Muli akong huminto sa pagpapatakbo ng sakay kong kabayo nang sabayan na naman ako ni Russell.
Nanlaki na ang mga mata ko nang gayahin na naman niya ako. Dahil sa inis ko ay pinatakbo ko ng mabilis ang kabayo ko. Ang akala ko ay hindi na niya ako sasabayan ngunit muli niyang sinubukan na sabayan ako.
"Anong problema mo?" inis kong tanong sa kanya at binagalan ang pagpapatakbo na ginaya na naman niya.
Sinasadya ba niyang inisin ako?
Napakunot ako ng noo nang hindi siya sumagot. Binaling ko ang tingin ko sa kanya at muntik na akong mawalan ng balanse nang makita ang malawak niyang ngiti.
Inaasar nga niya ako!
May nakain ba siyang masama kanina kaya nagkakaganito siya?
Kanina pa siya ngumingiti at tumatawa nalang ng bigla simula nang kumain kami sa kainang yon. Sunod-sunod din niya ako binigyan ng tanong tungkol sa pag-iwas ko sa kanya na hindi ko sinagot lahat at imbes na mainis siya saakin dahil hindi ako kumikibo ay pinagtawanan lang niya ako na para bang may nalalaman siya. Wait--
Binaling ko muli ang tingin ko sa kanya at hindi parin nawawala ang ngiti niya sa labi.
Hindi kaya..
Alam na niya ang dahilan kung bakit iniiwasan ko siya?!
Ngunit, hindi mangyayari yon. Sina Mae at Angie lang ang sinabihan ko at nangako silang hindi nila ito ipagsasabi sa iba kaya malabong sinabi nila kay Russell ang tungkol dito. Alam nila ang mangyayari kapag hindi nila tinupad ang pangako nila kaya sigurado akong may ibang dahilan si Russell kaya siya nagkakaganito.
Baka naman ay may nakain talaga siyang masama?
Hinayaan ko na siya sa pagsabay saakin.
'Wag ka ng umiwas saakin ulit.'
Bigla kong naalala ang sinabi niya saakin kanina. Hindi agad ako nakapagsalita sa binitawan niya. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya kaya iniba ko ang usapan ngunit hindi siya nadala. Mas lalo niyang diniin ang tungkol sa pag-iwas ko sa kanya dahilan kung bakit hindi na ako nakapagsalita. Marami siyang tinanong saakin na hindi ko sinagot. Muntik ko ng maisuka ang kinain ko dahil sa pressure na naramdaman ko sa oras na yon. Buti nalang ay tumigil na siya.
Ang hindi ko maintindihan ay habang kinakausap niya ako tungkol dito ay wala akong nakitang bakas na galit sa kanya kahit na parang siya lang ang nagsasalita saamin dahil hindi nga ako sumasagot.
"We're here."
Tumigil kami sa harapan ng isang gubat na malapit ng matuyo. Agad akong bumaba sa kabayo at mabilis na pumasok sa mga punong kunti nalang ang natirang mga dahon sa kanila.
Napatakip ako sa bibig nang makitang halos patay na ang mga puno at halaman dahil sa katuyutan.
Nagtuluan ang mga luha ko nang makita ang mga hayop na walang mga lakas habang nakahilata sila.
"Dyosa! Nandito kana din!" nabaling ang tingin ko sa ibon na siyang nagsabi saakin tungkol sa nangyayari sa gubat na 'to.
"Ilang araw na bang hindi umuulan dito?" tanong ko sa kanya at pinunasan ang mga luha ko.
"Mag t-tatlong buwan palang Dyosa at hindi ang tag-init ang dahilan kung bakit natuyo ang gubat na 'to." sagot niya saakin.
Umupo ako at hinawakan ang mga natirang dahon. Tulad ng inaasahan ko ay naglaho ang mga ito kaya napakayukom ako ng mga kamao.
Hindi nga ang tag-init ang dahilan kung bakit natuyo ang gubat. Nanghina ang mahikang pumuprotekta sa gubat na 'to.
Ilang beses ng naulit ang pangyayari ito sa gubat ng mga Austin. At hanggang ngayon ay hindi parin nila alam ang dahilan kung bakit nanghihina ang mahikang nakapalibot sa mga gubat ng Jaysies.
BINABASA MO ANG
Dragon's World : The White Princess (COMPLETED)
FantasiaBook 1 of Dragon's World. [I do not own the photos I used in the cover. Credits to the rightful owner.] © All Rights Reserved 2016