Chapter 80

25.5K 606 59
                                    

"Mag t-time travel ako sa sunod kong buhay?" gulat na tanong ko kay White.

"Yes, kailangan mong pumunta sa sunod mong buhay para makuha ang kapangyarihan mo. Hanapin mo kung saan nakatago ang puting mahika." seryosong sabi niya.

Tulad ng sabi niya ay ang tanging paraan lang para mawala ang black magic na nasa akin at para magising na sina papa ay ang kunin ang puting mahika sa sunod kong buhay. Ibig sabihin ay magt-time travel ako papunta don. Ngunit, wala pa akong narinig na taong nakapag time travel na. Wala kaming ganitong kapangyarihan.

"Paano ako pupunta don? Anong gagamitin ko?" tanong ko.

"Kaya kang dalhin ni Black sa sunod mong buhay." sagot ni White dahilan kung bakit napatingin kaming lahat kay Black na nakangisi sa akin ngayon.

"Seryoso?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Si Black? May ganito siyang kapangyarihan?

"Ang totoong kapangyarihan ni Black ay kaya niyang magtime travel sa past at future niya. And yes, kaya ka din niyang dalhin sa sunod mong buhay ngunit ikaw lang ang kaya niyang dalhin don. Ibig sabihin ay mag-isa kang pupunta sa 2nd life mo at ikaw lang ang maghahanap sa puting mahika natin."

Habang sinasabi ito ni White ay nakatingin lang ako kay Black habang nanlalaki ang mga mata ko.

Kaya pala, hindi niya saamin pinakita ang kapangyarihan niya sa tuwing kinukilit namin siyang ipakita ito dahil ito ang kapangyarihan niya.

May ganito pala talagang kapangyarihan.

Nakakahanga.

Parang gusto kong magkaroon ng ganitong kapangyarihan.

"Alam ko kung ano ang tumatakbo sa isipan mo." nabaling ang tingin ko kay Ken.

"Hah?"

"'Wag mong pangarapin na magkaroon ng ganitong kapangyarihan." sabi niya.

Tinaasan ko lang siya ng kilay. Yan din ang sinabi niya saamin noon ni Russell nung sabihin niya saamin ang kapangyarihan niya.

"Don't worry, hindi ko pangangarapin. Hihilingin ko lang." birong sabi ko na kinailing niya.

"Kailan ako dadalhin ni Black sa sunod kong buhay?" baling ko kay White.

"Ngayon."

Nagulat naman ako sa sinagot niya.

Ngayon na?

"Biro lang. Bukas pa. Kailangan pa namin sabihin sayo ang kailangan mong paghandaan sa pag-alis mo." bawi niya na kinahinga ko ng maluwag.

Akala ko ngayon na pero nakakagulat parin na bukas ako aalis. Naiintindihan ko naman sila kung bakit nagmamadali sila. Kailangan naming pigilan na hindi magising ang black magic na meron ako at kailangan na ding magising nina Papa.

~

"'Wag kang magugulat kapag nandon ka na. Malaki ang pagkakaiba nito sa kasalukuyan mong buhay ngayon." sabi ni White sa akin.

Ngumiti ako at tumango.

"Lagi kang mag-iingat, anak. Alagaan mo ang sarili mo." nag-aalalang sabi naman sa akin ni Inay.

Muli akong tumango.

"Kapag nakita mo ang sarili ko don, pahingi ng remembrance sa kanya ah?" sabi pa niya na kinatawa ko.

Posibleng makita ko nga si Inay sa sunod kong buhay dahil lahat ng mga nilalang sa buhay ko ngayon ay kasama kong isisilang sa sunod kong buhay at ganon din sa pangatlong buhay ko. Kaya makikita ko sila don maliban lang sa sarili ko.

"Jana, kapag nakita mo din siya ay ibigay mo 'to sa kanya."

Inabot sa akin ni Ken ang isang pulseras.

"Sino?" takang tanong ko na kinangiti niya.

"Basta. Makikilala mo din siya." sagot lang niya.

Kahit na nagtataka ako ay kinuha ko parin ito. Baka ang sarili din niya ang tinutukoy niya.

Binaling ko ang tingin ko kay Russell na kanina pa tahimik. Hindi parin ba niya ako kakausapin?

Kahapon pa niya ako hindi kinakausap nung malaman niyang aalis ako. Gusto niyang sumama sa akin pero hindi pwede dahil isa lang ang pwedeng mag time travel.

"Russell. Kausapin mo na ako. Aalis na ako ngayon, hindi mo ba ako mamimiss?" tampong sabi ko.

Nakita kong umawang ang labi niya pero walang boses na lumabas sa kanya.

Ngumiti ako sa kanya at lumapit.

Nabigla naman siya sa paglapit ko. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at mabilis siyang hinalikan sa labi.

"Babalik din ako.." nakangiting sabi ko.

Inalis niya ang kamay kong nakahawak sa pisngi niya pagkatapos ay umiwas siya ng tingin sa akin.

Nagtatampo parin?

"Russell naman. 'Wag mo akong pahirapan.  Alam mo naman kung bakit kailangan kong gawin 'to." tampong sabi ko parin sa kanya at hinawakan siya sa braso niya.

"Hindi mo ba talaga ako mamimiss?"

Hinuli ko ang tingin niya at nagtagumpay naman ako.

Kinurap ko ng tatlong beses ang mga mata ko habang nakanguso. Para na akong bata sa ginagawa ko.

Nawala agad ang nguso ko at napalitan ng ngiti nang makitang bumuntong hininga siya.

"Babalik ka.." mahinang sabi niya at tiningnan na niya ako ng diretso.

Tumango ako. "Babalik ako."

At nabigla ako sa sunod niyang ginawa.

Mabilis niya akong hinalikan sa labi.

Napapikit ako ng mga mata nang lumalim ang mga halik niya. Tumugon na din ako sa kanya at pinalibot ang mga kamay ko sa leeg niya.

"Mag-iingat ka.." sabi niya.

"Opo.." magalang kong sagot na kinakurot niya sa ilong ko.

"*ahem* baka nakakalimutan niyong nandito pa kami."

Agad kong naramdaman ang pag-iinit ng mga pisngi ko at yumuko nang marinig ang sinabi ni Ken.

"Tara na Jana." sabi ni Black kaya napalingon ako sa kanya.

"Siya lang ang aalis, Black." pagtatama naman sa kanya ni Inay.

Binigyan ko ng ngiti si Russell bago ako lumapit kay Black. Hinawakan pa niya ako sa kamay pero binitawan din naman niya ako.

"Bye.."

———

Next Chapter : Epilogue

Dragon's World : The White Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon