Chapter 54

34.5K 894 26
                                    

"Ken?"

Napatigil sa paglakad si Ken nang tawagin siya ni Jana na nasa gilid ng pintuan.

Parehong nanlaki ang mga mata nila nang mabaling ang tingin ni Jana sa hawak niyang papel.

Agad na tinago ni Ken ang hawak niya sa kanyang likuran at sumandal sa pintuan.

Umubo siya ng dalawang ulit. "Anong ginagawa mo dito?" tanong niya.

Hindi sumagot si Jana at binasa niya ang pangalan ng room na pinanggalingan niya.

"Stock room?" kunot-noong tanong niya at binalik ang tingin kay Ken na napapakamot sa ulo.

"Oo, inutusan ako ng guro namin na ibalik dito ang hiniram naming gamit." sagot niya.

"Anong gamit?"

Biglang napalunok ng laway si Ken nang makita niya ang naghihinalang tingin sa kanya niya Jana.

Umalis siya pagkakasandal sa pintuan. "Dating mga utensils." sagot niya.

Tumango si Jana sa kanya at humakbang ng dalawang beses palapit sa kanya. Sinilip niya ang tinatagong papel ni Ken na mabilis naman nitong iniwas.

"B-bakit?"

Tiningnan siya ng seryoso ni Jana. "Bakit ayaw mong ipakita? May tinatago ka ba?" duda niya.

Dahil sa kaseryosohan niya ay sumeryoso din si Ken at hinarap siya ng maayos. "Pinaghihinalaan mo ba ako?"

Natigilan si Jana at biglang nakaramdam ng kaba dahil sa pag-iiba ng boses ni Ken. Napangisi naman si Ken at tulad ng ginawa ni Jana kanina ay humakbang siya ng dalawang beses palapit kay Jana kaya sobrang lapit na nila sa isa't isa.

Tumikhim si Jana at umatras palayo kay Ken ngunit bago pa siya tuluyang nakalayo ay agad na hinuli ni Ken ang kamay niya kaya mas lalong bumilis ang tibok ng puso ni Jana dahil sa kaba.

"A-anong kailangan mo?" tanong niya habang pilit na nilalabanan ang kaba niya.

"Wala akong tinatago." mahinang sabi niya at nilagay ang hawak niyang papel sa kamay ni Jana.

"Nakita ko lang yan sa stock room." tuloy niya.

Naguguluhan namang binasa ni Jana ang laman ng papel at nakita niyang isa itong page sa libro na pinunit.

"The legendary user." basa niya sa naka highlight na mga salita.

Medyo nawala ang kabang nararamdaman niya at binalik ang tingin kay Ken na nakatingin din sa papel.

"Kung itatanong mo kung bakit ko kinuha yan ay 'wag mo ng alamin." sabi niya kasabay ng pamumula ng mga tainga niya.

Biglang gumuhit ang ngiti ni Jana dahil sa ekspresyon na pinakita ni Ken. Binalik niya kay Ken ang papel pagkatapos ay tinapik niya ito sa kanyang balikat.

"Favorite story?" asar niya na kinaiwas ng tingin ni Ken at mas lalong namula ang mga tainga niya.

"A-anong favorite story? Sabing 'wag mo ng alamin. Basta nakita ko lang 'to at hindi ko din alam kung bakit ko kinuha. Ah! Shoo!" binitawan niya ang papel at umatras palayo dito.

Tumawa naman ng mahina si Jana sa ginawa niya kaya binalik ni Ken ang tingin niya sa kanya. "Mali yang iniisip mo." pagtatama niya sa tumatakbo ngayon sa isipan ni Jana.

"Okay, okay.." natatawang sabi niya at kinuha ang papel.

Tumikhim si Ken at umupo sa mahabang upuan na nasa gilid ng daanan. "Gusto mo bang makarinig ng facts tungkol sa kapangyarihan na yan?"

Muli ngumiti si Jana at nang-aasar niyang tiningnan si Ken. "Sabing mali ka ng iniisip!" inis na sabi ni Ken at pinagkrus niya ang mga braso niya.

Tumango lang si Jana at tumabi sa kanya. "Go. Sabihin mo na. Mukhang marami kang alam tungkol sa kapangyarihang yan." asar niya.

Sinamaan siya ng tingin ni Ken at inikot niya ang mga mata niya. "Tss. 'Wag ka ng magsalita kung gusto mong marinig." masungit na sabi niya na kinatango ni Jana.

"Alam mo ba na may sinilang na bata na kayang kumontrol ng apat na kapangyarihan tulad ni Haring Gabriel?" tanong niya at bago pa makasagot si Jana ay pinatigil niya ito. "Sabing 'wag kang magsalita."

Tiningnan lang siya ng masama ni Jana at ginaya niya siyang nakakrus ng mga braso.

"Yon nga, muling sinilang ang katulad ni Haring Gabriel na may apat na kapangyarihan. Ngunit kunti lang ang nakakaalam sa kapangyarihan niya dahil tinago siya ng kanyang mga magulang para ilayo siya sa gulo."

"Hindi kasi ganon kadaling magkaroon ng ganong kapangyarihan. Ang akala ng karamihan ay magiging madali ang buhay ng taong binigyan ng ganitong kapangyarihan. Hindi nila alam na may kapalit pala ito.." putol na sabi niya.

Binaling niya ang tingin kay Jana na ngayon ay marami ng katanungan ang pumapasok sa kanyang isipan pero hindi niya magawang ilabas dahil ayaw siyang pagsalitain ni Ken.

"Maraming nangangarap na magkaroon ng ganitong kapangyariyan at isa na dito ang puting prinsesa."

Nanlaki ang mga mata ni Jana sa sunod niyang sinabi at akmang magsasalita na siya nang unahan siya ni Ken.

"Maniwala ka man o hindi ay inagaw ng puting prinsesa ang kapangyarihan ng batang ito. At alam mo ba ang nangyari?" seryosong tanong niya.

"Mas lalong gumulo ang buhay ng batang 'yon sa ginawa ng puting prinsesa. Sinira niya ang buhay ng bata. Makasarili siya. Kahit alam na niya ang mangyayari sa batang 'yon ay tinuloy parin niya dahil sa kagustuhan na magkaroon siya ng ganitong kapangyarihan." nakangising tuloy niya.

"Ang pinakamalala ay hindi man lang naramdaman ng puting prinsesa ang pinagdaanan ng batang yon noong nasa kanya pa ang kapangyarihan niya.

Napaka unfair."

Dragon's World : The White Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon