Chapter 46

34.9K 1.1K 100
                                    


"Nandito na sila!" malakas na sabi ni Mae nang matanaw sina Russell at Jana sa labas.

"Magkahawak ba ng kamay?" mahinang tanong ni Lexie sa kanya.

Sunod-sunod na tumango si Mae pagkatapos ay uminom siya ng tubig. "Mukhang sila na.."

Naibuga ni Mae ang iniinom niya nang mabaling ang tingin niya kay Drek na tamad na nakatitig sa kanya habang nakasandal ang baba niya sa kanyang palad. "Bakit ganyan ka makatingin?"

Bumuntong hininga si Drek. Umupo siya ng maayos at may kinuha siyang papel sa kanyang bulsa pagkatapos ay binasa ang laman nito.

"O, aking sinisinta. Matagal na kitang iniibig. Ako'y—"  "STOP!"

Napatigil siya sa pagbabasa nang sabay-sabay siyang sinigawan ng mga babae.

"Bakit nasayo yan? Binigay namin yan kay Russell!" galit na tanong sa kanya ni Mae at mabilis na inagaw ang hawak niyang papel.

Muling bumuntong hininga si Drek at sumandal sa kanyang upuan.

"Anong akala niyo? Sasabihin ni Russell yan? Baka nga ay una pa niyang paaminin si Jana bago siya." walang ganang sabi niya at binaling ang tingin kay Eross na abalang sinusubuan si Angie ng pagkain.

Nanlaki naman ang mga mata ni Mae nang makita ang ginagawa ng dalawa. Napatakip ng bibig si Lexie dahil sa gulat. Dahil sa reaksyon nila ay sinundan ni Joy ang tinitingnan nila at tulad ng dalawa ay nabigla siya.

"K-kayo na?" hindi makapaniwalang tanong ni Lexie kina Angie at Eross na abala parin sa pagkain.

Nabitawan ni Angie ang kutsara niya at nabulunan siya kaya agad siyang inabotan ni Eross ng tubig.

"Kayo nga.." mahinang sabi nila.

Namula ang magkabilang pisngi ni Angie at binaling ang tingin niya sa bintanang nasa gilid niya.

Si Eross naman ang napaubo nang ibaling ng tatlong babae ang tingin nila sa kanya.
Napasuklay siya sa kanyang buhok at tiningnan si Angie na nakatingin parin sa bintana habang hindi gumagalaw.

"Yeah." tipid na sabi niya at hinuli ang kamay ni Angie kaya napatingin ito sa kanya.

Gumuhit ang ngiti ni Eross nang makitang pulang pula na ang magkabilang pisngi ni Angie. Kinuha niya ang sumbrero niya at sinuot ito kay Angie. "It's okay.." mahinang sabi niya at hinawakan ng mahigpit ang kamay niya.

"Kailan kayo naging? May ligawan bang nangyari? Bakit hindi namin napansin na may namamagitan sa inyo? Tinago niyo ba? Ano? Bakit ayaw niyong sumagot? Bakit niyo tinago? Ano na?" sunod-sunod na mga tanong ni Mae.

Napailing naman si Drek sa kanya at napacross ng mga braso. "Isa-isa lang Mae. Wag kang mag rap." sabi niya at natigilan siya nang ibaling sa kanya ni Mae ang tingin niya habang nanlilinsik ang mga mata niya na parang isang tigre.

"Tumahimik ka! Hindi ikaw ang tinatanong ko!"

"Hayss. 'Wag na natin sila tanungin Mae. Mukhang wala naman silang balak na itago saatin dahil kitang kita natin kanina kung paano sila nagsubuan." sabi ni Joy na kanina pa nananahimik.

"Wala nga silang balak na itago saatin pero mukhang wala din silang balak na sabihin saatin."

"Nag-yeah na si Eross kanina." pagtatama ni Ben sa kanya na katulad ni Joy na kanina pa tahimik.

Sinamaan siya ng tingin ni Lexie dahilan kung bakit napalunok siya ng laway at binaling ang tingin kay Joy na nasa tapat niya.

"Joy, kailan mo ba ako sasagutin? Sampung taon na kitang nililigawan. Naunahan na tayo nina Angie at Eross, sumama pa sina Russell at Jana. Hindi ka ba natatakot na maghanap ako ng iba?" nakasimangot na sabi niya at nakatanggap naman siya ng masamang tingin galing kay Joy.

"Maghanap ka kung gusto mo." malamig na sagot ni Joy kaya lumukot ang mukha ni Ben pagkatapos ay hinawakan niya ang bandang dibdib niya na para bang nasaktan sa binitawan niya.

"Ang sama mo talaga. Pero sige. Hindi ako maghahanap ng iba. Hindi kita ipagpapalit kahit kanino. Kahit umabot pa ng ilang taon ang panliligaw ko sayo ay hindi ako susuko. Hihintayin kita, pumuti man ang buhok ko. Lumamig man ang katawan ko." nakangiting sabi niya at sabay-sabay na napaubo ang mga kaibigan nila pagkatapos ay agad na lumanding ang kamay ni Lexie sa kanya.

"Tumahimik ka nalang Ben."

"Tss. Saan na ba ang dalawa? Bakit parang ang tagal nila?" nakasimangot na tanong niya at binaling ang tingin niya sa pintuan ng kainan.

"Sigurado ka bang sila ang nakita mo Mae? Sampung minuto na ang nakalipas pero wala parin sila."

Napakunot naman ng noo si Mae at tumayo siya para tingnan ang dalawa sa labas pero agad din siyang bumalik sa pagkakaupo nang makita sina Russell at Jana na nakaupo sa dulo.

"Kailan kayo dumating?!" gulat na tanong nilang lahat pagkatapos ay nabaling ang tingin nila sa taong nakaupo sa tapat ng dalawa.

"Nandito ka din Zen?!"

Binigyan lang sila ng sulyap ni Zen pagkatapos ay binalik ang tingin sa plato niya.

"Kanina pa kami nandito. Wala ba kayong balak na kumain?" seryosong tanong sa kanila ni Russell na abalang nilalagyan ng cabbage ang plato ni Jana.

"K-kumain na tayo.."

Dragon's World : The White Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon