Bumungad sa akin ang nagraramihang mga tao at mga gusali.
Dumating na rin ako!
"Tabii! Tumabi ka bata!"
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang isang karwahe na papunta sa direksyon ko. Sobrang lapit na nito sa akin kaya hindi agad ako nakakilos.
"TUMABI KA!"
Naramdaman ko na lang ang dalawang kamay na humawak sa akin at hinila ako palayo sa karwaheng dadaan sa banda ko.
"Ano ba bata! Gusto mo bang ipahamak ako?!" malakas na sabi sa akin ng nagpapatakbo sa karwahe.
Yumuko ako at humingi ng tawad sa kanya.
"Patawad. Hindi na po mauulit."
"Tsk. Kabataan nga naman. Sige, mag-iingat ka sa susunod."
Napahinga ako ng maluwag nang umalis na siya. Binaling ko ang tingin ko sa gilid ko.
"Salama—" napatigil ako sa sasabihin dahil wala na sa tabi ko ang tumulong sa akin.
Umalis ba siya?
Nilibot ko ang tingin ko sa mga tao. Hindi ko nakita ang hitsura niya kaya hindi ko alam kung paano ko siya hahanapin sa dami ng mga tao.
Napakibit-balikat nalang ako.
Weird..
Bakit parang pamilyar siya?
BINABASA MO ANG
Dragon's World : The White Princess (COMPLETED)
FantasyBook 1 of Dragon's World. [I do not own the photos I used in the cover. Credits to the rightful owner.] © All Rights Reserved 2016