Third Person's POV
Pumasok ang lalaki sa isang silid habang may hila siyang nakataling lalaki.
"Siya na ba?" tanong sa kanya ng taong nasa loob ng silid.
Tumango sa kanya ang lalaki pagkatapos ay pinaupo niya ang kasama niya at inalis ang pagkakatakip niya sa kanyang bibig.
"A-ano p-pong kailangan niyo? A-anong gagawin n-niyo s-saakin?" nauutal na mga tanong niya at sunod-sunod na nagtuluan ang mga luha niya.
Lumapit sa kanila ang taong nakatago sa dilim at nabigla ang lalaki nang maklaro kung sino siya.
"Y-Your highness!" malakas na tawag niya at lumuhod sa harapan niya. "P-Patawad kung may nagawa akong kasalanan sa inyo!" malakas na sabi niya habang nakayuko parin.
Nagpakawala naman ng malalim na hininga ang taong ito at umupo sa silyang nasa harapan ng lalaki.
"Anong nalalaman mo tungkol kay Aljana?" seryosong tanong niya kaya inangat ng lalaki ang tingin niya.
"S-siya po ang gumamot sa dragon ni Prince Russell!" diretsong sagot niya at muling yumuko.
Napapikit ng mga mata ang taong nakaupo pagkatapos ay hinilot niya ang sentido niya. "Kung ganon ay hindi nga nila kayang burahin ang memorya mo." sabi niya sabay buntong hininga at tumayo sa pagkakaupo.
Lumapit siya sa lalaki pagkatapos ay tinapik niya ito sa kanyang balikat. "Susundin mo ba ang ipapagawa ko sayo?" seryosong tanong niya at hinuli ang mga mata ng lalaki.
"O-opo! G-gagawin ko! W-wag niyo lang po akong patayin," sagot niya habang tumatango.
"Then..kalimutan mo ang lahat na nalalaman mo sa batang 'yon. Wala siyang kakayahan na gumamot at hindi gumaling ang dragon ni Russell." sabi niya habang nakatingin ng diretso sa lalaki.
"O-opo. Masusunod."
"Pakawalan mo na siya." utos niya sa tauhan niyang kumuha sa lalaki.
Agad namang lumabas ang lalaki nang mawala ang pagkakatali sa kanya.
"Siya na ba ang panghuli?" tanong ng taong kumausap sa lalaki sa kasama niyang nasa loob din ng silid.
Lumabas ang kasama niya na kanina pa nakatago sa dilim. "Yes, your highness."
"Good. Siguraduhin niyong walang makakaalam sa kapangyarihan niya."
"Wala parin ba siyang pinagsabihan nito?" tuloy na tanong niya.
"Wala. Hindi niya sinabi sa iba ang tungkol sa kapangyarihan niya at hindi niya ito masyadong ginagamit. Siguro ay nasanay siyang itago ang kapangyarihan niya kaya hindi niya ito pinaalam sa iba. Alam niyo na ang pinagdaan niya bago siya pumasok sa paaralang ito."
"Hmm. Mas mabuti yan. Hindi tayo mahihirapan na itago siya sa mga taong 'yon. Hindi pwedeng makarating sa kanila ang tungkol sa kapangyarihan niya dahil alam mo na ang mangyayari kung sakaling matuklasan nila ito."
"Opo."
Aljana's POV
Nagpakawala muli ako ng buntong hininga habang hindi mawala sa isipan ko ang nangyari kanina.
Matapos kong tawagin si Russell ay agad siyang umalis palayo nang hindi manlang nagpapaalam.
Sabagay, bakit naman siya magpapaalam?
Kasalanan ko naman kung bakit parang wala na ako sa kanya ngayon.
Ilang beses na niyang sinubukan na lapitan ako na iniwasan ko lahat kaya ngayong nasanay na siya ay tinigilan na niya ako at hindi na niya ako pinansin pa. Kahit na palagi kaming magkasabay na kumain kasama ang iba ay hindi kailan man kami nagkibuan.
Halata na ng mga kaibigan namin ang hindi namin pagpapansinan at alam kong nahihirapan na din sila sa sitwasyon namin. Hanggang ngayon ay wala parin silang ideya kung bakit nagkakaganito kami ni Russell dahil hindi namin sinabi sa kanila at hindi din sila nagtanong na siyang pinapasalamatan ko.
Hindi pa ako handang sabihin sa kanila ang totoong nararamdaman ko kay Russell. Wala pa akong balak na umamin hanggang sa hindi pa ito tuluyang nawawala.
Kahit na nasasaktan na ako sa ginagawa ko ay pinagpatuloy ko parin ito dahil alam kong mas lalo lang ako masasaktan kapag hindi ko pinigilan ang nararamdaman ko.
He's a prince at ordinaryo lang ako kaya hindi ko siya pwedeng mahalin. Katulad lang niya ang nararapat na magmahal sa kanya, hindi ang tulad kong nasa mababang ranko.
Muli akong nagpakawala ng buntong hininga at pumikit ng mga mata.
"Jana, ayos ka lang?" tanong saakin ni Mae na nasa kanang tabi ko.
Tumango ako sa kanya habang nakapikit parin. "'Wag kang masyadong magpuyat. Alagaan mo ang sarili mo." dinig kong sabi niya at naramdaman kong hinimas niya ang buhok ko kaya napamulat ako ng mga mata.
"Hindi ko tatanungin ang dahilan kung bakit nagkakaganito kayong dalawa pero kapag hindi mo na nakayanan at ready kanang ibahagi saamin ito ay nandito lang kami palagi. Handa kaming makikinig sayo." nakangiting sabi niya habang inaayos niya ang ilang hibla ng buhok ko na nakaharang sa mukha ko.
Tumango ako sa kanya at niyakap siya. "Thanks, Mae." mahinang sabi ko at hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya.
Naramdaman ko namang hinimas niya ang likod ko kaya gumaan ang pakiramdam ko.
Nagpapasalamat ako na naging kaibigan ko siya, sila ng iba. Kung hindi dahil sa kanila ay hindi mababawasan ang kalungkutan at sakit na nararamdaman ko ngayon. Sila ang dahilan kung bakit minsan ay nakakalimutan ko ang nararamdaman ko. Kahit hindi ko sabihin sa kanila ang mga problema ko ay pinapagaan nila ang pakiramdam ko tulad ng ginagawa ni Mae ngayon.
"Anong nangyari, sis?" alalang tanong saakin ni Ate Lexie nang dumating siya.
"Wala." nakangiting sagot ko sa kanya na kinatango niya pagkatapos ay lumapit siya saamin.
Lumawak ang ngiti ko nang yakapin niya kaming dalawa ni Mae. "Group hug!" malakas na sabi niya at wala pa sa tatlong segundo ay nakalapit na din saamin sina Angie at Joy.
"Pasama!"
Tumawa kaming lahat nang sumingit saamin ang dalawa.
"Hindi ko alam kung anong meron pero makikisama parin ako. Mukhang masaya, e" sabi ni Joy at muli kaming nagtawanan.
"Ano, masaya ba?" nakangiting tanong sa kanya ni Angie. "Yeah," tipid na sagot ni Joy habang may ngiti sa mukha.
"Ano yang pinagkakaguluhan niyo? Pasali!" lapit saamin ni Ben at akmang sasali siya saamin nang mabilis siyang hinila palayo nina Zen at Eross na nakasunod sa kanya.
"Kung gusto mo ng yakap pre, lapit ka saakin." nakangising sabi sa kanya ni Drek at napamura naman si Ben.
"No thanks. Yakapin mo sarili mo," sabi sa kanya ni Ben at parang tanga namang niyakap ni Drek ang sarili niya.
"'Wag niyo silang pansinin. Hindi natin sila kilala." sabi saamin ni Ate Lexie na narinig nila kaya agad na nagreklamo si Ben.
Nagsimula na silang mag-asaran na pinangungunahan ng magkapatid na sina Ate Lexie at Ben. Nanatili naman kaming nakikinig sa kanila habang tumatawa.
Patuloy silang nagkukulitan kaya hindi mawala ang ngiti ko sa labi.
Muli kong nilibot ang tingin ko sa kanila at natigilan ako nang mahuling nakatingin na naman saakin si Russell.
Nawala ang ngiti ko sa labi at napatitig sa mga mata niya.
Nasasaktan siya..
BINABASA MO ANG
Dragon's World : The White Princess (COMPLETED)
FantasíaBook 1 of Dragon's World. [I do not own the photos I used in the cover. Credits to the rightful owner.] © All Rights Reserved 2016