Training (3 of 5)
A L J A N A ' S P O V
"Concentrate, Dyosa" dinig kong sabi saakin ni Leon.
Sinusubukan ko ngayon na ilabas ang kapangyarihan niya saakin ngunit hindi gumagana.
Tumigil ako sa ginagawa pagkatapos ay pinalabas ko sa sarili ko si Leon.
"Anong nangyari? Bakit hindi mo na kayang gamitin ang kapangyarihan ko?" takang tanong niya habang nakaharap siya saakin.
Kinagat ko ang kuko ko dahil sa kabang nararamdaman. Kinakabahan ako sa sitwasyon ko ngayon.
Kanina ko pa sinusubukan na gamitin ang mga kapangyarihan nila pero hindi ito gumagana. Ni hindi ko maramdaman ang presensya nila sa loob ko sa tuwing nagiging isa kami.
"Hindi ko din alam. Baka nawala na ang kapangyarihan ko?" takang tanong ko at umupo sa tabi ni Wofy na ngayon ay nakahiga sa malaking bato.
"Kung nawala nga ay hindi kami makakapasok sa iyong sarili," sabi ni Tiara saakin na nasa leeg ko na.
Bumuntong hininga ako at inabot ang balahibo ni Wofy. "Siguro kaya hindi ko malabas ang kapangyarihan niyo ay dahil sa matagal ko na itong hindi nagagamit." mahinang sabi ko habang patuloy na hinihimas ang balahibo ni Wofy.
"Ulitin pa natin," seryosong sabi ni Leon kaya tumayo ako sa pagkakaupo at tumango sa kanya.
"Sige!"
"Concentrate ka lang, Dyosa." mahinang sabi saakin ni Leon.
Tumango ako sa kanya at nagpakawala ng ngiti.
Hinawakan ko na ang kanang kamay niya sabay pumikit ng mga mata. Naramdaman kong pumasok na siya saakin habang nagc-concentrate parin ako.
Napangiti ako lalo nang maramdaman ang presensya niya sa loob ko.
I can do it!
Kasabay ng pagmulat ko ng mga mata ang biglang pag-init ng magkabilang palad ko hanggang sa nawala na ito.
"Nagawa ko!" masayang sabi ko nang makitang may apoy na sa magkabilang palad ko.
"Congratulations Dyosa!" nakangiting sabi nila saakin.
Tumango ako sa kanila habang nakangiti ng malawak.
Bumilis lalo ang tibok ng puso ko dahil sa kasabikan na magagamit ko na muli ang kapangyarihan nila.
T H I R D P E R S O N P O V
Patuloy na pinapatamaan ni Jana ang lobo gamit ang kapangyarihan ng leon.
"Ano ba Wofy! Wala namang lakas ang pinapatama mo saakin" reklamo ni Jana sa lobo.
Sinimangutan lang siya ng lobo at nagpatuloy sa pag-iwas sa pinapatama sa kanya ni Jana na mga apoy.
"Masasaktan ka Dyosa. Hindi mo pa lubusang nakokontrol ang kapangyarihan ni pusa kaya baka ay hindi mo ito maiwasan," sagot ng lobo sa kanya at agad siyang nagtago sa bato nang patamaan siya ni Jana ng malaking apoy.
"Hindi ako yon Wofy! Si Leon yon!" mabilis na sabi Jana at pinutol ang koneksyon nila ng leon kaya lumabas na ito sa kanyang sarili.
"Tinawag akong pusa!" galit na sabi ng leon habang nakatingin ng masama sa lobo na umalis na sa pagkakatago.
"Pusa ka naman talaga, e" seryosong sabi ng lobo habang dinidilaan niya ang kamay niya.
"Ikaw nga aso tss!" sabi naman sa kanya ng leon.
Napatigil sa pagdila sa kamay ang lobo pagkatapos ay pinalibutan siya ng kapangyarihan niyang hangin.
"Wag mo akong ikumpara sa mababang uri, pusa." seryosong wika niya sa leon.
Nagsimula na ding palibutan ng apoy ang leon habang nakatingin parin ng diretso sa lobo.
"Ikaw ang nauna, aso. Hindi ako." sabi naman niya at akmang magsisimula na silang maglaban nang agad na pumagitna sa kanila si Jana.
"Tumigil kayo. Para kayong mga bata" naiiling na sabi sa kanila ni Jana.
"Ngunit, Dyosa--"
"Stop!" malakas na sabi niya.
"Magpahinga kayo. Tigilan na ninyo ang pag-aaway niyo. Wala kayong makukuha dyan kundi sakitan lang." seryosong sabi sa kanila ni Jana pero hindi parin nagpatinag ang dalawa.
Nanatiling nakalabas ang mga kapangyarihan nila habang hindi iniiwas ang tingin nila sa isa't isa.
"Kapag hindi pa kayo tumigil ay pababalikin ko kayo at iba ang isasama ko sa laban." bitiw niya at dahil dito ay nabaling ang tingin nila sa kanya.
"Sorry, Dyosa." sabay nilang sabi at nawala na ang nakapalibot sa kanila na kapangyarihan.
"Good."
Umupo si Jana sa malaking bato at kinuha ang mga tinapay sa kanyang bag pagkatapos ay inabot sa dalawa.
"Nasaan si Tiara?" tanong ng lobo nang mapansin na wala sa paligid nila ang ahas.
"May pinuntahan. Alam niyo na yon." sagot ni Jana at kumagat sa hawak niyang tinapay.
"Nangahas na naman." walang buhay na sabi ng dalawa dahilan kung bakit nagkatinginan sila.
"Magsisimula na naman kayo," sabi sa kanila ni Jana habang nakatingin siya sa kanila ng masama.
Nagpatuloy nalang sila sa kinakain hanggang sa dumating ang isang babae na may kulay puting buhok at nakasuot ng puting dress.
"Oh Tiara. Buti bumalik ka na" sabi sa kanya ng lobo na ngayon ay nasa anyong tao na din.
"Sino na naman ba ang inahas mo?" tanong ng leon sa kanya at tulad nilang dalawa ay nagpalit din siya ng anyong tao.
"Wala. Walang ibang lalaki sa paligid." dismayadong sabi ni Tiara at lumapit kay Jana.
"Dyosa, hindi ka ba nagsasawa sa mukha ng dalawang yan?" bulong niya kay Jana sabay pinulupot ang mga kamay niya sa leeg ni Jana.
Tiningnan ni Jana ang dalawang lalaki na tinutukoy ni Tiara.
Nakatayo sa gilid ng puno ang leon na Leon din ang pangalan at si Wofy naman na isang lobo ay nakaupo sa malaking kahoy habang nakakrus ang mga hita niya.
"Hindi naman. Why?" takang tanong ni Jana at inangat ang tingin niya para makita si Tiara na nasa likuran niya habang nakapulupot parin ang mga kamay nito sa kanya.
"Ang papangit kaya nila." inis na bulong ni Tiara na tinawanan lang ni Jana.
Muling binalik ni Jana ang tingin niya sa dalawa at hindi niya alam kung may mali ba sa paningin ni Tiara dahil kasalungat nito ang kanyang sinabi.
Parehong may magagandang mukha ang dalawa tuwing nasa anyong tao sila. Napakaganda ng hugis ng kanilang mga katawan na parang mga maharlika kaya hindi maintindihan ni Jana kung bakit palagi nalang sinasabi ni Tiara sa kanya na pangit ang mga ito.
"Saan nga pala ang kaibigan mong lalaki Dyosa?" malambing na tanong ni Tiara dahilan kung bumalik ang tingin sa kanya ni Jana. "Wag mo siyang galawin, Tiara. Maharlika ang isang yon." agad na sabi sa kanya ni Jana na tinawanan lang ni Tiara.
"Umalis sila ni Mae kanina. Pinatawag sila ng Head Master ng paaralan namin." sagot niya sa tanong nito.
"Ituloy na natin, Dyosa." seryosong sabi sa kanya ni Wofy na ngayon ay bumalik na sa kanyang anyong hayop.
"Sige.."
BINABASA MO ANG
Dragon's World : The White Princess (COMPLETED)
FantasyBook 1 of Dragon's World. [I do not own the photos I used in the cover. Credits to the rightful owner.] © All Rights Reserved 2016