Chapter 22

42.2K 1.2K 18
                                    

Battle (2 of 4)

"Lexie!" malakas na tawag ni Ben sa kapatid niya nang tumalipon siya dahil sa pagkakatama sa kanya ng dragon ni Zen.

Agad na hinarangan ng dragon ni Ben si Lexie dahilan kung bakit si Ben naman ang nawala sa pokus kaya hindi niya naiwasan ang pinatama sa kanya ni Drek.

Pareho ng nakahandusay ang dalawa habang sugatan sila at dahil sa nangyari ay pinagtulungan na ng team ni Zen ang natirang mga kasama nina Lexie at Ben.

"Wrong move."

Sabay na natigilan ang magkambal nang maramdaman nila ang presensya sa kanilang likuran.

"Panalo ako." ngising sabi ni Ben bago pinatamaan si Drek sa kanyang likuran at ganon din ang ginawa ni Lexie kay Zen.

"Illusion tss.." mahinang sabi ni Drek nang makitang naglaho ang inakala nilang napuruhan na sina Ben at Lexie.

Sabay silang bumagsak ng kambal niya kasama ang mga dragon nila nang sunod-sunod silang pinatamaan ng team ni Ben.

"Woahhhhh!!"

"Ang galing!"

"Kapag Austin talaga, ang lalakas!"

Nagpatuloy ang hiyawan ng mga estudyante hanggang sa napatigil sila nang biglang bumagsak sina Lexie at Ben kasama ang ibang mga miyembro nila.

"Fvck you Drek!" malakas na mura ni Ben nang maramdaman na naghihina ang katawan niya.

Nakita niyang ngumisi si Drek sa kanya na nakahiga paharap sa kanya. "Magaling ako sa poison.. baka nakakalimutan mo." sabi ni Drek sabay kindat na kinailing lang ni Ben habang may ngiti sa labi.

"AH TABLA!"

"SABI NA, E!"

"WALANG MAKAKATALO SA WARDIL!"

Nagpatuloy sa hiyawan ang mga estudyante hanggang sa inanunsyo ng MC na tabla ang magkalabang team dahil walang natira sa kanila. Lahat sila ay nakahandusay dahil sa mga natamo nilang mga sugat at panghihina ng kanilang mga katawan.

"Sabi na, e"

Nabaling ang tingin ni Jana kay Joy nang magsalita siya.

"Walang mananalo sa kanila. Parehong malakas ang team nila." tuloy pa niya na sinang-ayunan ni Jana.

"Si Mae na ang sunod!" malakas na sabi ni Angie sabay kumapit sa braso ni Jana.

Agad namang binalik ni Jana ang tingin niya sa battlefield at muling nanumbalik ang kaba niya nang makita na nasa baba na si Mae.

"Mananalo siya!" nakangiting sabi ni Angie pagkatapos ay nakisabay siya sa hiyawan ng mga estudyante.

"GO MAE!!!"

Kahit na nakakaramdam ng kaba si Jana para kay Mae ay sinabayan na din niya si Angie na i-cheer ang kaibigan nila.

++

Seryosong nakatingin si Mae sa kalaban niya na si Kera na isa din sa mga pinakamalakas na mage sa paaralan nila.

"Long time no see, Princess." sabi sa kanya ni Kera habang may ngisi sa labi.

Hindi naman inalis ni Mae ang tingin niya dito.

"Yeah. Long time no see, Kera" seryosong sabi niya na mas lalong kinangisi ni Kera.

Muling naghiyawan ang mga estudyante nang sabihin ng MC na magsisimula na ang laban nila.

Nang marinig nila ang malakas na tunog ng kampana ay naghanda na sina Mae at Kera.

"Air flakes!"

Mabilis na tumakbo palapit si Mae kay Kera at pinatamaan niya ito ng kanyang kapangyarihan.

"Barrier!"

Gumawa naman ng harang si Kera at umatras palayo kay Mae.

"Napakalakas mo parin, Prinsesa." sabi ni Kera sa kanya habang patuloy siyang pinapatamaan ni Mae.

Nanatiling nakapokus sina Jana at Angie kay Mae habang pinapanood nila silang naglalaban.

"Ang galing talaga ni Mae," mahinang sabi ni Angie at hinigpitan ang pagkakapit kay Jana.

Ngumiti si Jana sa kanya at medyo nawala na ang nararamdaman niyang kaba nang makita na nangunguna si Mae sa laban nila ni Kera. Parehong malakas ang defense at mga atake ni Mae kaya palagi niyang natatamaan si Kera.

"Mananalo siya.." sabay na bitiw nina Jana at Angie dahilan kung bakit nagkatinginan sila at parehong tumawa.

"Air strikes!"

Patuloy parin na pinapatamaan ni Mae si Kera ng kanyang kapangyarihan habang si Kera naman ay patuloy ding umiiwas sa mga patama niya hanggang sa bigla siyang nawalan ng balanse kaya kinuha itong pagkakataon ni Mae para tapusin na ang laban.

"Shit!"

"YES!"

Sabay na napatayo sina Jana at Angie nang sabihin ng MC na si Mae ang nanalo sa laban nang mapurahan nito si Kera.

"NANALO SIYA!" Masayang sabi ni Angie pagkatapos ay naghawakan sila ng mga kamay ni Jana habang may malawak silang mga ngiti. "Wahhh!"

Aljana's POV

"Ang galing mo Mae!" sabay naming sabi ni Angie kay Mae nang dumating siya sa tabi namin.

"Congrats!"

"Thanks."

Hindi naman mawala ang ngiti ko habang nakatingin sa kanya. Tulad nina Lexie ay napakalakas din ng kapangyarihan niya.

Iba talaga kapag dugong maharlika. Hindi ordinaryo ang kapangyarihang meron sila. Sobrang lakas nila na hindi halatang mga estudyante pa sila.

"Aljana? Ikaw po ba si Aljana?" biglang tanong ng estudyanteng lumapit saakin.

"Ah yes. Ako nga, bakit?"

"May naghahanap sayo" sabi niya sabay tinuro ang likuran niya pagkatapos ay agad siyang umalis.

Napakunot naman ako ng noo at tiningnan ang tinutukoy niyang naghahanap saakin.

"Ano yon, Jana?" tanong saakin ni Mae.

"May naghahanap daw saakin. Wait lang  lalapitan ko." sabi ko pagkatapos ay tumayo ako at pinuntahan ang tinuro saakin ng estudyante.

"Jana.."

"Ah!"

Napakapa ako sa dibdib ko nang tawagin ako ni Mae sa likuran ko.

"Anong ginagawa niyo dito?" takang tanong ko sa kanila nang mapansin na halos lahat sila ay nandito.

"Titingnan kung sino ang naghahanap sayo." sagot ni Mae pagkatapos ay inikot niya ang tingin niya sa paligid.

Nasa bandang dulo kami ngayon ng mga bench dito sa battlefield. Walang masyadong tao dito dahil hindi kita dito ang naglalaban.

"Sino ang naghahanap sayo?" takang tanong naman ni Joy.

"Hindi ko nga din alam, e" sagot ko nalang at bumaba sa hagdan para tingnan sa baba kung nandon ba ang naghahanap saakin.

"Dyosaaaaa!"

"Dyosa!"

Napatigil ako sa paglalakad nang makita sina Tiara at Wofy na nakaupo sa baba ng hagdan.

"Tiara, Wofy!" balik na tawag ko sa kanila.

"Dyosaaaaa"

Dragon's World : The White Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon