Mga Kaibigan (6 of 7)
A L J A N A ' S P O V
"Bilhan mo ako ng tubig, Ben!" malakas na sabi ni Ate Lexie kay Prince—Kay Ben na ngayon ay nasa harapan ng counter ng canteen kasama sina Zen at Eross.
Ian Zen Wardil. Prinsipe ng kahariang Wardil. Isang Misliepet tulad nina Ben at Lexie.
Jack Eross Arwill. Isang mage. Hindi siya royalty pero kilala ang pamilyang Arwill na isa sa pinakamalakas na mages sa buong Jaysies.
Tahimik lang akong nanonood sa kanila habang pinagkakaguluhan nila ang mga pagkain na binili nila.
"Anong gusto mong kainin Jana?" tanong saakin ni Ate Lexie sabay inabot saakin ang mga pagkain.
"A-ano—"
"Hindi siya kumakain ng meat at fish, Lexie." sabi ni Angie kay Ate Lexie dahilan kung bakit nabaling ang tingin nilang lahat saakin.
"Hindi nga?!" gulat nilang tanong habang nanlalaki ang mga mata nila.
Ngumiti ako ng tipid sa kanila at tumango ng marahan.
"Nasabi na namin ang kapangyarihan niya sa inyo na nakakaintindi siya ng mga lenggwahe ng mga hayop kaya hindi siya kumakain ng mga karne at isda." paliwanag ni Mae na naintindihan naman nila.
"Sorry. Hindi ko alam," malungkot na sabi ni Lexie at nilayo niya saakin ang mga inabot niyang iba't ibang klase ng pagkakaluto ng mga karne at isda.
"Wala lang yon." sabi ko at kumuha ng gulay at kanin.
Nagsimula ng kumain sina Angie at Mae kaya nagsimula na din ako pero agad din akong napatigil nang mapansin kong hindi nila ginalaw ang mga pagkain nila.
"W-why?" tanong ko sa kanila at sabay-sabay silang napatingin sa kinakain ko.
"Ahh. Ano ba kayo ayos lang! Sanay na akong kumain kasama sina Angie at Mae kaya wala lang saakin kung kumain kayo ng meat at isda sa harapan ko." ngiting sabi ko sa kanila nang makuha ko ang dahilan kung bakit hindi nila ginalaw ang mga pagkain nila.
"Sure ka?" alalang tanong ni Ate Lexie saakin na kinangiti ko ng malawak. "Oo. Kumain na kayo."
Napahinga ako ng maluwag nang galawin na nila ang mga pagkain nila.
Hindi ko alam ang gagawin ko kapag pinagpatuloy nila ang nararamdaman nila saakin tungkol sa hindi ko pagkain ng mga kinakain nila.
Nakakahiya.
Ako pa ang magiging dahilan kung bakit hindi sila makakain.
+++
Tahimik akong naglibot sa paaralan habang suot ang uniform ko. 4 P.M pa kaya may isang oras pa akong maglibot dito.
Hindi ko kasama ang iba dahil pinatawag sila sa opisina ng Head Master ng paaralan namin.
Hanggang ngayon ay hindi parin ako sanay sa presensya ng iba.
Tatlong araw palang akong nandito kaya hindi ko inasahan na magkakaroon ako ng mga bagong kaibigan at mga maharlika pa!
Tanging si Eross lang ang hindi maharlika sa kanila pero parang maharlika na din siya dahil sa kilalang makapangyarihan ang pamilya niya.
Ako lang yata ang naiiba sa kanila. No, talagang iba ako sa kanila. Hindi nila ako katulad na maharlika at makapangyarihan na tao kaya hindi ko parin alam ang dahilan kung bakit nakipag-kaibigan sila sa katulad ko.
Kung sakaling hindi ko naging kaibigan sina Angie at Mae ay malabong maging kaibigan ko sila.
Maswerte lang ako dahil kaibigan ko sila at nagpapasalamat ako dahil nakilala ko sila.
![](https://img.wattpad.com/cover/70422728-288-k124737.jpg)
BINABASA MO ANG
Dragon's World : The White Princess (COMPLETED)
FantasyBook 1 of Dragon's World. [I do not own the photos I used in the cover. Credits to the rightful owner.] © All Rights Reserved 2016