Chapter 56

29.4K 813 39
                                    

Napatigil sila sa paglalakad nang harangan sila ng dalawang knight.

Yumukod sila sa kanila pagkatapos ay binati sila.

"Anong kailangan niyo?" seryosong tanong sa kanila ni Lexie.

"Pinadala po kaming maghahatid sa inyo papunta sa kinaroroonan ng punong guro."

Nagkatinginan silang lahat dahil sa sinagot ng isa sa mga knight.

"Bakit kailangan niyo pa kaming ihatid? Wala ba siya sa opisina niya?"

"Opo."

Hindi na sila nagtanong at sumama sa dalawang knight.

Natigilan sila nang lumabas sila sa likuran ng gate ng paaralan pagkatapos ay pumasok sila sa gubat kaya nagsimula na silang maghinala sa dalawa.

"Saan niyo kami dadal-" napatigil sa sasabihin si Ben nang maramdaman niya ang pamilyar na presensya pagkatapos ay natanaw niya sa hindi kalayuan ang punong guro at ang Hari.

"Your highness!"

Tumango ang Hari at pumunta siya sa harapan nila. "Nandito na din kayo."

"Opo"

"Alam niyo ba kung bakit ko kayo pinatawag?" tanong niya at isa-isa niya silang tiningnan.

"Bibigyan niyo na kami ng misyon?" hula ni Lexie.

Ngumiti ang Hari sa kanya sabay napakamot sa kanyang baba. "Mali pero parang ganon na din."

Naguluhan naman sila sa sinagot ng Hari.

"Hindi na ninyo kailangang hanapin ang puting prinsesa at ang puting dragon." simula ng Hari kaya mas lalo silang naguluhan.

"Anong ibig niyong sabihin, mahal na Hari?" tanong ni Drek.

Nilingon ng Hari ang punong guro at tinanguan siya kaya pumunta sa likuran ng mga puno ang punong guro pagkatapos ay may tinawag siya doon.

Nakatingin silang lahat sa kanya habang nakakunot ang kanilang mga noo at nagulat sila nang biglang lumabas ang isang dalaga sa likuran ng isang puno.

Nakasuot siya ng puting damit habang nakalugay ang mahaba niyang itim na buhok. Lalo nila siyang napagmasdan nang makalapit siya sa kanila.

Kapansin-pansin ang mahahaba niyang mga pilikmata. May malarosas siyang labi, matangos na ilong at napakaamo ng kanyang mukha.

"Sino siya mahal na Hari?" tanong ni Joy.

Muling ngumiti ang Hari at hinawakan niya sa kamay ang dalaga. "My daughter."

Agad na nanlaki ang mga mata nina Ben at Lexie sabay tinuro ang dalaga na pinakilalang anak ng Hari, ng ama nila.

"May anak ka sa labas, Ama?!" gulat na tanong ni Ben at nagpabalik-balik ang tingin niya sa Hari at sa dalaga.

"Alam ba 'to ni Ina?" tanong naman ni Lexie at seryosong tiningnan ang dalaga. Kung hindi siya nagkakamali ay matanda ng ilang taon ang dalagang ito kaysa sa kanya.

Nakatingin lang sa kanila ang iba at tahimik na nakikinig.

Bigla namang tumawa ng malakas ang Hari sa reaksyon ng kanyang mga anak. Napahawak pa siya sa kanyang bandang tyan dahil sa lakas ng tawa niya.

Natigilan naman sina Lexie at Ben. Hindi nila alam kung tatawa ba sila o ano.

Tumigil na sa pagtawa ang Hari at umubo siya ng tatlong beses pagkatapos ay tumayo siya ng maayos.

"Siya ang Ate niyo Lexie, Ben. Ang puting prinsesa."

Napasinghap silang lahat sa sinabi ng Hari at muli nilang binalik ang tingin sa dalaga na nahihiyang nakatingin sa ibaba.

"S-Si Ate?"

"Siya?"

"Puting Prinsesa?"

"Nahanap na ninyo siya?"

Sunod-sunod na mga tanong nila habang hindi makapaniwala..

"Oo, siya nga. Si Catherine Austin, the white  Princess."

Inangat ng dalaga ang tingin niya sa kanila at ngumiti siya ng tipid pagkatapos ay yumukod siya. "Alam kong nagulat kayo sa biglang pagdating ko. Matagal ko ng alam na hinahanap niyo ako kaya naisipan kong magpakita na. Pasensya na kung ngayon lamang ako dumating, naghanda pa kasi ako para makalabas sa pinagtaguan saakin ng puting dragon." sabi niya.

"I-ikaw ba talaga ang kapatid namin?" naluluhang tanong ni Lexie at dahan-dahan na humakbang palapit sa puting prinsesa.

Ngumiti sa kanya ang puting prinsesa at tumango. "Ako nga."

Dahil sa sinabi niya ay binilisan ni Lexie ang paglalakad niya at nang makalapit siya ay niyakap niya siya kaagad.

"D-dumating ka na din.."

Hinagod ng puting prinsesa ang likod ni Lexie habang nakayakap parin siya sa kanya. "Long time no see, little sister." mahinang sabi niya.

"A-ate.."

Napakalawak ang ngiti ng Hari habang pinapanood niya ang dalawang prinsesa niya. Nabaling ang tingin niya sa anak niyang lalaki na hindi gumalaw sa pwesto niya. Naintindihan niya ito kung bakit hindi siya lumapit sa mga ate niya. Lalaki siya kaya normal lang na makaramdam siya ng hiya.

"Masaya kaming makita ka puting Prinsesa."

Isa-isang binati nina Mae at ng iba ang Puting Prinsesa habang may ngiti sa kanilang mga mukha.

"Nasaan nga pala ang puting dragon?" biglang tanong ni Angie.

"Kasalukuyan siyang nagpapahinga sa Dragon Palace. Kung gusto niyo siyang makita ay pwede niyo siyang dalawin." nakangiting sagot ng Puting Prinsesa.

"P-pwede ko ba siyang makita ngayon?"

Natuon ang tingin nilang lahat kay Jana nang magtanong siya.

Iba't ibang emosyon ang makikita sa kanyang mga mata na halatang nae-excite siya na makita ang puting dragon.

Umiwas ng tingin sa kanya ang puting prinsesa pagkatapos ay napahawak siya sa kanyang kanang braso. "S-sure.."

Dragon's World : The White Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon