kaming pasok. Hindi ko alam kung sinasadya ba nilang papasukin kami o nagkataon lang na kailangan nilang kanselahin ang klase.

Napapangiti ako habang pinagmamasdan ang dinadaanan namin. Napakaliwanag ng mga ilaw sa paligid. Parang napapalibutan ng mga bituin ang paaralan namin dahil nakalutang ang mga ilaw sa ere. Gawa sa mahika ang mga ilaw dito kaya hindi na ako nagtaka kung bakit nakalutang ang mga ito.

Habang nililibot ko ang tingin ko ay nabaling ang tingin ko sa likod ni Russell na nauuna saaking maglakad dahil sa laki ng mga hakbang niya.

Medyo nawala na ang kabang nararamdaman ko dahil sa pananahimik niya.

"Give me your hand."

Napatigil ako sa paglakad nang humarap siya pagkatapos ay nilahad niya muli ang kamay niya saakin.

Napakunot naman ako ng noo at tiningnan ang palad niya. Anong gagawin niya sa kamay ko?

"Tss."

Muli akong nabigla nang hulihin niya ang kanang kamay ko pagkatapos ay nagpatuloy siya sa paglalakad kaya napasunod ako sa kanya habang hawak niya ang kamay ko.

Dug-dug..dug-dug..

Napakapa ako sa dibdib ko at pumikit ng sandali ng mga mata pagkatapos ay kinalma ko ang sarili ko.

"S-saan ba talaga tayo pupunta, Russell?" tanong ko sa kanya ulit nang mapansin na malayo na kami sa gusali ng paaralan.

Napabuntong hininga nalang ako nang hindi niya ako sinagot. Ang tahimik talaga niya. Buti hindi napapanis ang laway niya.

Nanatili akong sumasabay sa kanya habang hindi parin niya binibitawan ang kamay ko. Parang akong bata na maliligaw kapag binitawan niya ang kamay ko. Ayaw kong bigyan ng malisya ang ginawa niya kaya mas mabuting ito nalang ang isipin ko, kahit na kanina pa nagwawala ang puso ko.

Patuloy kaming naglalakad hanggang sa lumabas kami sa isang gate na hindi pamilyar saakin pagkatapos ay bumungad saamin ang mga punuan.

Bakit parang sa gubat na kami papunta?

"Russell, wala ka naman yatang balak na gawing masama saakin dahil sa kinilos ko sa battle noh?" parang tangang tanong ko sa kanya at hinuli ang tingin niya habang patuloy parin kaming naglalakad.

Napatikhim siya ng dalawang beses at mabilis na iniwas ang mga mata niya saakin habang pilit ko paring hinuhuli ang tingin niya.

"Ano sa tingin mo?" balik na tanong niya saakin dahilan kung bakit mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Mas mabuti ng hindi niya ako pansinin. Baka ano pa ang sabihin niya na magpapakaba saakin lalo.

Tumahimik nalang ako at binaling ang tingin ko sa mga punong nadadaanan namin.

Naramdaman kong hinigpitan ni Russell ang pagkakahawak niya sa kamay ko kaya binalik ko ang tingin sa kanya.

"Tumingin ka harapan." seryosong utos niya kaya agad kong iniwas ang tingin sa kanya at nabigla ako nang makita na papunta kami sa direksyon ng isang bangin.

Huminto ako sa paglalakad at hinawakan ang kamay niyang nakahawak sa kaliwang kamay ko. "What?" kunot-noong tanong niya saakin.

Sunod-sunod akong umiling sa kanya at sinubukan na hilain siya pabalik pero sobrang lakas niya.

"Kung ano man ang binabalak mo ay 'wag mong ituloy. Pag-usapan natin ito ng maayos okay? 'Wag mong ituloy yang binabalak mo." seryosong sabi ko sa kanya at hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kanya.

"Anong binabalak ko?" takang tanong niya at namilog ang mga mata ko nang hilain niya ako palakad palapit sa bangin.

Seryoso ba siya?!

Napapikit ako ng mga mata nang malapit na kami sa dulo ng bangin.

Tatawag na sana ako ng hayop na pwedeng sumalo saamin sa baba nang bigla siyang kumibo.

"Open your eyes," mahinang sabi niya.

Marahan ko namang minulat ang mga mata ko at naitakip ko ang mga kamay ko sa labi ko dahil sa pakakabigla sa nasilayan.

"Wow.."

Kita dito sa pwesto namin ang nagraramihang ilaw ng mga bahay na kung hindi ako nagkakamali ay ito ang lugar na pinanggalingan ko. Ang lugar ng mga Ordinaries. My hometown.

Naramdaman kong tumulo ang mga luha ko habang hindi iniiwas ang tingin ko dito.

Hindi ko alam na ganito pala ang hitsura ng lugar namin sa malayo. Iba't ibang emosyon ang naramdaman ko habang nakatanaw dito. Sobrang ganda ng mga ilaw. Napakaganda.

"Thanks." ngiting baling ko kay Russell at pinunasan ang mga luha ko.

Binaling din niya ang tingin saakin at muli na namang nagwala ang puso ko nang bigyan niya ako ng tipid na ngiti.

Hindi pwede.

Mali 'tong nararamdaman ko..

Dragon's World : The White Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon