Mga Kaibigan (1 of 7)
A L J A N A ' S P O V
Gulat akong nakatingin kina Angie at Mae.
Anong ginagawa ng dalawang 'to dito?
Matapos ko silang hanapin sa kanilang mga bahay ng isang linggo ay dito ko lang pala sila makikita?
Paanong napunta sila dito samantalang wala naman silang mga kapangyar-
Hindi kaya, katulad ko din silang may tinatagong kapangyarihan kaya nandito sila?
"Haha. Mahabang kwento. Tulungan kana namin," ani ni Mae at dinala ang isang bag ko.
"Ako na ang magdadala ng kahon na 'yan," lapit naman ni Angie at kinuha kay Sir Cael ang kahon.
Wala akong nagawa kundi ang dalhin din ang natitira kong bagahe pagkatapos ay hinarap sila.
"Sigurado po kayong dadalhin niyo yan Pri-" hindi natapos sa sasabihin si Sir Cael nang mabilis siyang pinutol ni Angie. "Yes. Mauuna na kami!"
Hinila ni Mae ang kamay ko kaya napasunod ako sa kanila.
Sobrang bilis ng kanilang mga hakbang dahilan kung bakit hindi ko magawang pagmasdan ang dinadaanan namin.
Nasa loob na kami ng paaralan at papunta kami ngayon sa likuran ng gusali na kung hindi ako nagkakamali ay dito nakatayo ang mga tinutuluyan ng mga estudyante dito sa paaralan.
"Bakit niyo kasama si Russell?" tanong ni Angie habang nasa gitna kami ng paglalakad.
Binitawan na ako ni Mae sa pagkakahawak kaya maayos na akong nakakapaglakad ngayon habang iniikot ang paningin ko.
"Russell?" pabalik na tanong ko.
Sinong Russell?
"Yung kasama mo sa loob ng karwahe." sagot ni Angie at napa ahh naman ako.
"Russell pala pangalan non? Walang sinabi si Sir Cael kung bakit kasabay namin siya at hindi ko din nakausap ang lalaking yon dahil ayaw kumibo. Napaka arogante," ani ko sabay umirap nang maalala kung paano niya iniwas saakin ang tingin niya matapos ko siyang batiin. Hindi man lang nagpakilala kaya hindi na din ako nagpakilala.
Narinig kong tumawa sina Angie at Mae kaya napataas ako ng kilay. "Tinatawa niyo?"
"Wala. Ganon talaga yon. Sobrang tahimik niya," naiiling na sabi ni Mae. "Sino ba siya? Bakit ganon siya umasta? Hindi ba talaga siya nagsasalita?" takang mga tanong ko sa kanila.
Hinusgahan ko na tuloy. Hindi ko naman alam na baka ay shy type lang ang isang yon dahil sa sinabi ni Mae na tahimik talaga siya.
"Nagsasalita naman pero kapag may sense ang sasabihin niya. Tamad kasi yon," sagot ni Angie saakin.
Bakit parang kilalang kilala nila siya?
"Anong ginagawa niya sa lugar ng mga Ordinaries? Knight ba siya? Malabo naman kasi kung estudyante siya dito dahil hindi naman pwedeng lumabas ang mga estudyante dito."
"Madalas siyang lumabas at hindi siya Knight," agad na sagot ni Mae.
Kung sabagay, napakabata pa niya para maging knight.
"He's a student, Jana." tuloy ni Mae at natigilan ako sa sinabi niya.
"W-what? Kung estudyante nga siya ay bakit nakakalabas siya?"
"He's a Prince. The Prince of Bordeous."
At tuluyang tumigil ang mundo ko sa binitawan niya.
+++
"Naiintindihan ko," ngiting sabi ko sa kanila nang mapansin na tutulo na ang mga luha nila.
"Wahhh Jana! Magalit ka saamin. Wag mong pigilan ang nararamdaman mo.." nakangusong sabi ni Mae at lumapit saakin pagkatapos ay niyakap niya ako.
Nagpakawala naman ako ng tawa. "Hindi ako galit. Pareho lang naman tayong may mga dahilan kaya ayos lang yon. Ang mahalaga ay magkakasama parin tayo dito." sabi ko at hinaplos ang buhok niya.
"Maraming salamat Jana," ngiting sabi ni Angie at tumabi saamin.
Nandito kami ngayon sa dorm nila at ang magiging dorm ko din simula ngayon.
Nabigla ako kanina nang sabihin nilang sa dorm nila ako tutuloy.
Kaya hindi ko din mapigilan na magtaka na pinagplanuhan ang lahat ng pagdating ko dito.Parang kanina lang ay pinag-usapan namin ni Ina ang tungkol sa tinatago kong kapangyarihan pagkatapos ay biglaan na akong lilipat dito at ang mas nakakabigla ay yung maabutan ko sina Angie at Mae dito na isang linggo ng hindi nagpaparamdam saakin.
Kaya napaisip ako kung coincidence ba ang lahat o sinadya ito?
Pero nang magpaliwanag saakin sina Angie at Mae ay naging malinaw na saakin ang lahat.
Dati na silang estudyante dito hanggang ngayon. Nagkataon lang na kinailangan nilang pumunta sa lugar ng mga Ordinaries 3 years ago dahil ito ang binigay sa kanilang pagsasanay.
Hindi ko alam na may ganito pala sa Magical Academy.
Ang akala ko ay mahigpit na pinagbabawal dito ang mga estudyante na lumabas pero may mga iba pa palang nakakalabas dito dahil sa misyon nila o di kaya'y sinasanay nila silang manirhan sa baba ng sentro. Tulad ng nangyari kay kina Angie at Mae.
Tanda ko pa na tatlong taon din ang nakalipas simula nong unang makilala ko sila.
Kaya pala ay madalas silang umaalis dati dahil bumabalik sila dito para i-report ang binigay na pagsasanay sa kanila kung saan ay hindi nila binanggit saakin. Hindi nila ito pwedeng ipagsabi kahit kanino kaya hindi ko na din tinanong. Ang mahalaga ay tapos na ang binigay sa kanilang taon kaya may kasama ako dito.
Hindi na ako mahihirapan na makiangkop sa mga tao dito at sa paaralang ito dahil nandito sila sa tabi ko.
"So.. Matagal na ninyong alam ang tungkol sa kapangyarihan ko at alam niyong dadating ako ngayon?" tanong ko sa kanila.
Sinabi din nila saakin kanina na hinintay nila ako dito. Mukhang medyo pinagplanuhan ni Inay ang paglipat ko dito dahil hinintay niyang mauna dito sina Angie at Mae na kung saan ay alam niya ang tinatago nilang dalawa dahil silang dalawa mismo ang lumapit kay Inay na kumbinsihin siyang ilipat na ako sa paaralan nila.
"Yeah. Minsan ka na naming nahuli pero hindi namin ito binanggit sayo dahil inalam muna namin ang totoo kung bakit tinatago mo ito samantalang isa ka din sa nangangarap na mag-aral sa Magical Academy," sabi ni Mae saakin at nagpakawala nanan ako ng ngiti.
"Salamat sa inyo," mahinang sabi ko pagkatapos ay niyakap silang dalawa.
Nabigla pa sila sa ginawa ko pero agad din naman silang nakabawi kaya niyakap nila ako pabalik.
"Namiss ka namin!"
BINABASA MO ANG
Dragon's World : The White Princess (COMPLETED)
FantasíaBook 1 of Dragon's World. [I do not own the photos I used in the cover. Credits to the rightful owner.] © All Rights Reserved 2016