Chapter 31

21.3K 694 4
                                    

Aljana's POV

Tahimik kaming nakikinig sa guro habang nag papapaliwanag siya sa harapan.

Tungkol sa kalikasan ng Jaysies ang kanyang dinidiscuss. Binanggit niya ang pangalan ng mga nilalang na nagbabantay sa mga gubat at dagat dito sa Jaysies. Kahit alam ko na ang tungkol dito ay nakinig parin ako at napagtanto ko na kunti lang ang nalalaman nila tungkol sa mga bantay ng kalikasan namin. May mahahalagang bagay silang hindi alam tungkol sa mga bantay na alam ko. Tulad nalang ng existence ni White na hindi nabanggit ng guro.

Sabagay, nakatago lang si White kaya walang nakakakilala sa kanya. Nagkataon lang na naligaw ako sa gubat na yon kaya nakilala ko siya at dahil na din sa kapangyarihang meron ako.

Napahikab ako nang marinig na naman ang tunog ng piano. Nakakaantok ang tuno ng musika dahilan kung bakit halos lahat kaming nasa loob ng klase ay humihikab. Pati ang guro namin ay inaantok na din.

Ilang beses na nilang sinubukan na hulihin ang taong nagpapatunog ng piano sa katapat naming music room ngunit wala silang naabutan na tao sa loob. Kusang tumitigil ang tunog ng piano sa tuwing may pumupunta sa room na yon.

Isang buwan ng nangyayari ito sa paaralan pero hanggang ngayon ay hindi parin nila nahuhuli ang taong gumagawa nito. May mga narinig din akong usapan na baka ay hindi tao ang naglalaro sa piano kundi isang multo dahil walang bakas ng tao ang naiiwan sa room na yon sa tuwing pinupuntahan ito ng mga guro.

"Sa tingin niyo, tao ba ang nagpapatunog ng piano?" tanong saamin ni Ben nang magpaalam ang guro namin na lalabas muna siya sandali. Halatang sa music room ang punta niya dahil napatigil siya sa pagd-discuss sa lakas ng tunog ng piano.

"Yeah." tipid na sagot ni Joy habang nakatingin siya sa kanyang mga kuko.

"Malabong multo ang nagpapatunog. Ramdam natin na may kakaiba sa tuno ng pinapatugtog nito na siyang dahilan kung bakit inaantok ang mga nakakarinig nito na para bang ginamitan ito ng mahika. Kaya tao ang nasa likuran nito." seryosong sabi naman ni Ate Lexie na sinang-ayunan ng iba.

Sang-ayon din ako kay Ate na ginamitan ito ng mahika dahil dalang dala kami nito pero hindi ako sigurado kung tao ang nasa likuran nito dahil hindi lang tao ang nakakagamit ng kapangyarihan.

"Gusto niyong sumama? Bukas ng gabi, ganitong oras ay pumunta tayo dito para alamin kung sino ang naglalaro sa piano." nakangiting yaya ni Ben dahilan kung bakit nagkatinginan kami ng iba.

"Walang pasok bukas, Ben. Hindi yan tutunog." sabi sa kanya ni Mae na kinakamot niya sa ulo.

"Well, hindi naman tayo sigurado kung tuwing may klase lang tumutunog ang piano. Hindi naman kasi naririnig sa dorm natin kaya walang masama kung susubukan natin. Try lang naman." kumbensi saamin ni Ben.

Muli kaming nagkatingin ng iba at napatango kami sa isa't isa.

"Sige. Bukas. Magkita-kita nalang tayo sa labas ng canteen."

+++

Pagsapit ng gabi ay agad kaming lumabas nina Mae at Angie sa dorm namin at pumunta sa canteen.

Maraming ng mga estudyante ang nasa labas dahil oras ngayon ng kainan kaya ayos lang na maglibot kami ngayon sa paaralan.

"Sis! Mae! Angie!" tawag saamin nina Ate Lexie at Joy nang dumating na kami sa canteen. "Saan ang iba?"

"Nasa loob. Kain muna tayo."

Pumasok na kami sa loob ng canteen para kumain ng gabihan. Naabutan namin ang iba na naghihintay saamin habang may mga pagkain na sa lamesang pinili nila.

Umupo na kami sa mga bakanteng upuan pagkatapos ay nilibot ko ang tingin sa kanila at napansin kong wala sina Russell at Zen.

Nabaling ang tingin ko sa mga lalaki na tahimik ng kumakain.

"Saan ang dalawa, Drek?" tanong ni Joy kay Drek pero saakin siya nakatingin dahilan kung bakit napayuko ako at sinubo ang pagkaing nasa hawak kong kutsura.

Mukhang napansin niyang hinahanap ko ang dalawa kaya siya na ang nagtanong para saakin dahil alam niyang hindi ko kayang magtanong sa kanila.

"Ayaw nilang sumama. Alam niyo na sila," naiiling na sagot ni Drek pagkatapos ay sunod-sunod niyang sinubo ang pagkain niya.

"Tanungin mo ako, Joy!" biglang singit ni Ben kaya nabaling ang tingin namin sa kanya.

"Ano naman ang itatanong ko sayo?" kunot-noong tanong ni Joy sa kanya at binaba niya ang hawak niyang kutsara at tinidor.

"Tumigil ka nga Ben. Kung ano-ano na ang lumalabas na mga salita sayo," naiiling na saway sa kanya ni Ate Lexie pagkatapos ay binatukan niya si Ben.

Napangiti naman ako habang pinapanood sila.

Ano kaya sa feeling na may kapatid?

Third Person's POV

Dahan-dahan silang humahakbang palapit sa music room nang marinig nilang nagsimula nang tumunog ang piano.

"Sshh..'wag kayong maingay." mahinang saway sa kanila ni Ben na nauuna sa kanila sa paglakad.

"Hindi kami maingay, Ben. Ikaw lang ang nagsasalita." masungit na sabi sa kanya ni Joy at pinandilatan naman siya ni Ben dahil sa lakas ng boses niya.

Habang patuloy silang humahakbang palapit sa pinanggalingan ng tunog ay lalong hindi mapakali si Jana.

Tahimik niyang pinapakiramdaman ang isang pamilyar na presensya hanggang sa biglang tumigil sa pagtunog ang piano at kasabay nito ang paglayo ng nararamdaman niyang presensya.

"Hala. Tumigil,"

"Mukhang naramdaman niya tayo."

"Oo nga, yan kasi ang ingay mo Ben."

Tahimik na lumayo si Jana sa mga kaibigan niyang nag-uusap at pumunta sa likuran ng gusali para sundan ang presensyang nararamdaman niya.

Pagdating sa likuran ay naabutan niya ang isang lalaki na nakasuot ng uniform nila habang nakapamulsa.

"Who are you?" tanong niya sa lalaki at hinarangan niya ito para hindi makatakas.

Nabigla naman sa kanya ang lalaki at napaatras palayo kay Jana. "A-anong ginagawa mo dito?" kabang tanong niya kay Jana.

"You're not a human." seryosong sabi ni Jana habang nakatingin ng diretso sa lalaki.

Napaiwas naman ng tingin ang lalaki pagkatapos ay inayos niya ang suot niyang necktie.

"A-Anong hindi ako tao? Nababaliw ka ba?!" malakas na mga tanong niya at tinago niya sa kanyang likuran ang mga kamay niyang nanginginig.

"'Wag ka ng magpanggap. Hindi mo maitatago saakin ang kapangyarihang meron ka. Kabisado ko ang mga katulad mo." seryosong sabi sa kanya ni Jana at naglakad siya palapit sa lalaki.

"Isa kang bantay sa lugar na 'yon.."

Dragon's World : The White Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon