Parehong nakatanaw sina Jana at Russell sa ibabang lugar ng Austin habang isa-isa ng nagkakaroon ng mga ilaw dahil malapit ng sumapit ang dilim.
"Ayos ka lang ba talaga?" muling tanong sa ni Russell at inayos ang ilang hibla ng buhok ni Jana na tumatakip sa mukha niya.
Tumango si Jana sa kanya at ngumiti ng tipid.
Hindi siya pinaniwalaan ni Russell kaya nagpakawala siya ng buntong hininga at pinatong niya ang ulo ni Jana sa kanyang balikat.
"Nanaginip ako.."
Hindi kumibo si Russell at hinintay niyang ituloy ni Jana ang sasabihin niya.
"Wala akong mantandaan kaya hindi ko alam kung bakit nagising nalang ako na mabigat na ang nararamdaman ko." tuloy niya habang pilit na inaalala ang napanaginipan niya.
"Pero sigurado ako na wala namang nangyaring masama sa panaginip ko. Ako lang 'tong biglang nakaramdam ng kalungkutan." Tinaas niya ang kanang kamay niya at ginalaw ang mga daliri niya.
Tahimik naman siyang pinagmasdan ni Russell habang patuloy niyang hinahaplos ang buhok niya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya para umayos ang pakiramdam ni Jana. Hindi siya sanay sa ganitong sitwasyon.
"Russell?"
"Hmm?"
"Russell.."
"Yes, I'm here."
Napangiti ng malawak si Jana dahil sa sinabi ni Russell. "Russell."
Hinarap siya ni Russell sa kanya at hinawakan siya nito sa kanyang magkabilang balikat.
"May problema ba?" alalang tanong ni Russell.
Umiling si Jana sa kanya habang nakangiti parin. Inalis niya ang kanang kamay ni Russell na nakahawak sa kanyang balikat pagkatapos ay pinaglaruan niya ang palad niya.
"Bumalik na ba ang kapangyarihan mo?" tanong niya nang makita ang maliit na sugat sa palad ni Russell.
Pumikit siya ng mga mata at ginamit niya ang kapangyarihan niya para gamutin niya ang sugat niya.
"What do you think?" balik na tanong sa kanya ni Russell at hinuli ang kamay ni Jana na nakahawak sa kanya.
Dahil sa ginawa niya at napamulat ng mga mata si Jana at mabilis na pinalo si Russell. "Hindi pa ako tapos." nakasimangot na sabi niya.
Ngumiti si Russell at gamit ang kaliwang kamay niya ay ginulo niya ang buhok ni Jana. Lalo namang sumimangot si Jana at inayos ang buhok niya.
"Palagi mo nalang ginugulo ang buhok ko. Alam mo namang hindi ako mahilig magtali ng buhok." reklamo niya at sinuklay niya ang buhok niya gamit ang mga daliri niya.
Tinulungan naman siya ni Russell sa pag-ayos ng buhok niya. "You're pretty.."
Napatigil si Jana sa ginagawa at tiningnan ng diretso si Russell na abala sa buhok niya.
"Ibig mo bang sabihin ay maganda ako kahit na magulo ang buhok ko? Bakit ba ang tipid mo magsalita?" kunot-noong tanong niya.
Natawa naman si Russell sa tanong niya. Nang maayos na ang buhok niya ay tumigil na siya at kinurot ang magkabilang pisngi ni Jana.
"A-anong ginagawa mo?" kunot-noo paring tanong ni Jana at hinawakan ang palapulsuhan ni Russell.
Hindi siya sinagot ni Russell at mas lalo niyang kinurot ang pisngi niya kaya napadaing na siya.
"P-pinanggigilan mo ba ak—" sabay silang natigilan nang maramdaman nila ang isang presensya na nakatingin sa banda na.
Tumayo sila at tinago ni Russell si Jana sa kanyang likuran nang maramdaman na may masamang balak ang taong ito.
Agad silang umilag nang patamaan niya sila.
Hinawakan ng mahigpit ni Russell si Jana at nagtago sila sa mga punuan nang magpatuloy sa pagtama ang kalaban.
"Dito ka lang." mahinang sabi niya at napailing ng sunod-sunod si Jana sa kanya.
"No. Tutulong ako."
Bumuntong hininga si Russell at tinitigan siya. Nang mapansin niya na hindi siya nito susundin ay hinayaan niya siya.
"Tawagin mo si Leon." utos niya at agad namang tinawag ni Jana si Leon.
Lumipat sila sa kabilang puno nang umabot na sa banda nila ang kapangyarihang pinapatama sa kanila ng kalaban.
"Dito ka lang muna habang hindi pa dumadating si Leon. Lilituhin ko lang siya." seryosong sabi ni Russell at hindi na umangal sa kanya si Jana.
Agad na lumipat ng direksyon si Russell habang tumatakbo siya. Napansin niyang sinundan siya ng taong ito kaya tumigil na siya at hinarap siya.
Pinagmasdan niya ang kasuotan ng kalaban. Nakasuot ito ng pantakip sa ibabang mukha kaya ang mga mata lang niya ang nakikita.
"Anong ginagawa dito ng isang Slim?" malamig na tanong niya at napakuyom siya ng mga kamao.
Hindi siya sinagot ng kalaban at humakbang palapit kay Russell. Bago siya tuluyang nakalapit ay agad na may humarang na leon sa kanya at pinatamaan siya nito ng kanyang kapangyarihan.
Doon nila napansin na nakalapit na sa kanila si Jana habang hinahabol niya ang hininga niya dahil sa layo ng tinakbo niya.
Nagsimula ng maglaban ang leon at ang taong ito. Masyadong mabilis ang galaw ng kalaban kaya naiiwasan niya ang pinapatama ng leon, samantalang ang leon naman ay hindi niya naiwasan ang ilang patama nito.
"Leon!" malakas na tawag ni Jana kay Leon nang tumalipon siya sa malaking bato.
Tumakbo siya palapit sa kanya kaya nakuha niya ang atensyon ng kalaban.
"Aljana!"
Kinontrol agad ni Russell ang punong malapit sa banda nina Jana pagkatapos ay ginamit niya itong harang sa kapangyarihang pinatama ng kalaban sa kanila.
Nabigla si Jana sa nasilayan at parehong nilang pinanood ng leon si Russell na nakipagpalitan na ng kapangyarihan sa kalaban.
"H-hindi lang apoy ang kapangyarihan niya, Dyosa.." nahihirapang sabi ni Leon at pinilit na bumangon sa pagkakatilapon.
Natauhan naman si Jana at ginamot na niya ang sugat na natamo ng leon.
"Salamat, Dyosa.."
Agad na tinulungan ng leon si Russell nang umayos na ang pakiramdam niya. Sabay na nilang nilalabanan ang kalaban.
"Dyosa!"
Nabaling ang tingin ni Jana sa bagong dating at napangiti siya nang makita ang lobo. Lumapit siya sa kanya at tulad ng leon ay gumawa siya ng koneksyon nilang dalawa.
"Pumasok ka saakin." utos niya na sinunod ng lobo.
Nang mabuo na ang koneksyon nila ay tinulungan nila sina Russell.
Dahil sa pagsali ni Jana sa kanila ay umatras ang kalaban pagkatapos ay tumakbo siya palayo.
"Tumakas siya!"
Agad naman nila siyang hinabol. Sobrang bilis ng takbo ng kalaban kaya hindi nila siya maabutan.
"Shit!"
Napatigil sila sa paghabol nang biglang pumasok ang kalaban sa isang portal pagkatapos ay naglaho ito.
Napahawak sa mga tuhod si Jana at hinabol niya ang hininga niya. Ganon din ang ginawa ni Russell.
"Bumalik na kayo sa paaralan. Kami na ang bahalang magbantay dito." sabi sa kanila ng leon.
Lumabas din ang lobo kay Jana kaya pinutol na niya ang koneksyon nila sa kanilang dalawa.
"S-sige. S-salamat ulit Leon, Wofy.."

BINABASA MO ANG
Dragon's World : The White Princess (COMPLETED)
FantasíaBook 1 of Dragon's World. [I do not own the photos I used in the cover. Credits to the rightful owner.] © All Rights Reserved 2016