Chapter 69

22K 672 51
                                    

~Past~ (Na may kasamang present sa last part xD)

———

White's POV

Ang puting mahika ang pinakamalakas na kapangyarihan sa mundong ito dahil mayroon itong tatlong kahilingan. Kahit anong hilingin ng taong may ganitong kapangyarihan ay matutupad. At ang puting tao lamang ang binigyan ng ganitong kapangyarihan. Tinawag na puti ang taong ito dahil nanggaling sa puting dragon ang kapangyariyan niya. Tulad ni Catherine. Ang Misliepet ko.

Ngunit hindi pwedeng pagsabayin ang paggamit ng tatlong kahilingan. Isang kahilingan lang ang pwedeng gamitin sa kasalukuyang buhay ng puting tao. Dahil mayroong tatlong buhay ang puting tao.

Kapag ginamit niya ang unang kahilingan sa unang buhay niya ay sa susunod na buhay na naman niya magagamit ang pangalawang kahilingan at ganon din ang mangyayari sa huling kahilingan niya.

Kapag hindi naman niya ginamit ang unang kahilingan sa unang buhay niya ay pwedeng niyang pagsabayin ito sa susunod niyang buhay. At kapag ginamit niya ang kahilingan ay maglalaho ang lahat sa kasalukuyan niyang buhay at muling isisilang ang lahat sa susunod niyang buhay.

Kung ano ang hiniling niya sa past life niya ay mangyayari ito sa sunod niyang buhay.

Pero hindi ito nangyari kay Catherine. Walang nagbago nung ginamit niya ang unang kahilingan. Hindi naglaho ang lahat at hindi sinilang ang lahat. Kung ano ang takbo ng buhay niya sa kasalukuyan niyang buhay ay ganon parin. Tanging ang nagbago lang ay ang hiniling niya na kunin ang kapangyarihan ni Jayson at ang puting mahika niya na naglaho.

Ngayon lamang nangyari ang bagay na ito at natuklasan namin na kaya walang nagbago sa buhay ni Catherine dahil sa tagong mundo siya humiling. (Kung saan ay dito naghihintay ang mga dragon na isilang ang nakatakdang bagong Misliepet nila.)

Walang oras sa mundong yon kaya nangyari ito.

Tuloy parin ang unang buhay ni Catherine, yon nga lang ay hihintayin niya ang ikalawa niyang buhay para magamit niya ang pangalawang kahilingan niya dahil nandon ang puting mahika niya.

Nakakulong ang puting mahika niya sa pangalawang buhay niya.

"She's here." mahinang sabi ni Black.

Lumabas ako ng bahay at nakita ang isang batang babae na hindi gumagalaw sa pwesto niya habang nakatingin kina Leon at Woff.

Ang Misliepet ko.

Catherine Austin.

Ngunit siya na ngayon si Aljana Quijada Erestain. Matapos gamitin ni Catherine ang unang kahilingan ay binura namin ang memorya niya. Kailangan na niyang tumira sa labas ng tagong mundo dahil hindi pwedeng tumigil ang edad niya. Kaya para mapadali ang lahat sa kanya ay binura ko ang memorya niya. Ibabalik ko lang kapag nasa tamang edad na siya.

"White!"

Natigilan ako nang bigla siyang tumalon sa akin at niyakap niya ang leeg ko para hindi siya mahulog.

Binuhat ko naman siya ng maayos at gamit ang isang kamay ko ay ginulo ko ang buhok niya.

"Iniwan mo na naman ba si Woff? Akala ko ba ay mag-sasanay kayo ngayon?"

Isang buwan ko na siyang sinasanay sa kanyang bagong kapangyarihan na nakuha niya kay Jayson.

Dahil sa masyado pa siyang bata nung ginamit niya ang unang kahilingan ay may nangyari sa kapangyarihang kinuha niya kay Jayson. Instead na makontrol niya ang apat na elemento ay ang kapangyarihan ng mga bantay ang nakokontrol niya. Kaya hindi lang apat na mahika ang kaya niyang kontrolin.

Dragon's World : The White Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon