Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang mga kamay ko habang naglalakad papunta sa bagong room namin. Magkaklase parin kami nina Mae at Angie.Hindi parin ako makapaniwala na sa unang seksyon ako nalagay, samantalang hindi ko naman napuruhan sa laban si Smith. Puro pag-ilag ang ginawa ko at pinalabas ko din kaagad saakin si Wofy dahil sa nangyari kay Russell kaya hindi kami nakapaglaban ng maayos ni Smith.
Higit don ay natalo kami ni Russell dahil saakin. Kinwento saakin kahapon nina Angie at Mae ang nangyari. Matapos kong mahimatay ay hindi tinuloy ni Russell ang laban. Agad siyang sumuko at siya ang nagdala saakin sa clinic. Kaya kasalanan ko ang nangyari. Kung hindi ako nahimatay ay paniguradong kami ang mananalo.
Hindi ko na tuloy alam kung paano ko haharapin ngayon si Russell. Nahihiya ako..
Tuluyan akong napayuko nang makitang halos lahat ng mga nakakasalubong ko sa daan ay napapatingin saakin. Sino ba naman ang hindi mapapatingin saakin? Ako lang ang nahimatay sa battle, samantalang hindi naman halata na napuruhan ako. Kaya nanghina ang katawan ko dahil kay Wofy. Naramdaman ko ang mga sugat na natamo niya dahil nakalimutan kong putulin ang bound namin sa oras na yon.
Kapag ginagamit ko ang kapangyarihan nila ay nagkakaroon kami ng bound. Pwedeng sa labas at loob ko sila manatili habang ginagamit ko ang kapangyarihan nila. Palagi silang pumapasok saakin dahil mas nakokontrol ko sila ng maayos kumpara sa tuwing nasa labas sila na minsan ay hindi ko sila nakokontrol.
"Siya yung nakalaban ni Smith hindi ba?"
"Oo siya nga. Narinig ko na sa seksyon na yon din siya nalagay. Nakakapagtaka.."
"Kaya nga! Kahit na pambihira ang kapangyarihang meron siya ay hindi parin ito sapat para malagay siya sa seksyon na yon!"
Mas lalo kong binilisan ang mga hakbang ko at hinahanap ang seksyon ko.
Hindi ko kasama ang iba dahil pinatawag sila sa office kaya mag-isa akong naglalakad ngayon na siyang pinagsisihan ko.Mas mabuting sumama nalang ako kina Angie at Mae kahit na maghintay pa ako sa labas ng opisina ng mga guro kaysa maglakad na mag-isa habang pinagbubulunguan ng mga estudyante.
Kung hindi sila makapaniwala na nalagay ako sa unang seksyon ay mas lalong hindi ako makapaniwala.
"Jana!"
Inalis ko ang mga kamay ko sa mukha ko nang marinig ang boses ni Ate Lexie.
Nakatayo siya sa pintuan ng isang room habang kumakaway siya saakin. Kaya agad naman akong lumapit sa kanya at sinalubong niya ako ng yakap.
"Mabuti naman at ayos ka na." sabi niya at hinimas niya ang buhok ko.
"Thank you Ate" sabi ko sa kanya habang nakangiti.
Sinabi saakin ni Mae na kasama nilang nagbantay saakin sina Ate Lexie at Joy nong wala akong malay. Hindi ko alam na umabot ng dalawang araw akong walang malay kaya sobra silang nag-alala saakin.
"Pasok na tayo?" yaya niya saakin na kinalaki ng mga mata ko. "Magkaklase tayo Ate?" tanong ko at tiningnan ang pangalan ng seksyon na nakaukit sa pintuan ng room.
"Special Section?!" gulat na tanong ko pagkatapos ay binalik ang tingin kay Ate na nakangiti saakin.
S-seriously??
"Magkaklase tayong lahat!" masayang sabi niya at hinila niya ako papasok sa loob.
Tulala naman akong nagpahila sa kanya.
Ang sabi saakin nina Angie ay sa unang seksyon kami kaya paanong nandito kami sa Special Section?
Biglang kong naalala ang pinag-uusapan ng mga estudyante kanina. Kaya pala ganon na ang reaksyon nila nang makita nila ako. Hindi lang unang seksyon ang napasukan ko kundi special!
Special Section. Ang pinakasikat na seksyon sa paaralan ng Magical Academy. Tanging ang mga estudyanteng malalakas at may pambihirang kapangyarihan lamang ang nakakapasok dito kaya hindi ko maintindihan kung bakit nandito ako.
Baka naman ay nagkamali lang sila na classmate nila ako?
Aamin ko na hindi din ordinaryo ang kapangyarihang meron ako pero hindi ko naman ito nagamit ng maayos sa battle para piliin ako ng mga punong guro na ipasok sa seksyon na ito. Ni-hindi ko nga matandaan kung ano ginawa ko para mapahanga sila saakin.
"Hey, Jana? Masama parin ba ang pakiramdam mo?"
Napatigil ako sa pag-iisip nang bumungad sa harapan ko si Joy at tinanong niya ako.
Tumango ako sa kanya ng tatlong ulit pagkatapos ay nilibo ko ang tingin ko sa loob.
"Jana!" malakas na tawag saakin ni Ben na nakaupo sa tabi nina Eross at ng kambal.
Tumango ako sa kanila at ngumiti.
Magkaklase nga kaming lahat!
"Paanong nalagay ako sa seksyon na ito?" tanong ko kina Ate Lexie at Joy nang makaupo kami sa harapan nina Ben.
"Kasi dito ka nararapat." nakangiting sagot saakin ni Ate Lexie pagkatapos ay muli niyang hinimas ang buhok ko.
"Ang galing mo talaga, Jana!" tuwang sabi saakin ni Ben at naramdaman ko ang pag-init ng magkabilang pisngi ko nang ilapit niya saamin ang mukha niya habang nasa likuran namin siya.
"T-thanks." sabi ko nalang at iniwas ang tingin sa kanya.
"Ayos na ba pakiramdam mo? Namumutla ka kahapon." alalang tanong saakin ni Ate Lexie habang nakahawak sa kanang kamay ko.
"Oo, ayos na ako." mahinang sagot ko sa kanya.
Habang nag-uusap sila ay nilibot ko ang tingin ko sa paligid para hanapin siya.
Siya lamang ang hindi sumama sa kanila kahapon nang dalawin nila ako sa dorm namin.
Nakapasok ang mga lalaki sa dorm namin dahil binigyan sila ng permiso ng paaralan. Sumama din sa kanila si Drek kahit na hindi niya ako kilala.
Kilala ko na siya dahil minsan na siyang nakwento saakin ng iba kaya first time ko siyang nakausap kahapon at napansin ko kaagad ang kaibahan nila ni Zen.
Magkamukha sila pero magkasalungat ang ugali nila. Kung si Zen ay tahimik at seryoso, si Drek naman ay pinaghalong Ben at Eross. May pagkadaldal siya tulad ni Ben at napakagaan niyang kausap tulad ni Eross. Magaan ding kausap ang iba pero may something kay Eross na nakakagaan ng loob sa tuwing kinakausap ko siya na naramdaman ko din kay Drek.
"Walang pasok ngayon!"
Lahat ay nabaling ang tingin namin kina Mae at Angie nang sabay nilang inanunsyo na walang pasok ngayong gabi.
"Yes! Makakatulog ako!"
Nanlaki ang mga mata ko ng diretsong pumasok sa loob si Russell at tumigil sa harapan ako.
"Sumama ka saakin."

BINABASA MO ANG
Dragon's World : The White Princess (COMPLETED)
FantasyBook 1 of Dragon's World. [I do not own the photos I used in the cover. Credits to the rightful owner.] © All Rights Reserved 2016