Chapter 40

40.9K 1.2K 134
                                    

Tahimik akong nakaupo habang nasa tapat ko si Russell at si Chengke naman ay nasa kanang tabi ko.

Nagulat ako nang malaman na magkapatid sila ni Russell. Siya ang batang nagmamay-ari ng dragon na nakita ko noon sa gubat. Ang batang sinabihan ko ng kasinungalingan.

"Ibig sabihin ay hindi po talaga kayo Dyosa?" tanong niya saakin sabay kumapit sa braso ko.

Tipid naman akong ngumiti sa kanya at tumango.

Nagsinungaling ako sa isang maharlika, higit don ay kapatid pa ni Russell!

Hindi ko siya kayang tingnan sa mga mata dahil sa ginawa ko. Kahit pa na bata siya ay hindi parin maganda na nagsinungaling ako sa kanya. Kaya hindi na ako nagdalawang isip na sabihin sa kanya ang totoo.

"Oo, patawad." akmang yuyuko ako sa kanya nang bigla nila akong pigilan.

"Stop the formality." seryosong sabi saakin ni Russell.

"Hindi mo kailangang yumuko Ate. Alam ko namang hindi ka Dyosa noon." nakangiting sabi ni Chengke at niyakap niya ang braso ko kaya napangiti din ako.

Buti nalang ay maunawain siya. She's a good kid kaya mas lalo akong nakaramdam ng guilt sa ginawa ko.

"Hindi ka parin ba matutulog?" tanong ni Russell sa kanya habang nakatingin siya dito ng masama.

Kanina ko pa napansin na parang wala sa mood si Russell at ang sama ng tingin niya lalo na kay Chengke.

"Hindi. Gusto ko pang makasama si Ate." sagot ni Chengke sa kanya at hinigpitan niya ang pagkakahawak niya saakin. Ngumiti naman ako ng tipid at tumango nalang. Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya mas mabuting manahimik nalang ako.

Buti nalang ay wala ngayon ang mga magulang nila. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari saakin kung sakali mang nandito sila. Hindi pa ako nakakakita ng Hari at Reyna ng malapitan kaya baka ay maihi ako sa kaba.

Lalong sumama ang tingin ni Russell na hindi pinansin ni Chengke. Hindi ko alam kung bakit ang sama ng tingin niya sa kapatid niya. Wala namang ginawang masama si Chengke para magalit siya.

Kanina pa kami natapos kumain ngunit hindi parin kami umaalis dito sa kusina. Hindi ko alam kung ano ang hinihintay nilang dalawa. Gustuhin ko mang bumalik sa silid na pinahiram nila saakin ay hindi ko ginawa. Natatakot akong magpaalam sa kanila. Baka saakin pa ibuntong ni Russell ang galit niya kung sakaling mang galit siya ngayon.

"Matulog kana Chengke." malalim na sabi ni Russell kay Chengke nang humikab siya.

"A-ayoko!"

"Inaantok kana. Matutulog ka o matutulog ka?" seryosong banta ni Russell sa kanya dahilan kung bakit natakot na si Chengke sa kanya.

Sanay na akong makitang ganito si Russell ngunit iba talaga kapag sa kapatid na niya pinakita ang kaseryosohan niya. Halata yung ka istriktohan niya.

"Fine! Gusto mo lang solohin si Ate, e pssh."  Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi ni Chengke.

A-anong solohin?

"Good night Ate Dyosa. Matutulog na ako." nakangiting sabi saakin ni Chengke pagkatapos ay inirapan niya si Russell.

"G-good night.."

Bago siya tuluyang umalis ay may binitawan siyang mga salita dahilan kung bakit mas lalong nag-init ang magkabilang pisngi ko.

"Ingat ka kay Kuya, Ate. 'Wag mo siyang sagutin!" sabi niya pagkatapos ay kumaripas siya ng takbo.

Napayuko naman ako at hinimas ang magkabilang pisngi ko. Nakakahiya..

"'Wag mong pansinin ang sinabi niya." dinig kong sabi ni Russell. Tumango lang ako sa kanya habang hindi inaangat ang tingin ko. Hindi ko siya kayang harapin.

"Sumama ka sakin.." nabigla ako nang makitang nasa gilid ko na siya at nilahad niya ang kamay niya saakin.

"S-Saan--" hindi na naman niya ako pinatapos sa sasabihin at muli niyang hinuli ang kamay ko kaya nakaramdam na naman ako ng kuryente.

Wahhh!

Gusto ng sumabog ng puso ko!

Nakayuko lang ako habang nakasunod sa kanya. Hawak parin niya ang kamay ko kaya tuloy-tuloy ng nagwawala ang puso ko.

Binitawan lang niya ako pagdating namin sa isang terrace dito sa palasyo nila.

Mabilis naman akong pumunta sa dulo ng terrace at yumakap saakin kaagad ang lamig ng hangin.

Napangiti ako ng malawak nang makita ang malawak na hardin sa baba habang napapalibutan ito ng mga ilaw.

"Ang ganda.."

Tinuon ko ang tingin ko sa mga bulaklak para pakalmahin ang nararamdaman ko.

Napakayakap ako sa mga braso ko nang maramdaman na nilalamig na ako dahil sa lakas ng hangin. Ngunit, natigilan ako nang maramdaman ang isang malambot na tela sa magkabilang balikat ko.

Napatingin ako ng diretso kay Russell at muling nagwala ang puso ko nang makita ang malalim niyang titig.

Lalo akong natigilan nang ilapit niya ang kamay niya saakin pagkatapos ay inayos niya ang buhok ko na tumatakip sa mukha ko.

Hindi ko mapigilan na mapapikit ng mga mata nang maramdaman ang init ng kamay niyang humaplos sa kanang pisngi ko.

H-hindi ko na kaya ang nararamdaman ko..

Sasabog na ako!

"Beautiful.." dinig kong sabi niya pagkatapos ay naramdaman ko ang mainit na bagay na dumampi sa noo ko.

Nanatili lang akong nakapikit hanggang sa hindi ko na napigilan ang nararamdaman ko at tumulo na ang mga luha ko.

Kahit ngayon lang..

"Hindi ko na kaya.." napamulat ako nang mga mata nang marinig ang sunod niyang sinabi.

Napalunok ako ng laway nang makita ang emosyon ng mga mata niya.

Hindi ko mapigilang isipin na pareho kami ng nararamdaman..

Kaya kahit ngayon lang..

"Don't avoid me.." paos na sabi niya.

Gusto kong umasa..

Tuloy-tuloy paring tumutulo ang mga luha ko habang hindi iniiwas ang tingin sa kanya.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko.

"Okay?" mahinang tanong niya saakin at hindi ko na napigilan ang sarili ko na tumango sa kanya.

Napakagat ako sa labi ko sa pagpipigil ko ng nararamdaman ko ngayon. Gusto ng sumabog ng puso ko.

Napatingin siya sa labi ko kaya inalis ko ang pagkakagat dito. Nakakahiya.. Kailangan ko ng tigilan ang bad habits ko.

Ngunit, natigilan sa sunod niyang kinilos. Nilapit niya saakin lalo ang mukha niya pagkatapos ay hinawakan niya ang likod ng ulo ko at tuluyang nanlaki ang mga mata ko nang mabilis niyang dinampi saakin ang labi niya.

H-he kissed me!

"Inakit mo ako, wala akong kasalanan.." mahinang sabi niya at bago pa ako makapagsalita ay muli niya akong hinalikan ngunit hindi na tulad kanina. Tumagal ito ng ilang segundo.

"Matulog ka na.."

Dragon's World : The White Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon